Our Second Week at Bulacan


Me (one with the camera), Carmela and Isah at The Terrace (Restaurant near the Santos General Hospital)
Kadarating ko lang from our second week of duty at Santos General Hospital at Malolos, Bulacan. As usual, napakarami na namang kwento ang nangyari not only sa duty namin sa hospital kundi na rin sa tinitirhan naming bahay sa Guiginto Bulacan.


Our second week at our stay at the Guiginto house ay talagang kakaiba. May funny, may something stupid at talagang may horror pa.

Last Thursday is a stupid day for me kasi ang dami-dami kong problema at may nararamdaman pa akong tensyon sa sarili ko with my other classmates living in the same house for 3 days. Hayz! I decided to buy some drinks kaso wala kahit na Red Horse Beer at sarado na rin ang mga tindahan. Buti na lang at may birthday pala si Marion (kasamahan namin sa bahay at classmate din namin) kaya may konting inuman. Syempre nakipag-inuman ako para libre na rin ang paglilibang.


Kinabukasan naman ay maaga pa lang ay bumili na agad ako ng maiinom para hindi gabihin at mawalan ng maiinom. Ang lugar kasing tinitirhan namin ay talagang mukhang probinsya ang dating at talagang hindi matao. May dinaanan pa kaming tulay na bakal para bumili ng pupulutanin at ng inumin.

While nag-iinuman after naming bumalik ng bahay ay kasunod din pala namin ang iba naming mga classmates na nagtatakutan at nagkakatakbuhan sa may room. Syempre, nag-usisa ako what happened.

'Yung isa pala naming ka-group ay may third eye at marami siyang nakita while tumatawid sa may tulay na kanina ay dinaanan namin.

Ang ending, parang daig pa kaming mga naglasing na almost 4am na nakatulog sa sobrang takutan.

Kinabukasan ay halos bangag lahat hindi dahil sa nag-inuman kundi lahat ay puyat at hindi nakatulog dahil sa takutang nangyari.

Hanggang sa Hospital ay dala-dala ang takutang iyon at talagang wala nang makapag-isa sa pagwaward. Hayz! Ano ba naman ito? Last week, nakakapag-isa pa akong dumaan sa makipot na daanang ito ng Hospital pero ngayon ay hindi na. Talagang may kasama na ako. Hehe!



Pasilyo ng Santos General Hospital
Pagkatapos ng walang humpay na takutang iyon ay ang nakakarimarim at hindi ko madiscribe na nadatnan namin sa bahay na gamit.

Sa pamlantsahan ay may isang nakapatong na shorts na black. Out of curiosity, syempre, inasses namin kung kanino ang shorts na black na iyon at tumambad sa amin ang isang brief na hindi namin maliwanagan kung may tae ba or libag (dumi) na natuyo na sa brief of kung ano man ang nasa brief na ito.

As usual ay pinagpiyestahan ang underwear na ito at kung sino sa mga studyanteng tulad namin ang may-ari nito.

Kami na Group C ang naunang dumating, sumunod ang Group D pero wala raw sa kanila ang may-ari noon at nang dumating naman ang Group A ay wala sa kanilang umamin sa gamit na iyon.

Isang group na lang ang natitira from the other section na kasama namin sa bahay na kinabukasan pa dadating. Well, nasa Group pala na iyon ang salarin!

Ang nakakarimarim na tagpo sa pamlantsahan with matching kuto
Hayz! Maaga talaga akong nagising para makita lang kung sino ba talaga ang may-ari ng underwear na iyon pero hindi na namin naabutan. Buti na lang at nakita ng bantay sa bahay kung sino ang may-ari ng undies na iyon.
Sirit na? According to Kuya, isa siyang babae na mataba from the other group. Ganun? May babae palang nagsusuot ng brief. Hehe! Pero ang question ko.. Bakit may pubic lice? May sakit kaya ito?

10 comments:

Hugot Movie : Wala Talaga akong Mahugot! Promise!

Actually, I have no idea about this film HUGOT at talagang nagulat pa ako sa itinext ng friend ko na ililibre raw niya ako sa panonood nito. Dahil sa talagang walang pasok at Manila Day, sumama na ako kasi ayaw ko siyang manood ng mag-isa. Sa Cinema 8 of Robinsons Movieworld - Galleria kami nanood. Pagpasok ko ng cinehan, akala ko ay premiere dahil standing ovation talaga sa entrance pa lang ng Cinema hanggang sa likod ng mga upuan ng cinehan. Nang malampasan ko sila, nakita ko na wala naman pala halos na nakaupo sa mga upuan. Hindi ko lang maintindihan kung ano ang mga pinaggagagawa nila at lahat sila ay nakatayo. Lolz! Parang hindi ko pa alam ang lahat... Hehe! :)

ABOUT THE MOVIE :

Actually, magulo ang story. Sorry sa mga nakapanood at nagustuhan ang story nito pero talagang nawindang ako sa storyline. Naintindihan ko lang ang story nang magbrowse ako ng internet. Hayz! Naiintindihan ko na common talaga ang mga nangyaring iyon na ipinalabas sa movie pero hindi ko pa rin maintindihan ang lahat-lahat.

Sayang pa si Ana Capri na talagang napahanga ako sa maraming movies na nagawa na niya.

Naaasar nga 'yung friend ko kasi 1st time niya this year manood ng movie na ito kasi hectic ang schedule ng isang boss ng isang oil company tapos ganito pa ang mapapanood niya. Ang nasabi lang niya sa akin, "Sana natulog na lang ako sa bahay!"

I understand na low ludgeted movie lang ito pero hindi reason para makagawa ng ganito kacrappy na Idie Film. Marami na akong napanood na Indie Films na mura rin lang ang production budget pero worth it naman ang pagpunta sa mga Robinsons Malls (kasi wala namang ganito sa SM e!) pati ang time na supposed to be ay natutulog ka or nag-eenjoy ay maaasar ka lang dahil nag-aksaya ka pa ng panahaon. Hayz! Pwede naman sana

Pasalamat na lang kayo kasi may isang line akong nagustuhan sa movie at talagang natuwa ako: "Wala kang karapatang bumili kung hindi ka naman marunong gumamit." 'Yun lang! Hindi ko pa natandaan kung sino ang nagsabi at kung anong part kasi inis ang nangibabaw sa akin.

Hindi lang ako ang nagcomment ng mga ganito: (marami sila sa Youtube.com)

jaeWALK : maybe stop making "indie films" and just make hardcore porn.
mervdmer : After MORENO...and DAY BREAK........all i can say is...Fool me one shame on youFool me twice shame on meWatching this crappy movie says it all...Third time is a charm.
darrk77 : anong climax ang pinagsasabi mo? wala namang direksyon yung trailer... montage lang naman 'to.
lukalyks : Nakakalurky!!!!!! Nagkatulo ang isa sa mga yan!! Mag-ingat ang mga taong nabigyan ng cell no nya na nakasulat sa isang maliit na papel na ipinamimigay nya sa mga bars! CS
ferdiemac : -anong istorya nyan? - ang pangit ng setting. low budget.-ang lalaki ng bilbil.-ang pok pok ni ana capri.- pero gusto ko mapanood

See other comments here
These are some of the scenes from the movie.




Hugot Movie Trailer : Thanks to indieskarte

Written and Directed by: Jonison FontanosCasts: Ms. Ana Capri, Jerome Ebreo, Christopher Canizares, Cris Castillo, and Alvin Espinosa

Itaas natin ang QUALITY ng mga INDIE FILMS!

8 comments:

My First 3 Days at our Bulacan Duty

Finally, nandito na rin ako sa Manila! Medyo pagod pero okey naman kasi naging masaya ang duty namin kahit na maraming hindi magagandang nangyari.

Nagtaka lang ako pagdating ko sa amin sa Mandaluyong kasi baha ang dinaanan ko ay baha at talagang ang lakas ng hangin. Wala pang kuryente at talagang feeling ko ay bumalik si Melenyo.

Isa sa mga hindi ko malilimutang duty ay ang duty ko sa Santos General Hospital for N102 sa Malolos, Bulacan. Dito kasi ay nag-stay kami ng mga kagroupmates ko sa isang bahay with the 2 groups of our class. As usual, kagulo na naman at laging parang may fiesta sa 3 days of stay namin sa Guiginto, Bulacan.
Fit na fit naman kami sa aming tulugan at masaya naman kahit na medyo siksikan. Buti nga ganun para feel mo ang bonding namin. Lolz!
Isa sa mga kinahiligan ko ay ang pagpunta sa market kahit na talagang malayo na almost 10km daw ang layo from the house na tinutulugan namin. Talagang kapag sa group namin ay recomended ko na magluluto kami para naman gusto namin talaga ang pagkain at fell ko talaga ang fiesta kapag ganun.
As you can see, umarkila pa sila ng videoke para naman may mapaglibangan. 3pm pa kasi ang duty namin to 11pm at 'yung mga remaining time naman kailangan namin ng mapaglilibangan.
Hehe! Fiesta 'di ba? Kahit na piritong itlog at tocino lang ang ulan ay ayos na kami. Ganyan ang group namin, hindi masyadong maraming kaartehan.
Dito ang duty namin sa Santos General Hospital. Hindi siya ganoong kalakihan pero for sure marami naman kayong matututunan at the most important of all ay mababait ang mga staff dito.
As usual, the best part of our duty here ay ang mag-v/s. May mga pasyenteng different talaga ang ugali pero syempre, cool lang lagi at smile, best attitude of all. Hehe! Buti naman at lagi akong cool ngayon at inspirado kasi ako ngayon. Hehe! Ganun talaga ang buhay... Kailangan talaga laging magmove-on sa mga hindi magagandang nangyayari sa buhay.
Isa, me and JR at Station 1 habang gumagawa ng Case Presentation for our last week sa Santos General Hospital.
After syempre ng nakakapagod na duty ay kakain kami sa restaurant malapit sa Santos Gen. Hayz! Sige, subo pa... Kakagutom talaga lagi. Ito naman ang problema ko ngayon kasi gusto kong magbawas ng timbang pero wala kong magawa kundi kumain ng kumain kasi talagang lagi akong gutom na gutom dahil sa dami ng ginagawa at pantanggal stress na rin.
O 'di ba? Ang saya namin? Katatapos lang iyang kumain sa The Terrace malapit sa Santos Gen. Masarap ang chicken barbeque nila kaya nagextra rice pa ako kahit na nagdidiet.

Nice naman 'di ba? Jessie, FM, Ruah and me sa may fountain. Wala lang... Trip lang magpicture-picture kahit 'yung iba pa naming kasamahan ay nasa loob pa at kumakain.
Kami pa rin (from left is FM, me, Ruah and JR). Sweet no?! Kakakilig to the bones.


(From left is me, JR, Jacque, Mitch, Jen, Ruah and Isa) Hayz! Hopefully next week ay okey pa rin hanggang sa mag-end ang Semester na ito. Maraming kakulitan ang section na ito but I definitely love it for the reason that eventhough that I'm a newbie at this section, I can feel na tanggap na tanggap nila ako at ginawa pang leader sa Group C. So flattering!

5 comments:

Excited na ako sa Duty sa Malolos Bulacan!

After a Semester na nahinto ako, heto na naman ako at leader ng III25 - Group C. Ewan ko ba kung bakit naging leader na naman ako?

So ngayon, ako na naman ang abala sa lahat pati sa mga Recomendation letter at ang bahay na tutuluyan namin for 3 weeks of stay namin doon. Actually, every Thursday to Saturday lang kami doon. Ang uwi namin ay Sunday na ng umaga at sa Monday to Wednesday naman sa school namin. Magiging busy na naman ako! Upon recieving the map ng aming pupuntahang hospital ay natuwa ako! May way kaya to Baguio! Pwede naming sabihin na na wrong way kami at nagderecho sa Baguio. Hehe! Joke lang... Ayoko namang mapahamak ang group ko. Anyway, isa rin sa mga bagay na nakita ko sa map ay ang makasaysayang Barasoain Church. Malapit lang ito sa Malolos Cathedral na nasa history ng Pilipinas. Syempre, for blogging purposes na naman ito.


Ito ang list ng mga groupmates ko for this duty. Hopefully ay maging maayos ang duty namin all throughout this Semester at makicooperate sila sa akin bilang leader nila. Hayz! Bukas na! This is it!
Sa Operating Room kami naka-assign kaya lalo akong kinakabahan. Kahit feel ko na fully equiped ako, hindi pa rin maiiwasan ang kaba kasi first time. God, help me. I love You!

9 comments:

I Saw the Signs Again!

Again and again! I saw stupid signs before and now.... Again?

Kung before ay mga signs na nakuhanan ko while namimili kami sa Divisoria, ngayon naman ay mga tatak ng mga gamit nang magbalik ako sa Manila. Marami na palang ganito ngayon?

Nice Calven Klain. Sino kaya ang gumawa nito?

NOKLA? A new brand of phone? Haha! Dual SIM daw 'yan....

ADIDDS... Lolz! Hindi kaya nagkamali lang ang paglalagay nito? Typographical error?

Hayz! I don't think kung nakakatuwa ang mga ito sa tingin ng mga tunay na may-ari ng mga brands na ito.

Ang tanong, bibili ka ba? Bibilib ka ba?

And then I went in PRC kanina para bumili ng mga books for Nursing at may napansin ako doong sign board. Mukha siyang OK naman pero kapag tiningnan mo ng malapitan ay mga mga mali palang words na pininturahan lang ng white pero bakat pa rin ang mga kamalian.

Click the image to enlarge

16 comments:

Lionheart's Top 10 Emerging Influential Blogs of 2008

Last year ay nakasama naman ako sa August 1, 2007 Eyeball: Top 10 Emerging Influential Blogs 2007 at ngayon ay support na lang ako sa mga bagong bloggers na deserving naman. Response lang po ito sa paghahanap ng mga bagong Influential Bloggers nga InfluentialBlogger.net

The list of my last year's Top Influential Blogs of 2007 : AOL Top 10 Emerging Influential Blogs in 2007

Kalahati pa lamang ito ng Top Ten Emerging Influential Blogs in 2008 ni Ms. Janette Toral ng Digital Filipino Club. Tapos na kami last year at nakasama ako at least kahit papaano kaya ako naman ngayon ang nag-pick ng mga deserving at mga gusto kong blog this 2008.


These are my Top 10 Immerging Influential Blogs for 2008 for now at dadagdagan ko na lang kapag nakakita na ako ng mga deserving pang mapasama sa list ko.

Well, GOODLUCK sa mga pick ko at sana makapasok kayo sa TOP.
I just love adventure! Dongism Blog is one of my favorite for having great pictures, shots and a very lovable layout. Refreshing kasi! Wala lang... Mahilig lang kasi ako sa mga blogs concerning nature.

I don't know I just Love it! Hindi na naman siguro kailangan pa ng paliwanag dito 'di ba? Just see this blog at makikita ninyo ang nagustuhan ko. I hope to be in GenSan kung saan nandoon si Pacman!


Flavored Tongue

Katukayo! I called this blogger katukayo kasi we have the same name. Haha! Ewan ko lang na from Pulse Circle ay naging Flavored Tongue na siya. Kapwa ko rin siya Nursing Student kaya nakakarelate ako kahit papaano sa mga posts niya.

Mar Roxas

I love Korina so so much... Damay na rin si Mar Roxas 'dun! Hindi, joke lang 'yun! Very informative naman ang Mar Roxas for 2010 Blog.

Discreet Manila

I just love discreet people. Sila kasi 'yung mga mukhang mapagkakatiwalaan at mga mukhang approachable. Very open minded mga tulad nila.

Blog ng Mangyan

Like me, isa rin siyang PROUD na Mangyan Blogger. I really admire 'yung mga tulad ko kasi kokonti pa lang kaming nagbablog. Happy ako na nakahanap na naman ako ng kasama kong mangyan dito sa Blogosphere.

Popoy Inocentes

Nice laughtrip! Sa tanda ba naman niyang 'yun ay inosente pa rin siya? Ewan ko lang... (Ignorante ba tawag 'dun?) But anyway... Nakakarelate naman ako kahit papaano. It's nice to read lalo na kapag walang magawa.

Kris Jasper

Very nice adventure! Mukhang everyday ay adventure sa kanya. Happy ako at kahit papaano ay nakakarelate naman ako sa mga stories niya kahit na nasa ibang bansa siya. I just love it!

Ed Arevalo

I love music. I support Original Pilipino Music. Hindi ko pa talaga navivisit ang blog niya, first time lang noong nagvisit siya pero natuwa na ako. Sana maging colorful pa ang template. 'Yun lang!

Bunso

I am a bunso. Nakakarelate ako sa mga stories niya : tumatawa sa mga nakakatawang karanasan at natatouch sa mga bagay na napagdaanan ko na. 'Yun lang!



I hope na makapasok kayo sa Top 10 Immerging Influential Blogs of 2008. GOODLUCK and GOD BLESS!!! Continue Blogging....

36 comments:

Back to School Bukol!

Sa wakas ay balik eskwelahan na naman ako! Balik duty pati meet ng mga new friends and classmates pati na rin ang kulitan at harutan sa eskwela...

Nagkita-kita na naman kami ng mga makukulit kong mga friends at mga barkada. Ready na ulit sa mga puyatang duty at mga paperworks at mga exams. Nakahanda na rin ang mga eyebags na malaki na ay madadagdagan pa ulit. Hehe!

Orientation agad kanina at ipinakilala ang mga bago at lumang professors at CI's. Hayz! Marami na ang bago at halos naubos na ang mga lumang CI.
I hope na maging okey na ang lahat at maging smooth 'yung mga pangyayari sa school na ngayon. Sana ipagpray ninyo ako. Sana tapos na ang mga masasamang nangyari sa akin this 2008 at maganda na sa pagsisimula ko ng school. Salamat sa lahat!

5 comments:

Si Kaibigang Putik

(Picture! Picture!)



At last, nagkausap na rin ng kami ng huling karelasyon ko (I Already Had 2 Failed Relationships!?). Yeah, masakit pa rin pero at least kahit papaano ay nabawasan na ng tinik ang puso ko at ang mga tanong sa isip ko ay nasagot na rin kahit papaano.

Ngayon ay friends na lang kami. Sabi ng ibang mga nakakakilala sa akin ay ang tanga raw ako to accpet that at nagmumukhang naghahabol pa ako despite ng mga ginawa niya sa akin. Maybe parang ganun na nga. Pwede naman siguro 'yun na mahal ko pa rin siya kahit na magkaibigan na lang kami. Ang gulo ko 'no?

Actually, sa Sunday pa dapat kami magkikita kasi iyon ang free day niya kasi wala siyang work kaso nagkataon na ngayon (Thursday) na nangyari sa Megamall kami nagkita before siya pumasok sa work niya sa Makati.

Naging okey naman ang usapan namin at nalinaw na lahat ang mga problema.

Dahil nga nalaman na namin ang mga reasons why kami nagkalabuan ay dahil sa friend ko na anay pala ng buhay ko. While I was in Mindoro, tinetext pala siya ng friend ko ng mga kung ano-ano about me habang ako naman ay itinetext ako ng hudas kong friend about my ex (na ngayon) ng mga ginagawa dito sa Manila.

Pinakita ko pa 'yung mga naging text sa akin ng kaibigang putik ko sa kanya at ganun din ang sinabi niya sa akin. My friend likes my ex (na ngayon) kaya pala ganun. Ang dami pang mga kasinungalingan na ginawa ang kaibigang putik ko na iyon pero hanggang ganun na talaga. Isa pa sa mga reasons ng ex ko ay ang infatuation. Ewan ko kung bakit infatuated lang siya samantalang nahulog na ako ng sobra. Unfair 'di ba pero kailangang tanggapin.

I already texted my kaibigang putik ng lahat ng saloobin ko sa kanya pero hanggang ganun na rin lang talaga 'yun. Basta ipinapangako ko sa sarili ko ay hindi na ako babalik kailanman at makikipagkaibigan sa kanya. For almost 2 years kasi ay ipinagkatiwala ko lahat sa kanya at ngayon ko rin lang naisip na siya rin ang dahilan ng break-up namin ng nauna kong relasyon. Masakit pero kailangang tanggapin.

Now, wala muna akong kinikilalang kaibigan except 'yung ex ko na ngayon kasi nagkakaintindihan na kami at 'yung mga barkada ko from FEU at mga classmates sa school ko ngayon.

Sana kahit friend na lang kami ngayon ay magwork naman kahit papaano. Tanga ako, oo kasi mahal ko pa siya. Hayz! Ano ba ito Richard?

Promise ko sa sarili na kung magmamahal ako ay sa sigurado na at hindi lang basta infatuation. Masyadong naging masakit for ang una at pangalawa kong relasyon. Sana naman ay natuto na ako kahit papaano. Help me guys. Please pray for me. Salamat!

13 comments: