My First Facial Cleaning...


Hehe, hindi pinaghandaan ang cleaning na ito. Habang nagpapafacial, nagtetext... Sayang ang unli e! Dami pa namang textmate. Kakatuwa naman pala ito kahit papaano. At least, kahit na maraming ginagawa sa araw-araw, may panahon pa rin ako sa sarili ko. Hayy....



Wala lang... Masaya lang ako kasi na experience ko na kung paano magpafacial. Hehe :) First time ko kasi. Syempre, tinanong ako ng nagfefacial sa akin, kung first time ko lang ba? Syempre naman, first time lang ang sagot ko. Halata naman kasi ang daming white heads at blackheads na nakuha.

Almost 2 hours ang itinagal ng pafacial ko. Sa dami ba naman ng natanggal na gabundok na white at black heads 'di ba?

Alam ba ninyo na Php100 lang ang pa facial na ito? Well, sulit naman sa dami ng natanggal. Saya naman kahit na medyo nag iinit ang pagmumukha ko paglabas. Refreshing pa rin kahit papaano.
Kayo, nakapagpafacial na ba?

4 comments:

Maria Flordeluna Ending : Nakakaiyak!

Actually, hindi ako nakapanood ng ending ng Maria Flordeluna although talagang sinubaybayan ko ito. Naghatid kasi ako ng friend sa terminal kagabi.

Nakauwi ako nang bahay na tapos na ang Maria Flordeluna at para naman hindi ako manghinayang na hindi ko napanood ay naghanap na agad ako videos nito sa Yout Tube at thankful ako kay dryedmangoez for uploading these videos.






MEMORABLE TAGLINES

Flor - Gary
Nag-iitim na po ang puso niyo Tito Gary... pero may isang ugat dito na buhay pa... na kaya pa magmahal.... wag niyo pong hayaang mamatay ito Tito Gary... kung kailangan kong umalis para masimulan ang pagbabago mo... gagawin ko!

Flor - Mamita
Huwag po kayo umiyak Mamita, wala namang dapat ikalungkot eh, kc mula ngayon po... magiging masya na kayo kasi nahanap niyo na ang puso mo!

Flor - Reneboy Wilma
kasi alam ko kahit mag-aaway kayo.. LOVE niyo pa rin ang isa't isa... WILMA sa puso ko, totoo na kitang kapatid...

FLOR - JO
alam niyo po, tita JO kung pwede ko lang kausapin si Mommy Elvira, sasabihin ko po sa kanya na ang galing galing niyo pong mommy.. LOVE NA LOVE KO PO KAYO TITA JO, pati na rin si BABY!

FLOR - LEO
Leo: Paano pa tayo makakalaro kung kulang na ang isa...
Flor: Daddy, kahit naman po kulang, pwede pa rin po ipagpatuloy ang laro... Parang tayo po, di ba nawala po si MOMMY? nawala po isa sa atin pero family pa rin po tayo.. naging masya po ako daddy kasi kayo ang naging family ko... naging masaya po ako kasi kayo ang daddy ko... mula ngayon daddy... promise ko po, mas magiging masaya pa po kayo...
Leo: bakit? anong ibig mong sabihin maria flor?
Flor: Daddy, wag po kayong malungkot dahil sa akin.. dahil nandyan pa naman si tita Jo.. Si Reneboy, si Wilma at yung bgo naming kapatid..
Leo: Flor, wag kang magsalita ng ganyan, di ba sabi ko sa 'yo... di kita isusuko...lalaban tayo di ba????LABAN!
Flor: di na kailangan daddy... di ko na kayo pahihirapan!
 
I just got these taglines at Pex. Grabe talaga akong naiiyak for the ending of Maria Flordeluna yet nag-iwan ng mga magagandang ala-ala sa mga viewers.

2 comments:

NEWSBITS : The Beginning of my New Kind of Posting

From now on, I'll post na News Tidbits about me and the things na nangyayari sa buhay ko.

On Awards and Achievements:
It's my fifth week as a nominee @Salaswildthoughts Filipino Blog of the week and magpapatuloy pa if makapasok ako sa Top 3 this week 61. Well, nagkaroon na rin naman kasi ako ng award sa Salas at kahit papaano ay may napatunayan na ako.

On AOLionheart Blog:
As usual, Ang Imbestigador : Paluan Election pa rin ang longest post having the highest number of clicks per day at pinakamaraming comments so far.

The next is the new post about sa I Just Hate Wendy Valdez of Pinoy Big Brother Season 2! post na 1 day ko pa lang ipinopost ay napakarami nang nag comment at nagview.

On my Friendster:
Grabe naman inaabot ngayon ng mga page viewers ng friendster account ko. Hehe, ulinke sa isa ko pang friendster account, ito na 'ata ang pinaka marami.
Here are my recently added friends:

TO ALL THE PEOPLE WHO BELIVES IN ME,
THANK YOU VERY MUCH!

1 comments:

I Just Hate Wendy Valdez of Pinoy Big Brother Season 2!

Marami nang beses akong hindi na nanonood ng Pinoy Big Brother Season 2 on ABS-CBN Channel 2 for so many reasons. Isa na diyan ang balik bahay housemates na walang kakwenta-kwenta. As far as I know, na vote out si Wendy kasi mas pinaboran ng tao ang isang much better na housemate.

Sorry to all PBB2 Fanatics at 'yung mga taong nagtatrabaho sa likod ng Big Brother Philippines pero I hate talaga ang naging concept ng season na ito. I don't know if nagpalit sila ng writer or not pero ang layo-layo talaga ng season 2 sa season 1.

Simula nang pumasok(again) sa bahay ni kuya si Wendy ay hindi na ako nanood ng PBB2. Why? Ano ito, tangahan? Sa totoo niyan, isa ako sa mga bumoboto every nomination night and I never voted for Wendy. She's the BIGGEST Plastic inside Big Brother house.

Last June 18, 2007, nanood ako ng PBB2 on Primetime sa Kapamilya Channel kasi may mga nangyari raw sabi sa akin ng friend ko. May live nomination daw. So hayan, nanood ako at medyo natuwa naman ako kasi at least may mga naging totoo na sa kanila.

This is the June 18, 2007 live nomination night video from hotstuff518

Nagresult naman ang live nomination night noong June 18, 2007 para lumabas ang mga tunay na ugali ng mga housemates ng PBB2. At lumabas nga ang ugaling kalye at iskwater ng isang Wendy Valdez.

Sa totoo lang, tama naman ang mga sinabi ng mga housemates na nag vote sa kanila e. Masyado nilang dinamdam ang pagkakavote sa kanila. Kakaasar ang naging reaction dito ni Wendy at lumabas ang pagiging laking-iskwater niya.

Hindi dati ako naniniwala sa email na kumalat about sa pagiging GRO or pokpok sa Japan at meron pa siyang kumalat na sex video. Tinakpan ko na lang ang mga maseselang parte ng kanilang katawan para hindi ma rated X ang blog ko.Tama siguro ang ipinost ni Kuya Retz sa blog niya na if nanalo si Wendy as Big winner ng PBB2, ito na rin ang end ng Big Brother Philippines. I agree with Kuya Retz kasi kahit ako na die hard PBB Fanatic since na nag start ito sa Pilipinas ay nasusuya na rin sa mga nangyayaring ito.

Magiging walang kwenta ang Big Brother Winner kung si Wendy rin lang. Grabe ang mga reactions ng mga friends at family ni Wendy (of course ipagtatanggol nila 'yun!) about these issues.

Never kong nakitaan ng good values si Wendy. Sabagay, sa iskwater siya lumaki at talagang 'yun ang personality niya. Naaasar lang ako sa mga taong naghahambing kay Wendy kay Nene (PBB Season 1 Big Winner) dahil daw parehas silang mahirap kaya dapat silang manalo. Big Winner doesn't mean na kung mahirap ka, ikaw ang dapat manalo. Ang dapat na ibinoboto ay 'yung deserving at hindi dahil sa nakakaawa lang. Si Nene ay mahirap pero tunay na tao at hindi ugaling kalye.

So far, si Mickey, Bea at Gee Ann ang mga ibinoboto ko everyday. Kasi sa kanila ko nakita ang dapat maging isang ugali ng isang Pilipino. Hindi dapat manalo si Wendy kasi never ko siyang nakitaan ng ugaling tao, hayup siya!

Magcomment kayo hanggang gusto ninyo. Basta ako, tapos na dito. Nailabas ko na ang saloobin ko.

13 comments:

Beautifalls... Love it?


Thanks to kcsbeach
 
I saw this video from a friend, whom nakasubscribe ang aking Youtube account. Well, hindi naman talaga maiiwasan ang mga pagkakataong ito sa mga beauty pageants. I was at the school noong nangyari ang mga pagbagsak na ito ng mga candidates. Thanks na lang sa mga TV Networks na pinagpipyestahan ang mga beautifalls na ito.

I just posted it here para naman may comedy raw. Masyado raw kasing seryoso ang blog ko.
Are they popular? Is it the beauty or is it the fall that makes them popular? Like it? Love it!

3 comments:

Masturbation Class


Natutuwa lang ako with this one. This one's on my Youtube account. I just want to share lang naman.
Kasi parang napaka uncommon especially sa mga Pilipino ang magturo ng mga ganito sa mga anak nila. I just like ang pagiging open minded ng father sa pelikulang ito. Well, kung sana ganito nga ang lahat.
 
WARNING : The second video is for adults only. Restricted for Adults Only!


Any comment?

1 comments:

Happy Father's Day!


Well, this one's the very best picture so far naming tatlo (my Daddy, Me and my Mom). Wala na talaga akong makita pang picture na pwedeng iupload para sa Daddy ko. Ngayon ko rin lang na realize na walang nakatagong picture sa akin ang Daddy ko. So sad naman.


This one's from Expo Filipino pa last 1998. Hehe... At least kahit papaano ay may nasasave akong pictures.



Like last Mother's Day, na binati ko ang Mommy ko, syempre meron din about sa Daddy ko. Ang parents ko ay malayo sa akin, they're in Mindoro. How sad naman na until the last minute of June 17, 2007, hindi ko pa rin natatawagan sila. It's either walang signal or naka off lang talaga ang cellphone ang Mommy ko.
And to all the Fathers all over the world, HAPPY Father's Day!

12 comments:

Happy 109th Anniversary of Philippine Independence!!!

It has been suggested that Independence Day (Philippines) be merged into this article or section. The Philippine Declaration of Independence occurred on June 12, 1898 in the Philippines, where Filipino revolutionary forces under General Emilio Aguinaldo (later to become the Philippines' first Republican President) proclaimed the sovereignty and independence of the Philippine Islands from the colonial rule of Spain after the latter was defeated at the Battle of Manila Bay during the Spanish-American War.


The declaration, however, was not recognized by the United States or Spain, as the Spanish government ceded the Philippines to the United States in the 1898 Treaty of Paris, in consideration for an indemnity for Spanish expenses and assets lost.


While the Philippines first celebrated its Independence Day on June 12, its independence was only recognized on July 4, 1946 by the United States. Henceforth, Independence Day was observed on July 4, but in the name of nationalism, and upon the advice of historians, Republic Act No. 4166 was signed into law by President Diosdado Macapagal in 1964, proclaiming June 12, which up to that time had been observed as Flag Day, as Independence Day.

From Wikipedia


Well, this day, hindi naman holiday kaya hindi ko man lang naramdaman ang pagdiriwang na ito. Hehe... Busy kasi ako sa pagpasok tapos pagdating ko sa school, may program pala pero hindi ko ramdam ang atmosphere na malaya nga ang Pilipinas. Sabi ng iba kasi may pasok. Talaga lang ha? Well, kahit naman siguro wala, ganun pa rin. What's new ba?

8 comments:

Proud to be a Mangyan Blogger!

ANNOUNCEMENT TO ALL MANGYAN BLOGGERS:

If you are a true bloooded Mindorenio, copy and paste the code below and show them that you are PROUD TO BE A MANYAN BLOGGER!

Well, nag come up lang ako sa ganitong idea from a friend sa friendster na gumawa daw ako ng isang badge or banner para naman ma promote ang Mangyan Community of Bloggers. Well, hindi naman kami actually mga mangyan pero nakasanayan na na kapag taga-Mindoro ka, Occidental or Orriental, karaniwan na ang pagtawag na manyan.

Feel PROUD my fellow Mindorenios! Be PROUD that you are called a mangyan! Tell the world that in this world, OUR TRIBE exists!



This is the CODE : Copy and paste it to your blog
<P align=center><IMG id=BLOGGER_PHOTO_ID_5074346948949400386 style="DISPLAY: block; MARGIN: 0px auto 10px; CURSOR: hand; TEXT-ALIGN: center" alt="" src=http://3.bp.blogspot.com/_E4VRTHYYpkY/Rmuzqj83W0I/AAAAAAAAAMs/DDk39blLlY4/s400/proud+to+be+a+mangyan+blogger.JPG border=0></P> <P align=center><A href="http://adventuresofalionheart.blogspot.com/2007/06/proud-to-be-mangyan-blogger.html">Wan't this Badge?</A></P>

11 comments:

Lionheart Finally Won!

Yahoo!!! Almost 3 weeks na nanonominate ang blog kong ito as FILIPINO BLOG of the WEEK and I finally won for week 60. Nyaha! Kindly vote for me again! At least, kahit papaano may mga nangyari sa mga pangungulit ko sa mga bloggers na iboto ako.



Noong week 57 - naka second ako at noong week 58 ay lumagpak naman ako as third. Well, loves na loves talaga ako ng mga bloggers for winning the Filipino Blog for the week 59.
Well, thanks to all na nag vote sa akin all thourgh this weeks at ngayon ay nominated pa rin ako. Sana patuloy pa rin kayong bumoto sa akin as a Filipino Blogger. Love it!
Thanks to Kura Eric of Salaswildthoughts for nominating me at nanalo naman ako although pinanghinaan ako lalo na this week kung saan nanalo ako.

3 comments:

I finally watched Pirates of the Carribean 3 and Paano Kita iibigin?


Well, una kong napanood ang movie na Paano kita iibigin, starring Regine Velasquez and Piolo Pascual. Kasama kong nanood sa SM Centerpoint si Leandrew, ang friend ko na late that time. Last sunday namin ito napanood (June 03, 2007). Well, impressed na naman ako as usual sa Star Cinema na sinamahan pa ng Viva Films sa pagpoproduce ng pelikulang ito.

View the TRAILER here:




Isa sa mga naging gustong character dito aside from Regine and Piolo is Eugene Domingo. Never pa rin ako nadisaapoint nito sa lahat ng movies at television shows na nilabasan niya. I still love the effect of a Eugene Domingo in me. Naks!

After ng panonood namin ng movie ay nagpunta kami kina Jiro para dumalaw. Umuwi rin kami pagkatapos. Hehe :) Nice to day to me...

June 04, 2007 after naman ng capping, monday afternoon, itinreat ako ni Jiro na manood ng Pirates of the Carribean: At the World's End sa Robinson's Pioneer. Syempre masaya ako.


Pizza at saka Fruitas ang dala kong pagkain sa lood ng sinehan habang nanonood nito. Hehe :) Sobrang tuwang-tuwa ako sa movie na ito. I watched the Pirates sequels 1 and 2 at ngayon 3. So far, 'yung pangatlo ang nagustuhan ko. hehe... :)

After naming manood ni Jiro ay deretso na kami ng bahay nila.

Here is the TRAILER for this Movie:

Have you watched this 2 movies i have mentioned?

3 comments:

What a Nice Memorable Outing!

Well, mga captions na muna ang ilalagay ko for now. Medyo inaantok pa kasi ako sa buong magdamag na nagsama ang buong barkada natin. Liguan ng liguan at inuman ng inuman.. Hehe :) Sana next time.. Kumpleto na tayo!
Kumusta naman 'yun?
Welcome to LORELAND FARM RESORT! Where you can rest in peace forever and ever.... Welcome to Loreland Farm Resort... such a lovely place... such a lovely place... Ek ek ek! (Manood kasi kayo ng PAANO KITA IIBIGIN, by Piolo and Regine)
Group picture! Isa pa... Hehe :)
Group picture before we say goodbye sa Resort...
May mangyan sa puno! Hehe... Wag naman.. Ako yan! Trip lang...
Mga pa cute! Hehe... Andun kasi ako e.
Sa may swimming pool... Medyo malabo. Si Lenin ang salarin!
Mga lasing.. Ebidensya ito... Si Rhonnel, nanlilisik na ang mga mata!
Hehe... Battle of the sexiest! May laban kayo?
Mga babae at lalaki sa bintana!
Wacky na ba ito? Akala ko naglasing lang...
Ang ganda ng kuha! Kitang kita ang pool...
Rhonnel : Pare lasing na ako! ; Von : Matulog ka na, nagugutom pa ako!
Ang napakasarap na grilled pork. Sa picture lang mukhang presentable. Hehe :)
Hindi na sincere ang mga ngiti! Ngiti sa pilit ba ang tawag dito? (Ano 'yun bunga?)
Nyaha! Iisa lang ang niluluto, ang daming nagluluto?
Amuyin mo ang kili-kili ko.. Nyaha!
Sa mga hindi nakapunta: Naaasar ako sa inyo! Sobrang asar ako sa inyo. Supposed to be may pasok ako at N101 Orientation, hindi ako pumasok kasi nakakahiya na baka ako lang ang kulang sa lahat, pero wala... Wala kayo!
Before this, syempre naghanda ako! CLICK HERE

1 comments:

Ready na ako sa outing sa Antipolo!

Una akong itinext ni Justine about sa OUTING ng buong barkada sa Antipolo. At first hindi ko sineryoso kasi wala pang ibang nagyayaya. Baka kasi mapurnada ulit tulad nang dati akong nayaya.

Well, last May 30, 2007, itinext ako ni Arlon ng ganito:
Bro,arlon toh,just got ur number, pede ka b sa 7?swiming sa antipolo,overnite un,reply ka asap bro


Asahan ka dun k bro ha,mga 17 na tauif sure ka na,dont wori kilala mu lahat un,sa antipolotay swiming,bdget 500,ksma na dun entrance,room en food ntin.

At nagtext nga ako ng itatry ko kasi first day ng duty ko ang araw na 'yun. Nyaha! Ano kaya kung sumama na lang ako? Tutal first day pa lang naman e! Hindi pa masyadong mahigpit. But no!? Importante naman ang gagawin sa first day kasi ang alam ko na orientation day 'yun! Nyaha!

Actually, naaalala ko na naman 'yung mga previous outing namin. Like 'yung sa Anilao (Balik Tanaw : Anilao Batanggas) at sa Bulacan. Well, sila lang naman ang mga ilan sa matatalik kong friends na magkalayo man kami ay 'di pa rin nagkakalimutan. Of course lahat namimiss ko pero syempre may sobrang namimiss at 'yun ay ang mga taong bumati sa akin noong down na down ako (Touchy Moment)

Good news ang sinabi after ng capping namin saying na walang pasok ang mga nursing subjects. It was so happened na ang N101 ko ay Thursday hanggang Saturday, meaning wala kaming pasok sa mga araw na 'yun! Swerte nga naman o!

Kanina pumasok ako ng school pero wala ring nangyari. Wala pa palang professor na papasok. Bwisit na 'yan! Nagmamadali pa naman ako kasi takot akong malate tapos ganun din lang? Grrr... Pero okey lang, may time ako para mag ayos ng dadalhin ko bukas.

At ngayon ay naghahanda na ako para sa dadalhin ko bukas sa swimming. Overnight ito dude! Excited na ako!!! Bukas na ito... Kita kits!

0 comments:

EAC Capping/Pinning Ceremony 2007

Ang aga kong nagising ngayon (June 04, 2007 at 4:00 am) para sa capping/pinning ceremony sa PICC ngayon. Ang kasama ko bale ngayon ay ang Mommy ko at ang Tita Ita ko.

Nakaalis kami ng bahay nang 5:15am para hindi ako malate sa venue. Bawal raw kasing malate dun! Well, nakarating naman kami sa oras kahit na kabado kasi matagal kumilos ang mga kasama ko.

Nasa labas pa lahat ng mga classmates ko nang dumating ako. Hehe, nagkakaipon ipon na rin pala. Pagkatapos noon ay nag umpisa nang pumasok ang mga BSN level 3 kasabay ng kanilang mga parents. Hayy! Akala ko pa naman kakapaan kami kaya hindi talaga ako nagdala ng cellphone sa loob, meron palang dala 'yung iba.

At nag start na nga at kami ay pumasok sa red carpeted floor ng PICC Plenary Hall. Nyaha! Buti naman at wala nang nag grand entrance sa pagkakataong ito.

Mass ang nauna at talagang alive pa kahit papaano dahil na rin suguro sa choir at pati na rin tumatayo kami everytime may natatapos masalita. Hehe! After noon ay ang ek-ek na pananalita ng mga kagalang-galang na nasa stage. Medyo inaantok ako sa mga makabagbag damdaming pinagsasabi ng mga taga stage. Hehe.. Nahuli pa nga akong natutulog kasi itinuro ako ni Michael (Paras)! Grrr...

At pagkatapos ng mga pananalitang 'yun ay ang capping/pinning ceremony. Sobrang dami kasing mga sections kaya nagtagal kami ng sobra. Ang natatandaan ko lang ay sinabitan na ako ng pin sa damit ko at nagsindi ako ng kandila kasama si Florence Nightingale. Nyaha! Nabubuhay palang mag-uli si Florence Nightingale sa mga pagkakataong ito. Hehe!

Ang pinakapinapalakpakang Section 23 ay ang nagpabuhay ng laman ng mga inaantok na dahil ito ang hudyat na tapos na ang program. Nyaha! At after noon ay ang Nightingale's pledge sa pangunguna ng nagkatawang taong si Nightingale.

Nightingale's Pledge
I, Mcrichard V. Paglicawan,
solemnly pledge myself before God
and in the presence of this assembly
to pass my life in purity
and to practice my profession faithfully.
I will abstain from whatever is deleterious and mischievous,
and will not take or knowingly administer
any harmful drug.
I will do all i my power
to maintain and elevate the standard of my profession
and will hold in confidence
all personal matters commited to my keeping
and all family affairs coming to my knowledge
in the practice of my calling.
With loyalty will I endeavor
to aid the physician in his work
and devote myself to the welfare
of those committed to my care.
So help me God.

After ng capping/pinning ay kanya-kanya nang uwian kasi may mga handa naman siguro sila sa kani-kanilang bahay.

Well, nagtagal pa ako sa PICC kasi hindi makita ang dalawa kong kasama dun. Hehe... nadiscover namin na ang dala ng Mommy ko na camera ay walang battery. Kakaasar naman. Walang kwentang camera! 'Di tuloy kami nakapagpapicture pa.

Nagpunta muna kaming Mall of Asia at ipinasyal ko muna ang Mommy ko at Tita ko bago kami umuwi. Kakapagod talaga! Huh! Ia-update ko na lang ang mga pictures jito later kapag nakuha ko na ang ibang mga pictures pa.

3 comments:

Paluan Elementary Batch 2000 Reunion?


Seryoso ba sa pagpapacute?


Kahapon (June 03, 2007), kuhanan namin ng souvenir program para sa capping/pinning ceremony for Monday. Akala ko okey na kasi bagong pagupit ako pero hindi pa rin, kailangan ko pa raw magpabawas sa likod para makuha ko rin 'yung ticket sa PICC. Nyaha! Nagpagupit ulit ako worth Php 50.00 sa may Outlook.

After ng kuhanan, naisipan kong sumama sa mga batchmates (Paluan. Occidental Mindoro) ko na nagyayaya sa SM Manila para naman daw makapagala ang iba. At exactly 1:00 pm ay nasa SM Manila na ako kaya tinext ko sina Jaja if nasaan na sila kasi 12:00nn ang usapan na magkikita-kita at ako ay susunod na lang.

Akalain ba ninyong wala pa pala sila sa usapan? Nyaha! Akala ko ay ako ang susunod na alng... 'yun pala ay sila pa 'yun. Nyaha! Anyway... ang mga naabutan ko sa lugar ay sina Andres, Abegail, Arrianne at Tin-Tin. After ko ay sumunod na nagsidatingan ang iba pa.

Ang supposed to be usapan na 12:00nn ay umabot pa ng quarter to 3pm na dahil may mga dahilan ang mga na late. Hehe... as usual, Filipino time na naman.

Una kaming kumain sa may McDonalds sa ground floor ng SM Manila at pagkatapos noon ay nag Quantum kami. Sa kainipan ay naglaro muna kami ng Table hockey na talagang nalibang ako ng sobra. Syempre, ang mga kalaro ay mga friends ko and talagang special sa akin. Hehe :)

Umabot kami ng 15 na batchmates talaga at masaya naman kami to see each other at minsanan lang naman talaga ito. After ng paglalaro namin ay ang makabagbag damdaming videoke naman ng mga addict sa videoke. Hehe, as usual sila alang ang kumanta kasi hindi ko hilig 'yun e... Mahilig lang akong makinig ng mga music pero 'di kumanta. Nakakahiya e...

Dahil nga walang may dala sa amin ng camera at para naman may ipakita kami sa ibang hindi namin nakasama ngayon ay nagdecide kami na magpapicture sa Tronix para naman may souvenir kami. After ng picture taking ay nag decide na kaming umuwi kasi gabi na.


Wacky ang lahat maliban sa isa... Hanapin ang naiiba!

Pero paglabas namin ng SM Manila ay para kaming mga mangyan na nagtambay pa sa Bonifacio Shrine at nagkakwentuhan. May mga umeksena pa at nakigamit ng skateboard at nag try kahit hindi naman pala marunong. Sa lahat-lahat, naging masaya naman ang accidentally reunion pala namin... hindi kasi planado e pero masaya. Next time ulit

8 comments:

Walang Katapusang Problema

Sobrang asar lang ako today eventhough at least wala na akong poproblemahin kasi tapos na ang enrollment ko ay may dumating pang isang problema.

After ng 2 weeks na pagbabalik-balik ko sa skul at 1 week na pag-eenrol ay nakatapos rin sa wakas. Salamat na lang sa mga friends na handang tumulong anytime.

2 years na bale kaming magsasama ng mga magiging classmates ko ngayong first kasi hindi na magrereshuffle pa ang sectioning ngayon. Okey lang naman kung ganun pero hindi mo naman siguro maiiwasan na magkaroon ng mga nakakaasar na mga classmates na buong 2 taon mo makakasalamuha at makikita ang pagmumukha. Alam mo 'yun?

Nagkainuman na naman kami after ng pag eenroll with Ryan, Ely, Leandrew ang naging companion ko ngayon para sa mga problema ko kasi he's always listening naman at marunong magbigay ng solutions sa mga problems ko at least kahit hindi ko nasusunod. By the way, sa kanya ko nga pala nakuha ang expression na "wala lang".. hayyy!


Thanks

2 comments: