One More Chance

This one's one of the greatest romantic movie I have ever watched! Sobrang nakakarelate ako dito especially 'yung story ng barkada nila. I've experienced these things na kasi e! Pero hindi pa naman siguro dumarating sa chance na nagkakasigawan kami.

I watched this movie at SM Megamall Cinema 10 with Ryan Thadeus, friend ko!


MY FAVORITE LINES FROM THE MOVIE
"mahal na mahal kita at ang sakit sakit na... " - Popoy to Basha

"but it cannot be done because you wont let me" - (Maja Salvador) to Popoy

""if kaya pang ausin pipilitin, but if this is really what both of you need then just be strong. magiging mahirap at masakit pro hopefully all the pain will be worth it." - (Dimples Romana) to Basha

Confrontation scene nina John Lloyd at Bea sa movie
Basha : "ako naman ang ay gusto nito diba? bakit ang sakit sakit? ang totoo umaasa pa rin ako na sasabihin mo sa akin na ako pa rin, ako na lang, ako na lang ulit.
Popoy : "she loved me at my worst... you had me at my best.... but you chose to break my heart..... "



Popoy: Bash, ganon mo ba talaga kagusto lumayo sakin para gawin mo pa to?
Basha: Not everything is about you, Popoy.
Popoy: Then why are you doing this?
Basha: Dahil ito ang gusto ko.
Popoy: Pero pano tayo? Pano ang mga pangarap natin? Basha, yung kasal? Akala ko ba walang magbabago? Basha… Paano na tayo?
Basha: Wala nang tayo, Popoy.
Popoy: Ganon lang yon? Bash, five years! Itatapon mo lang lahat? Hindi mo na ako pwedeng bigyan ng isa pang pagkakataon para maayos ko to?
Basha: I already gave five years of my live, Poy. It’s about time you give me what I want.
Popoy: But you’re asking for too much. Ang hinihingi mo… mawala ka sa buhay ko. Bash naman… Bash, kahit mahirap, ayusin natin to. If this is about me being too controlling… and boring… alam mo naman na sinusubukan ko, diba? Bash, wait… sandali, sandali lang… alam nating pereho na madaling sumuko, pero hindi ka ganon.
Basha: Kailangan ko to. Kailangan mo rin.
Popoy: Pero ikaw ang kailangan ko. Bash… Basha, please.

Well it hurts we you see some one you used to love is being with the one that she loves now and your alone and thinking "ako dapat ang nasa pwesto niya". Parang ang dami mong regrets sa buhay mo pero wala ka namang magawa just to accept the things that was done already. Hayz! Kakaiyak naman!


This is the trailer of One More Chance
thanks to paolo1434gm
 
Sa mga hindi pa nakakapanood ng movie na ito, well you better watch it kasi talagang hindi ka lang maiiyak, lalo pang magiging deeper ang pagtingin mo sa isang relasyon and somehow realize the things para mag-grow ang isang tao.

23 comments:

Superbad!

One More Chance sana ang papanoorin namin kagabi pero maraming tao pang nakapila sa movie na ito kaya sa Superbad na lang kami napunta kasi maganda ang review dito sa movie na ito at ito talaga ang hilig ko. Hehe!

Hindi na sana ako sasama sa Robinson's Pioneer para manood ng movie kasi nakatsinelas lang ako. Sabi naman sa akin, okey lang kasi kahit naka tsinelas lang ako, mamahalin naman, Havaianas 'ata 'yun! Sa totoo lang ay sumama lang ako sa friend kong si Joel na may kasamang isang friend niya na ang name ay Nick at pinakilala niya ako sa friend niya. Nice naman ang friend niya kasi cool din tulad ko.

Hindi kami nagkamali ng movie na pinili kasi maganda naman talaga at cool. Sex ang pinaka-theme ng movie na talagang paborito ko.

Two co-dependent high school guys want to hook up with girls before they graduate and go off to different colleges, but, after a calamitous night just trying to buy alcohol for a school party, overcoming their separation anxiety becomes a greater challenge than getting the girls.

"Superbad" is one of those movies that has this backward. It assumes that the desperate adolescent boy's quest for sex is so universal that we'd root for anybody to score, regardless of whether we love the kids in pursuit. The movie wants us to cheer on husky Seth (Jonah Hill) and noodly Evan (Michael Cera) in a quest to buy alcohol for a big party, where, God willing, two girls will take their virginity.

This is the trailer of SUPERBAD!

thanks to AreYouSuperBad

Ang ganda ng movie at wala talagang kasawaan tulad ng American Pie movies, 40 Year Old American Virgin at iba pang katulad na movies! Hayz!

Sa mga mahihilig diyan, sulit naman ang movie na ito! Depende na lang sa inyo 'yan kung ano ang gagawin ninyo. Pero pinakasulit sa lahat, libre na naman ako sa movie na ito!

2 comments:

My 20th Birthday Countdown!


Countdown Clocks at WishAFriend.com
December 07, 2007 - My 20th Birthday!
Days na lang pala ang binibilang before my 20th Birthday! Tulad ng ibang mga nagbebirthday, marami rin akong mga ineexpect na gifts para naman lalong maging masaya ang birthday ko.

Since my 7th Birthday when I was a child, hindi ko na ulit naranasan na magkaroon ng birthday party. Siguro, dahil wala naman talagang time for preparation for any birthday party at talagang wala sa tabi ko ang mga parents ko. Since highschool ay dito na ako sa Manila nag-aral at naiwan sila sa province.

Syempre, if tatanungin ako ng mga tao, ang isasagot ko na birthday gifts at tulad ng cellphone, ipod, branded na pabango, pangarap kong digital camera at video camera, branded na damit at sapatos at kung ano-ano pang mga pangregalo.


You know what, never pa akong nakakatanggap ng mga gifts intended for me since lumaki ako. Hehe :) I still don't know why? Mukha bang nasa akin na ang lahat kaya hindi na sila kailangan pang magregalo? Hehe , hindi po! Talagang marami lang kuripot sa mundo. Joke!


Well, ngayong 20 na ako, siguro naman wala na akong masyadong pretensions sa time na ito. Hindi na rin kasi ko kailangang maghintay pa ng any gift especially from may Ninong at Ninang ngayong Pasko kasi matanda na ako. Gawain lang daw ng mga bata 'yun!


All I want ngayong birthday ako ay makahanap na ako ng work para naman mabili ko ang mga gusto ko. Pero kung may magpapadala ng gift sa akin, why not? It's still a gift! Sabik rin kasi ako e... Ayoko lang aminin! Sino bang ayaw hindi ba?

Ito naman ang isa sa nabasa ko about Sagittarius : Sagittarius is idealistic, optimistic, freedom-loving, casual, friendly, buoyant, gregarious, enthusiastic, philosophical, studious, farseeing, direct, outspoken, honest, loyal, restless and loves travel. here

Kakatuwa naman ang mga sinasabi about sa Sagittarius! Walang duda, tama ang birthday ko. December nga ako ipinanganak! Hehe :)

7 comments:

My 100th Post : I Can Feel the Christmas Spirit

Last Sunday ay inilaunch na ng ABS-CBN ang kanilang Christmas Station ID. Talagang inabangan ko ito kasi known ang ABS-CBN for making the best and the greatest Station ID on Philippine Television.

Like last year's Christmas Station ID, this one's good at talagang nagpapakita ng values, traditions at ang pinaka-importante sa lahat, ang pagpapahalaga sa pamilya this Christmas.

This is an All Star Cast on ASAP last singing Walang Mag-iisa ngayong Pasko

from man2bfree2burstin

This is the ABS-CBN's Christmas Station ID 2007

from madmicmar

Parang naging hudyat na ng mga Pilipino ang Christmas Station ID ng ABS-CBN. Lalo kong na feel ang Pasko dahil sa Christmas Station Plug na ito ng ABS-CBN sa lahat ng mga programa nila.

HayyyZ! Pasko na nga! Merry Christmas in advance!

Related to K1 Post Kapamilya VS Kapuso Christmas Station ID

5 comments:

The End of My 1st Sem, Year III in Nursing

Hindi na ako nakapag-undas sa Mindoro for the reasons na talagang marami pa akong dapat tapusin for my studies. Tapos na ang first Semester sa iba pero ang group namin ay hindi pa tapos sa defense namin at it's 5th repeat.

Ginawa ko ang Spot Map for 3days at nagbasa-basa habang walang ginagawa sa bahay. I have no adventures for a week na for the reason na talagang wala akong pera. I know now ang kalagayan ko sa ngayon sand hoping for a better tomorrow kaya gumawa na rin ako ng resume ko para makapag-apply ako ng trabaho.

Today ( November 05, 2007 ) is our 5th Defense in Pasay and I hope that this will be the last. 8:00am ang start ng defense pero nag-usap-usap kami na magkikita ng 7:00am sa Pasay para kung may problema pa ay maayos na namin.

I am not the real spot mapper pero tinanggap ko ang paggawa nito for the reason na walang umako ng responsibility na gumawa nito kasi gusto na nilang magbakasyon or talagang tinatamad lang silang gawin.

Pagdating ko sa venue, I heard so many comments on the spot map that I have made. Of course, magdaramdam ako kasi talagang pinaghirapan ko ang apot map na iyon at pinagpuyatan. Marami sa kanila lalo na ang nakatoka sa paggawa ng spot map na iyon ay nagcomment ng masasakit about sa map na idinrowing ko.

Pinalampas ko ang mga sinasabing iyon ng mga kagroupmates ko dahil ayokong mabad trip at marami pa akong kailangang problemahin especially ang aking make up duty na nalaman ko na last day na pala ng make up duty today kundi incomplete na talaga.

I felt bad for that news kasi wala talaga akong pera at wala talagang balak na magpadala sila kasi my Ate said so. Si Ate na lang ang nasusunod.

Nakaraos naman ang madugong defense at napirmahan na rin sa wakas ang clearance namin. I went to school para makiusap sa coordinaor ng Nursing sa amin na kung pwede pa sila magextend ng make up duties kasi wala talaga akong mahiraman.

Um-OK naman sila na iextend ang make up duties kasi may mga ilan-ilan pa ring hindi nakakapag make up duty.

After that, tiningnan ko ang grades ko sa registrar para naman malaman ko kung pumasa nga ako. I love it kasi nakapasa ako at walang ibinagsak sa mga subjects ko this Sem. Sad to say, incomplete pa rin ako sa N101 na 18 units because of my remaining make up duty.

I texted my classmates na humihiram ako ng P668 for my 1 day duty para marealease na grades ko at okey na akong magwork muna. It's better kasi na tapusin na muna 'yung obligation ko sa school bago ako magwork para wala nang maging problema.

I hope... Maging okey na ang bukas! Hindi man ako makakapag 2nd Semester, at least wala na akong alalahanin sa school ko 'di ba?

5 comments: