What Your Name Means..

You entered: Mc Richard Paglicawan

There are 19 letters in your name.Those 19 letters total to 92There are 6 vowels and 13 consonants in your name.

Your number is: 11

The characteristics of #11 are:


High spiritual plane, intuitive, illumination, idealist, a dreamer.

The expression or destiny for #11:


Your Expression number is 11. The number 11 is the first of the master numbers. It is associated with idealistic concepts and rather spiritual issues. Accordingly, it is a number with potentials that are somewhat more difficult to live up to. You have the capacity to be inspirational, and the ability to lead merely by your own example. An inborn inner strength and awareness can make you an excellent teacher, social worker, philosopher, or advisor. No matter what area of work you pursue, you are very aware and sensitive to the highest sense of your environment. Your intuition is very strong; in fact, many psychic people and those involved in occult studies have the number 11 expression. You possess a good mind with keen analytical ability. Because of this you can probably succeed in most lines of work, however, you will do better and be happier outside of the business world. Oddly enough, even here you generally succeed, owing to your often original and unusual approach. Nonetheless, you are more content working with your ideals, rather than dollars and cents.

The positive aspect of the number 11 expression is an always idealistic attitude. Your thinking is long term, and you are able to grasp the far-reaching effects of actions and plans. You are disappointed by the shortsighted views of many of your contemporaries. You are deeply concerned and supportive of art, music, or of beauty in any form.

The negative attitudes associated with the number 11 expression include a continuous sense of nervous tension; you may be too sensitive and temperamental. You tend to dream a lot and may be more of a dreamer than a doer. Fantasy and reality sometimes become intermingled and you are sometimes very impractical. You tend to want to spread the illumination of your knowledge to others irrespective of their desire or need.

Your Soul Urge number is: 22

A Soul Urge number of 22 means: The Soul Urge of the master number 22 is very much that of the master builder. You would like to use your abilities in an important humanitarian undertaking, and have an innate desire is to express the significant power you feel in a concrete manner, as a builder, engineer, diplomat, etc. In some way you want to make a considerable contribution to the world.

The 22 gives a broad, universal outlook with a rather practical and common-sense approach. You have especially high intelligence, with an unusual perception and awareness. This number often denotes a high degree of diplomatic abilities and high ideals. You are a very capable person and you may possess special leadership abilities that you can and should develop. People respect you and recognize your superior foresight and vision.

The negative side of the 22 soul urge is a high degree of nervous energy and a tendency to be very dominating. It is unfortunate that all who possess the urge of 22 do not use its energies to the greatest advantage; but then it should be recognized that these energies are understandably the most difficult to focus and direct.

Your Inner Dream number is: 7
An Inner Dream number of 7 means:


You dream of having the opportunity to read, study, and shut yourself off from worldly distractions. You can see yourself as a teacher, mystic, or ecclesiastic, spending your life in the pursuit of knowledge and learning.

Want to learn about your birthday? Click here!
Printer Friendly Version of your report (popup window; scripting enabled required)
***************
Nyaha! Kakatuwa naman 'yun? Hehe... Wala naman sigurong masama kung maniniwala kung minsan sa mga bagay na ito lalo na kung positive rin naman karamihan ang content. Hehe!

0 comments:

"Wala lang..." - Leandrew

Well, i have a new friend Leandrew, kung saan ko nakuha 'yang expression ko na 'yan ngayon. Ang laki talaga ng impact ng mga friends ko ngayon sa mga nagiging behavior ko ngayon. Hehe! Well, sila na kasi ang kadalasang kasama ko at companion ko most of the times lalo na sa mga hard times. Malayo kasi sa akin ang mga magulang ko at mga kapatid ka. Ganun lang talaga.... Wala lang...



Well, marami akong karanasan with this "Wala lang" expression. Sa panliligaw, sa pakikipagkaibigan, sa pakikisama sa ibang tao at iba pa.

Wala lang, pero asar ako sa pagrereshuffle ng section namin. May mga naging close friends na rin ako sa original section 5 pero sad to say na mawawala na sila like Thet, Vincent, Benedict at iba pa na nalipat sa ibang sections.

Wala lang pero excited rin naman ako sa magiging capping/pinning ceremony namin sa June 4, 2007 at dadating pa ang Mommy ko para samahan ako dun sa ceremony. Hindi lang pinning pero excited din ako para sa magiging duty namin sa mga hospitals. Ma eexpose na rin kami sa tunay na ginagawa ng isang nurse. Yahoo!!!

Wala lang pero super happy na rin ako sa new cell phone ko na kahit hindi colored tulad ng dati ay okey na rin. At least pwede na rin akong i text ng mga friends and classmates ko. Hehe! Hinuhulugan ko pa lang po 'yun... hehe :)

Wala lang pero masaya ako for my 2nd chance @Salas... Hehe :) May award din naman pala ang second placer e! Hehe... May award na rin ako... Yahoo!! Mamaya ko na ilalagay sa blog ko para maganda na.
Well, wala lang most of the time ang expression ng mga friends pero commonly may kasunod pa ito. Nyaha! Kakatawa no? Wala lang pero napahaba ko pa ang entry ko na ito.

Tulad nito, wala lang pero alam ko na marami rin kayong masasabi about this word. Hehe... Wala lang di ba? Pero ang dami rin naman kahit papaano.

3 comments:

I Have a 2nd Chance...

After kong malalag sa Filipino Blog of the Week 57, heto na naman ako't nangungulit na iboto ninyo ako para sa week 58.

May nagmessage nga sa akin na katatapos lang daw ng Election, heto naman ako't nangungulit na iboto. hehe, ganyan talaga ang mga sikat, wala sa panahon! Hehe!

Well, i got 2nd place lang naman last week at sana maka 1st naman ako! Sana ay iboto ninyo pa ako at huwag kayong magsasawa sa pagvote sa akin.

Dahil po ay nasa top ako last week ay nabigyan pa ako ng second chance at syempre ay masaya ako for this chance na makilala pa ng ibang bloggers.

Nasa left po at inilagay ko na ang poll para hindi na kayo mahirapan pa sa pagvote. Just click "vote" button na lang kasi naka-click na ang Lionheart e! Just enjoy my blog at sana ay magustuhan rin naman ninyo ang mga posts ko. Well, this May na yata ang pinakamarami kong posts dahil sa halos ay wala akong ginagawa.

Ganun ba talaga 'yun? Marami rin kasing mga bagay na nangyari sa akin this May kasama pa ang pagkakasangkot ko sa issue ng Election. Grabe no?

Sana ay makapasok na ako this week! Syempre kahit papaano ay inaasam asam ko rin 'yun as a blogger di ba? Oportunity na rin 'yun para sa akin.

Kaya sa mga taga-Paluan, mga Kapamilya, at kapwa ko Bloggers na sumusuporta sa akin, sana ay iboto ninyo ako para dito. Hehe :) Sayang din 'yung space dito sa blog, kulang pa e! Kailangan ng awards para lalong maipagmalaki.

4 comments:

After all of these things that happened....

For all the people na walang ginawa kundi magbitiw ng masasakit sa salita sa akin through email ang friendster:

I am not doing anything bad to you, kung tinatamaan ka, sorry na lang sa iyo. Just reflect na lang on the things you are doing. After all, hindi lang naman ikaw ang tinatamaan, generalized madalas ang posts ko dito. Hindi lang para sa isang tao, para sa lahat ng bumabasa ng blog ko.


Sa mga gumawa ng issue sa blog ko, salamat naman at kahit 5 months pa lang ako sa blogger ay kahit papaano ay naging sikat ako.

Is this a heroic blog? I don't think so... Pero kung heroic blog ito para sa iyo, Salamat! For all the people who called me a "rebelde", rebelde ba talaga ako? Gumaganti ba ako? Well, I am just doing my part... Well, do yours.

* * * * * * * * * *

After kong maging Editor-in-Chief ng CYMBO, itatry ko naman this Sem na makapasok sa pinapangarap kong Magdalo Publication. Malay mo, magustuhan nila ang klase journalisna alam ko. Hehe! Watch out for it na lang guys... Please pray for me na makasama dun!

For all:

I'll never stop doing good things in my own way...
I'll never stop conquering and making big differences...
I'll never stop... informing my fellow youth's the truth about our town...and country...


I am Lionheart, simple yet available... hehe! Just Kidding!

* * * * * * * * * *

Sa mga nagpopost dito, please naman, refrain from saying stupid words na mura at masyado nang vulgar. From now on ay magdedelete na ako ng unnecessary at nakakaasar na words. Nagrereflect pa rin sa inyo ang mga pinoposts ninyo. Okey?

Sana naman ay maintindihan ninyo kung bakit ko kailangan magbura ng mga comments pero 'yung mga comments ngayon ay hindi ko pa rin binubura. Sana maging civilized tayo sa pagpopost para hindi naman masyadong mahalata kung gaano tayo kababang nilalang. 'Yun lang!

6 comments:

Overwhelmed



Please still vote AdventuresOfALionheart @Salaswildthoughts (Click the Link) until Saturday, once a day. Sana ay i-vote po ninyo ang blog ko everytime na mag-iinternet kayo. Hehe! Abuso ba?

Overwhelmed po ako sa mga nakikita ko ngayon. Actually, noong unang araw ng botohan ay kinakabahan ako kasi syempre, nakakahiya kapag napunta ka sa bottom. First time ko pa naman.

Sobrang salamat po sa inyong mga bumoto sa akin. Bumoto pa rin po kayo sa www.salaswildthoughts.blogspot.com at kung sakaling mapasama pa ulit ako next week, sana naman ay iboto ninyo ulit ako. Salamat!

6 comments:

Imbestigador : Paluan Election

Hindi ako masdyadong nanonood ng mga News &; Current Affairs Programs ng kahit na anong station for the reason na pare-parehas lang naman ang mga episodes.

Nanood ako for the reason na may nalaman akong isang episode ng Imbestigador na tungkol sa pinakamamahal kong Bayan ng Paluan. How sad na nafeature na lang ang bayan ko, sa Imbestigador pa with that issue?

Imbestigador - May 19, 2007 (Saturday)




Hayyy! Kayo na lang ang mag comment for this episode. Gusto ko nang lumagay sa tahimik muna. I just want to save this video for Paluanons na hindi naabutan ang episode na ito ng Imbestigador.

Salamat Kuya dongvc for uploading this video.

14 comments:

Please Vote for me!

First time ko na mapasama sa voting list ni Talksmart. Salamat po para sa space for nominations.
 
For now, please vote for me sa www.salaswildthoughts.blogspot.com and Vote for Adventures Of a Lionheart AOL! Please click the link above para makaboto. Sana ay i-vote ninyo ako once a day para naman ay manalo ako. Hehe... Ganun talaga!

Sana po ay suportahan ninyo ako. Salamat sa lahat!

2 comments:

BSN III - Section IV


Tapos na naman ang isang Summer Class... Hindi ako ganung happy for the reasons na mabilis lang ang summer clas, hectic ang schedules at saka walang time for longer bonding sa ibang mga classmates!


At first, naiilang talaga ako sa mga classmates ko for this summer class. Kasi mga regular students sila(ako regular na rin sa wakas!) at halos lahat sila ay magkakakilala na except me. Pero happy ako sa naging experice na ito dahil mas lalo pang dumami ang mga nagiging friends ko.



Happy ako na nakilala ko si Ma'am Danela Dasalla(ang Clinical Instructor na kolehiyala, kilabot ng mga bagito) at ang dalawa naming CI sa laboratory na sina Ma'am Ruthie Fayo (Mag-aral kayong mabuti... ha...!?) at Ma'am Mendoza.

Ang class picture sa taas ay galing kay Thet (Super Twins). Marami na akong nakilala na agad sa section na ito at mga friends ko na rin.

Nandito na sa section na ito ang crush ko, ang kinaaasaran ko so far sa class at ang remedy sa mga problema ko.. hehe! Nandito na rin ang bride to be (Kapal!), ang pinapangarap na kabit at iba pa... (Hehe! Illusyonado lang talaga ako mga classmates!)

May mga classmates pa rin na hindi maiiwasang maging obnoxious sa paningin pero kailangan pa ring pagtiisan kasi hanggang 4th year na kaming magkakasama-sama. Pero halos lahat, okey pa sa alright!
Mga friends and classmates, kahit anong time ninyo ako kailangan, andito lagi ako. Promise yan! hehe... Lalaking flirt 'ata ito! (Jove lang po!)

Para naman sa irst encounter ko with friends na manood ng movie from this section: CLICK HERE See me

NUDE : CLICK HERE Outstanding ba?

3 comments:

"YOU ARE ONE HELL OF A LOOSER" - The Unmentionable




This is the LINK for this post: http://www.geocities.com/loosing_looser/looser.htm
Salamat sa iyo loosing_looser@yahoo.com for telling me that I am one hell of a looser. (Salamat brother-in-law!?) But please, sana nagpakilala ka na. Kasi for sure naman na kilalang-kilala ka na. Be true to yourself. Sana inaalam po muna ninyo ang mga nangyari before pa ng posting nito. Na post ko na before ang reasons but sad to say na nadelete ito ng blogger for some reasons. (May nagreport or whatsoever!)

Please don't include my sister here, kung galit siya sa akin (Fine! Never naman siyang nagkaroon ng pakialam sa akin at nagkaroon ng malasakit. Hindi ko na sana siya iiinclude sa blog ko na ito kasi nananahimik na siya sa dako doon but since, nabanggit na ang name niya kaya nag comment ako ng ganito.)


Tomorrow ko na lang ipopost ang reactions ko. Salamat sa paggawa pa ng page para sa answer mo sa post ko. Magaling... Magaling... Magaling! (Clap!)

12 comments:

Happy ba ang 5th Monthsary?

Naging kontrobersyal ang mga naging posts ko these days. This 2007 lang ako nagsimula dito sa Blogger at nakaka-5 (five) months na ako as Blogger user. Happy to say na day by day, dumadami ang mga visitors ko.

Although may takot on what will be the outcome sa mga revelations ko, at least kahit papaano ay nakakatulog pa rin ako. Mahirap na e!

May mga naaasar sa mga posts ko, mayroon rin namang natutuwa at nagcocoment at nagmemessage sa akin sa Friendster. Don't worry, kahit anong sabihin ninyo sa mga posts ko ay hindi ko ito buburahin, promise 'yan! Well, ako kasi ay naniniwala pa rin sa kasabihang kung ano ang ipinoposts mo ay ganun ka rin. As in nagrereflect sa iyo kung ano kang klaseng tao.

I don't care kung magpapaka-anonymous ka na lang habang buhay. I don't care, all I need to know and be my friend ay ang mga taong totoo sa sarili niya. If sa sarili niya ay hindi siya maging totoo, sa iba pa kaya?

It's my 5th month sa Blogger and satisfied to be a Blogger! Kayo, happy ba?

The Following are the 3 (three) most cotroversial posts of mine:
1. Why I sometimes hate Paluan
2. Am I a Looser?
3. Worst of All...

Nagsanga-sanga na ang mga naging posts ko dahil sa naging effect nito sa daily living ko. These posts ay puro tungkol sa pinakamamahal kong bayan. Matatawa ba or maaasar kayo sa mga comments?

5 comments:

My New Resort

After kong madiscover ang Blogger, dumami ang mga naging choices ko. Kasi, I've been from Bravenet, Blog, at blogdrive, tapos naging Wordpress user, pagkatapos ay nagsign-up para sa Friendster Blog(Hindi ko nagustuhan), tapos Xanga... at ngayon ay Blogger.com na talagang nagustuhan ko naman.



ANNOUNCEMENT: Nakagawa na po ako ng bagong kong blog exclusively para sa mga favorite songs ko na in-upload ng mga You-Tubers. Hehe... This one's (above) my favorite song. Mahilig kasi ako sa inspirational at senti na songs.

Thanks to rodney1990 for uploading that video to You Tube!

2 comments:

Injection Fever : My First Time!

Off topic muna tayo sa mga problems na iyan! Iba na muna ang pinagkakaabalahan ko ngayon. Kahit ano pa ang mangyari ay dapat tuloy pa rin ang buhay ko!

Kakapagod ang araw ko kahapon. Ngalay pa sa katatayo at kakatingin sa mga nagdedemo sa school. It's my first time kasi na mag-injection.



Natatakot nga ang partner ko (Eli) na kapartner ko sa injection. (Hehe!) First time ko lang kasi unlike sa kanya na nagawa na niya 'yun sa Health Care 1. Sabi ng C.I. ko before ako mag-injection, ano raw sasabihin ko sa patient ko (Eli) para hindi matakot? Natawa ako nang sabihin kong, "Eli, wag kang mag-alala, first time ko ito...". Nagkatawanan kami kasi joke ko lang 'yun! Natatawa na lang ako sa mga nagiging reactions niya.

Ako naman ang ginamit ni Eli para sa return demo niya at ako ang in injectionan... Hehe! Hindi ako masyadong sanay kaya muntikan na akong mapasigaw sa sakit sa ID, skin testing. Huh! Ang sakit!
Kagabi, feeling ko ay nilalagnat ako at ang sakit ng katawan ko sa dami ng ginawa ko ngayon. Feeling ko kaya ako nilalagnat ay dahil sa injection. Hehe...

This week ay puro return demo na kami from handwashing, vital signs hanggang sa oxygenation. Oxygenation na lamang ang kulang ko ngayon pero hindi pa rin ako makapagreturn demo kasi may section pa na nag-ooccupy ng Funda Lab.

So, until now ay basa pa rin ako ng basa para naman at least may ma perfect ako. Nagbabasa na rin lang ako para at least makalimutan ko ang tension sa family ko at sa ibang tao. Medyo mahirap pa rin sa kalooban pero kailangang tanggapin. Live life... Love life...

7 comments:

Worst of All...

I am aware that after I publish my two reactions on the current situation of election in Paluan ( Why I sometimes hate Paluan at Am I a Looser? ), magkaka award ako sa kanila, as in nakakaasar na award.

Yeah, Tama ang iniisip mo. Actually, nabasa na nila ang blog ko! Thank God... At least nalaman nila ang sentimyento ko sa buhay. Hindi naman talaga ako nagrerebelde e, hindi ako nagwawala... I am just thinking things for better and for worst.

But no! Naging negative ang mga bagay na napost ko dito especially sa Mayor namin sa Paluan. Am I driving him crazy to these posts? If hindi totoo man ang mapopost ko dito, if he's true to himself, hindi siya, magrereact ng ganito.

This is the story kung bakit nagsisintimyento na naman ako:

I called my Mom katatapos lang para sabihin na hindi na ako makakauwi ng Paluan para makapagreview ako para sa exams but then iba ang naging tono ng Mommy ko. Hindi ko man lang nasabi ang gusto kong sabihin at galit niyang sinabi na galit siya sa akin of what I posted here.

Isa sa mga taga-Munisipyo namin ang nagprint ng mga ipinosts ko at ipinamahagi at ibinigay sa mga tao doon including the Mayor. That person is making the situation worst.

Actually, gusto ko na sanang i-erase ang mga posts ko dito regarding election para wala nang problema. But then eto na e... This is the worst effect of all. Feeling ko galit sa akin lahat ng tao sa Paluan. But thank you na rin (sa nagprint at nagpakalat, pangalan ay M)....

At least hindi ako plastic! Nagtatry na rin ako to do moves here. I don't know what will happen next.

Kung hindi na lang sana nila ako pinakialamanan noong una, and respect my decision, hindi lalaki ito ng ganito. At saka, e ano kung nalaman nila na maka-kabila ako? E hindi naman ako uuwi sa election 'di ba? At saka kung kailan na motivate na ako why I need to vote for the incumbent Mayor, saka nangyari ito. Because of my Family, I'll vote for thier choice... not only because it's their choice... kundi choice ko na rin as well.

I felt so sorry to my Mom and my Kuya na nadamay sa issue na ito. I know that from then on, mag-iiba na ang lahat because of me. I don't know if there will be healing but then I am still hoping. Hirap talaga to have my own choice... dapat majority! Tama ba?

Haha! Am I crazy? I'm making a BIG difference now...

16 comments:

Happy Mother's Day

Habang nagmumuni-muni sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon, naisip ko na Mother's Day nga pala ngayon. Hayy... Namimiss ko na ang Mommy ko. Kaya nga naghalwat ako ng mga pictures ko sa cabinet ng Mommy ko at ang mga pictures na nakapost sa ibaba ay ilan lang sa mga nakuha ko sa cabinet.

First natal day ko binyag na rin with my Mommy handling a gift.


These are my parents @Expo Filipino, 1998 pa 'ata ito?

Sa binyag ko pa rin... Love the lechon!



Bata pa ako nito. Hehe.. Nice! (with my Mom and Dad)

I just found out na pagkatapos kong mahalungkat ang lahat ng pictures ko sa cabinet dito sa Mandaluyong. Wala pa pala kaming latest picture together ng Mommy ko. Parang gusto ko nang umuwi sa Mindoro para naman magkaroon kami ng at least picture ng Mommy ko.

I don't know why... Pero parang lahat na 'ata ng mga nakilala ko ay may picture ako pero latest picture ng Mommy ko at Daddy ko ay wala ako. I will call my Mom after this post para batiin man lang na araw niya ngayon, HAPPY MOTHERS DAY!

6 comments:

Am I a Looser?

Akala ko firm na or steady na ang decision ko not to come to Paluan this coming May 14, 2007 to vote pero hindi pala. May realization ako sa sarili ko na hindi pala ganun kadali 'yun!

I posted out before that "I sometimes hate Paluan" most especially during election times kasi asar na asar ako of what's happening to all of the people out there. Parang perya... At talagang pagmumukhain kang pera ng mga kandidato.

Until now ay nag-iisip ako on what to do these times dahil sa napakaraming factors na nangyari this past 2 days. Nakatanggap si Princess (pinsan ko at kasama ko sa bahay) ng texts from my Mommy. Hindi kasi ako maitext kasi nanakawan ako ng cellphone last month (concert ng Calla Lily at Kamikazee sa RTU).

Ito ang mga naging text sa akin:

"22o b n joke dw ung yuvin c mc2 dhil nkarating n i2 sa mayor knausap aq ng mayor hiyang2 aq sbihin mo saung pa2 ngbibiro lng kau ni mc2 pra d nman mpahiya sa mayor".
2-May-2007
21:34:34

"Ngbi2ruan lng n c mc2 ay yuvin at d nman yata maka2uwi at may final cya s may 15 16 o kung mkauwi ay s abe tlaga cya at wla ng iba."
2-May-2007
23:23:27

Ipinalabas ko na lang sa Mommy ko at mga kasama ko dito sa bahay sa Mandaluyong na joke lang na sa kabila ako para wala nang issue. Malaking issue pala sa pamilya ko at ibang tao ang paglalahad ko ng totoong iboboto ko. BIG DEAL pala 'yun!

Ang Mommy ko ay isang Elementary School teacher at nagtuturo sa karamihan ng mangyan sa bayan namin. I don't know pero parang under ang DepEd ng bayan namin sa aming munisipyo for so many reasons na tuwing may program ay kailangan ikonsulta at laging nakahada silang mga pulitiko. Ang kuya ko naman ay nagtatrabaho ngayon sa ginagawang Irrigation System sa Paluan na project ng munisipyo. That's why my ganun na lang ang pamilya ko sa kanila. Ewan ko lang kung logic ba talaga 'yun kasi pinagtatrabahuan naman nila ang mga ine-earn nila.

1 week na lang for me to choose and decide what's right and what to do regarding this matter. Then kagabi, may nagext at nagbigay na ng final decision:

"Pkisabi kay mc2 kung my mgbi2gay ng pamasahe ang abe ay umuwi cya sayang dn at tama n s biruan bsta abe lng ika mo ang tanggapin at ipagsama mo na rin."
4-May-2007
22:22:06

"Alalayan mo yan dhil first timer gago pa kung ano2 lng ang denidesisyon sbihin mo sa kanya ngphamak cya kya pag uwi 2loy cya s mayor para makilala."
4-May-2007
22:27:49
at iyan ang mga latest texts na natanggap ko from Mindoro.

Akala ko mature na ako at kaya ko nang magkaroon ng sariling isipan, desisyon, pasya. Akala ko independent na ako pagdating sa mga bagay na 'yan. Hindi pa pala.

I love my family so so much and I don't want to loose them, that's why I am doing this. Mananahimik na nga lang sana ako at ' di uuwi sa Mindoro para wala nang usapa. But then someone's giving me a favor, umuwi ako sa Mindoro para naman maayos ko ang nasirang damage between that pulitiko and my family. Napakalaking damage na pala ng nagawa ko e isang boto lang naman ako 'di ba kung tutuusin?
Natatawa rin ako sa sarili ko. Kapapanood ko lang ng Spiderman 3 at nagpost pa ako ng mga lessons sa movie na 'yun at isa na roon ang "There's always a choice".

Pero bakit ako, parang wala yata? Am I a looser now? What do you think?

12 comments:

I Watched Spiderman 3 Again!

Nagmamadali akong pumasok sa school ngayon dahil may report pa ako sa Nutrition subject ko. Nagtaxi na ako dahil sobrang traffic at pagdating ko sa school, nakita ko sa may canteen iba kong classmates at sinabi sa aking wala kaming class.

So I decided na umuwi na lang although asar na asar kasi nagpakapagod ako just to be in school on time kasi nga may report pa ako. Pero that's it, i need to go home na para naman makapagpahinga pa ako.

Pero nakita ko sina Mark, Jessie (we call him Escort kasi escort siya sa section namin), and Vincent. Nagyaya sila na manood ng Spiderman 3 at ako naman ay sumama pa rin.

It's okey kahit na napanood ko na. At least, malinaw na sa akin 'yung iba pang details from Spiderman 3. Gusto ko rin kasing makipagbonding sa kanila kasi I am a new guy sa section nila. So, kahit sa ganitong paraan, nadadagdagan ang mga friends ko especially sa school.


Sa Robinson's Manila kami nanood sa Cinema 4. Ang lamig at ramdam na ramdam mo ang movie. Ang dami pa ring tao at biruin ninyo, sa 8 Cinemas na open, 7 Cinemas for Spiderman 3 and 1 for Ang Cute ng Ina Mo.

Tulad ko, natuwa rin sila sa ending ng Spiderman 3 at nag-agree sila sa aking unang post (Spiderman 3 : Grooviest Superhero Ever! ). Ako nakadalawa na, kayo?

Nag-trip ako at nagpatatak pa sa guard para may ebidensya ako na nanood ulit ako ng Spiderman 3.


Sa mga taong hindi nakakakilala sa akin, mahilig nga pala akong mang-trip. Kahit mga simpleng bagay. You'll love me for sure.

1 comments:

Why I sometimes hate Paluan

Sobrang pagod ako these days sa sobrang dami ng gawain, natapat pa na Midterm Exams na naman at talagang kailangang mag-review kasi nasa nursing proper na. Buti na lang at may mga taong nagyayaya sa aking lumabas at kahit papaano ay nakakarelax.

Actually, hindi ako makakauwi ng Mindoro this coming May 14, 2007 para makaboto man lang kasi Final Exams week na iyon. Nagkataon na may nagpuntang isang tao dito sa amin para mamigay ng pamasahe just to vote 'yung lalabang kandidato (for Mayor of course!). Di ba bawal ito?

'Yung pinsan ko nag-joke na sa kabila (lalabang Mayor din) raw ako boboto kaya hindi ko tinatanggap 'yung money na pamasahe pauwi sa amin. Actually, hindi ko tinanggap ang pera pamasahe for 2 (two) main reasons:

1. Hindi ako bayaran at mukhang pera. Akala siguro ng taong iyon ay mukhang pera na lahat ng tao na tatanggap sa pera niyang pamasahe back and forth. Kahit namimiss ko ang parents ko at ilang friends ko, may PRIDE pa rin ako at takot sa sarili kong multo.

2. I am still not sure kung makakauwi ako kasi nga Final Exams week namin 'yun at ayokong magkaroon ng low grades. Priority ko pa rin ang studies ko.

I sometimes hate Paluan sa pagiging pulitiko ng lahat ng tao dito. E ano ba kung ibang kandidato ang iboboto ko na malayo sa ibinoboto ng pamilya ko? Issue ba 'yun na iba ang pananaw ko sa kanila?

19 years old na ako ngayon, registered voter, at sure ako na mature na ako para sa ganitong issue. Open ako sa family ko na "I don't like the person na ibinoboto nila" at tanggap naman nila 'yun because opinion ko 'yun.

Naasar lang ako kagabi kasi nakausap ko ang Mommy at sinabi sa akin na galit daw ang Mayor, na kinausap daw ng Mayor ang Kuya ko dahil nalaman niya na hindi pala solido ang pamilya namin na boboto sa kanya. Ganun? Hindi pa ba siya natutuwa na may bumoboto pa sa kanya?

Actually, talagang asar na asar ako sa Mayor naming ito. For almost 10 years sa Paluan at mahigit pa, hindi man lang ako nakaranas ng malaking pagbabago. Yeah, I heard na nanalo ang pinagmamalaki naming Calawagan River as the Cleanest Inland Body of Water in the Philippines ay wala pa rin akong nakitang improvement man lang kahit nakatanggap ito ng ilang million as a prize.

Hindi ako nagwawala or whatsoever! Gusto ko lang ipaalam sa inyo ang himutok ko. Parang hindi ko nakayanan na nagalit sa akin ang parents ko dahil nalaman ng Mayor (incumbent) na hindi ako boboto sa kanya. So what? Sino ba siya?

I hate it! Asar na asar talaga ako.... Hayyy! Mga taga-Paluan bangon! Nag-iisip ako kung uuwi pa ba ako?

22 comments:

Spiderman 3 : Grooviest Superhero Ever!

I am a superhero fanatic, thats why everytime there's a movie showing here in Manila. Last Tuesday, May 1, 2007 is the worldwide showing of Spiderman 3 at nakisabay ako sa mga tao sa mundo na panoorin ang movie na ito.

Pinanood ko ang Spiderman 3 sa SM Megamall Cinema 7. Take note: From Cinema 1 to Cinema 12, Spiderman3 lang ang palabas pero punuan lahat ng Cinema. Last full show na kami nakapanood.

I found Spiderman 3 as the most exciting and the most entertaining Spiderman movie ever. Syempre from Spiderman 1 pinanood ko 'yan at talagang incomparable ang Spiderman 3 dahil sa jampacked na ito sa lahat: may comedy, action syempre, romance at drama.

'Yung kasama ko nga e medyo naiyak sa ending but still satisfied talaga sa story.



This is the TRAILER of Spiderman 3

These are the Characters and my reactions and review:
Spiderman / Peter Parker : Kailangan pa bang imemorize 'yan? E idol ko yan? Very convincing ang pagiging groovy niya at nagustuhan ko ang pag-iiba ng character niya as a groovy person.
Mary Jane Watson : I Love her... Marry me! Nandito pa ako...


Harry Osborn / New Goblin : Na-touch ako sa scene nila ni Spidey at talagang umiral pa rin ang pagiging mag-best friends nilang dalawa. SOLID!


Eddie Brock / Venom : Whahaha! Mukha talaga siyang sakim. At least, nagkaroon ng kakumpitensya si Peter sa photography.


Flint Marko / Sandman : He's a very lovable father and will do everything just for his daughter. Na-touch ako sa pagiging responsible father niya. At least kahit papaano nakakareflect ako. Lolz!






Gwen Stacy : Whahaha! She's the girl! Ewan ko ba kung bakit kailangang pagselosan pa siya ni MJ e mas maganda pa rin naman siya kesa dito sa isang ito?

May mga questions lang ako:
*Bakit biglang nagkaroon ng new suit si Spidey na black?
*Saang planeta nanggaling ang Meteorite? (Thanks 6Cyclemind)

LESSONS FROM THE MOVIE:

Hindi ko nakuha 'yung line e, pero ito 'yung sense, "There's always a choice." 'Yun na yun!
From Sandman to Spiderman : "I don't want you to forgive me, i just want you to understand."
Nice 'di ba? Manood din kayo. Ang saya ng pakiramdam at walang regrets. Hindi lang basta story makukuha mo dito at entertainment, may lessons din. Love it!

9 comments:

Shooter Movie

I watched this movie last Sunday (April 29, 2007) with a friend sa Robinson's Pioneer Cinema 4.

Release Date: March 23, 2007
Run Time: 2 hr. 4 min.
Rating: R - strong graphic violence and some language
Cast: Mark Wahlberg, Michael Pena, Danny Glover, Kate Mara, Elias Koteas
Director: Antoine Fuqua
Genre: Political Thriller, Thriller


This is the TRAILER
Actually hindi ako mahilig manood ng movie na talagang action thriller like this movie pero syempre, dahil libre, pinanood ko pa rin kasi gusto ko rin naman kasing magtry ng ibang movies at hindi na lang puro drama... Hehe.

Masasabi kong isa ito sa mga nagustuhan kong movie at talagang natuwa ako sa story kahit puno ng betrayal. Isa ito sa the best na action movie na napanood ko (kasi napakarare kong manood ng action movie) at natuwa ako sa parang side-kick ni Swagger (Mark Wahlberg). Hehe... He's nice! Kakatuwa siya as a side-kick!

2 comments: