The Mummy : Tomb of the Dragon Emperor

At last! Napanood ko na rin ang The Mummy : Tomb of the Dragon Emperor na third installment from The Mummy Returns sa Cinema 5 ng SM Megamall kagabi (August 31, 2008) ng alas 7pm up to 9pm. Actually, it's a movie date with my ex at syempre masaya naman ako kasi kahit papaano ay nagkaroon siya ng time sa akin kahit busy siya sa work niya.

Hayz! Nalaman ko rin na may new boyfriend na ang ex ko pero masaya naman ako kasi kahit papaano ay friends naman kami. Supposed to be ay For the First Time ang gusto kong panuorin pero since ayaw niya noon kasi kahit 4 cinemas ang open for For the First Time ay standing ovation pa rin ngayon kaya ang The Mummy : Tomb of the Dragon Emperor na lang ang pinanuod namin.

The Mummy

The Mummy Returns


The Mummy: Tomb of the Dragon Emperor


SYNOPSIS



The blockbuster global Mummy franchise takes a spellbinding turn as the action shifts to Asia for the next chapter in the adventure series, The Mummy: Tomb of the Dragon Emperor. Brendan Fraser returns as explorer Rick O'Connell to combat the resurrected Han Emperor (Jet Li) in an epic that.

The blockbuster global Mummy franchise takes a spellbinding turn as the action shifts to Asia for the next chapter in the adventure series, The Mummy: Tomb of the Dragon Emperor. Brendan Fraser returns as explorer Rick O'Connell to combat the resurrected Han Emperor (Jet Li) in an epic that races from the catacombs of ancient China high into the frigid Himalayas. Rick is joined in this all-new adventure by son Alex (newcomer Luke Ford), wife Evelyn (Maria Bello) and her brother, Jonathan (John Hannah). And this time, the O'Connells must stop a mummy awoken from a 2,000-year-old curse who threatens to plunge the world into his merciless, unending service.

Doomed by a double-crossing sorceress (Michelle Yeoh) to spend eternity in suspended animation, China's ruthless Dragon Emperor and his 10,000 warriors have laid forgotten for eons, entombed in clay as a vast, silent terra cotta army. But when dashing adventurer Alex O'Connell is tricked into awakening the ruler from eternal slumber, the reckless young archaeologist must seek the help of the only people who know more than he does about taking down the undead: his parents. As the monarch roars back to life, our heroes find his quest for world domination has only intensified over the millennia.


Striding the Far East with unimaginable supernatural powers, the Emperor Mummy will rouse his legion as an unstoppable, otherworldly force...unless the O'Connells can stop him first. Now, in The Mummy: Tomb of the Dragon Emperor, the trademark thrills and visually spectacular action of the Mummy series will be redefined for a new generation. The Mummy: Tomb of the Dragon Emperor is helmed by director Rob Cohen (The Fast and the Furious, xXx) and written by Alfred Gough & Miles Millar (Spider-Man 2, television's Smallville). Reprising their roles as producers in the series are Bob Ducsay, Sean Daniel, Stephen Sommers and James Jacks.

COMMENTS :

I can say now na magaling talaga si Brendan Fraser. Medyo nabatiwa lang ako sa pumalit sa original na Evelyn kasi mas maganda at magaling pa rin ang gumanap na Evelyn sa 1st and 2nd installment ng The Mummy. Sabi ng ex ko, "The last two mummies were scarier than this one. This one is more comic compared to the others".

Una sa lahat, the point of the mummy movies is not to scare the audience, it's about searching for buried treasure, and along the way, awakening the undead, and putting them back to sleep... Now for my comment... I just like what Alex said to Lin... Who is Lin by the way? Sorry ha, medyo naguluhan kasi ako sa scenario.

Isa pa, medyo hindi na ako natutuwa sa mga comedy scenes sa movie na ito. Unlike sa 1 and 2 ng The Mummy, I think sobrang OA na ng mga scenes nito. Adventure movie ito sa 1 and 2 turned fantasy to stupid vfx. I don't know, hindi ko lang talaga nagustuhan. Waaaah! Bitin kasi ako.

19 comments:

Our Tondo Medical Center Experience!

Matagal na rin akong hindi nakakahawak ulit ng PC para magpost dito sa beloved blog ko dahil talagang pamatay ang mga ginagawa ko ngayon. First, pinagkakaabalahan ko ngayon ang Thesis na talagang nagsimula sa "Personality Types and Intellectual Capacity and Efficiency of 3rd Year Irregular Nursing Students of Emilio Aguinaldo College" na title na after na magawa ang Chapters 1 to 3 ay saka naman nadisqualify kasi nga more on Psychology ang topic. Hayz! Ngayon naman ay "Factors Affecting the Anxiety of 3rd Year Irregular Nursing Students of Emilio Aguinaldo College on Operating Room" na nabago sa title na "Level of Anxiety of 3rd Year Irregular Nursing Students on Operating Room".

Four weeks dapat ang duty namin sa Tondo Medical Center kaso talagang ewan ko ba kung may malas talaga o talagang ayaw lang sa amin kaya hindi halos kami nakapagduty sa tondo Med. Every Wednesday night at 10:00pm to 6:00am ang duty namin for 3 days a week. Actually, dapat noong August 6, 2008 (Wednesday) at 10pm ang start namin ng duty sa Tondo Medical Center kaso hindi natuloy kasi hindi pa kami nakakapag-orientation dito. Noong August 7 naman ay hindi available ang CI namin kaya talagang wala na hanggang sa mag-8.

From August 14-16, 2008 naman ay Midterm examinations naman namin kaya wala talaga kaming duty. Last August 20, 2008 naman ay suspended ang class at duty kaya hindi kami nakapagduty. Kagabi lang kami nakapagduty at nalaman namin na 1st at last duty namin iyon sa Tondo Medical Center kasi talagang minalas kami. Kaasar talaga! Ang dami pa naman sana naming mga magagawa at matututunan kasi talagang hands-on lahat dito sa Tondo Med. May next week pa sana kami kaso ang C.I. namin ay hindi available dahil may seminar at sa Saturday naman ay may Skills Lab kami.

Well, para naman hindi nakakapanghinayang ang rotation namin dito sa Tondo Med ay sinulit namin ang gabi at wala talagang natulog. Buti naman at maraming pasyente at binuhos namin sa mga patient namin ang kagustuhan naming magstay sa Tondo.

TOdo ako sa charting ko at as much as possible ay talagang pinahahaba ko para masaya! Lahat na lang ng pwedeng sabihin ay sinabi na mapahaba lang. Well, para sa akin, isa ito sa best part ng nursing. Lalo na kapag may kasama kang ibang school sa shift kasi talagang mukhang may kumpetensya.

Nagfeeling RN na talaga para naman sulit talaga. Hehe! Tingin-tingin sa charts at saka konting kwentuhan at tawanan para naman malibang kasi talagang nakakaantok.

At before kami umalis.... Nag time-out sa Tondo kami. At least nagamit na namin ang DTR namin for the first time na hawak namin ito. Buong araw akong natulog kaya ngayon lang ako nakapa-update ng blog ko! Hehe!

Para naman sa mga nursing students, may blog po akong bago na ginawa, The Nursing Department (TMD). Hopefully ay may maitulong sa inyo!

17 comments:

Congratulations to the Top 10 Imerging Influential Blogs for 2008!

I am really hesitant to attend the August 11 Eyeball : Top 10 Imerging Influential Blogs for 2008 Winners and announcement at The Legend Villas at 6pm and get to know the new bloggers for the reason that I still have my class until 8pm. Hayz!
Hindi na lang ako umattend ng Asian Civilization class ko since katatapos lang ng exam. It's actually my 2nd time to attend this kind of eyeball for bloggers. Last year was the August 1 Blogger Eyeball : One of My Most Memorable Adventure! where I met some of my blogger friends now. Sad to say, hindi sila naka attend kaya ako lang ang nagpunta.

Good to say to nakasabay ko si Gwen pag-akyat to the 3rd floor kaya may nakasama ako hanggang sa table. Syempre, pinakilala niya ako kay Ma'am Joan at kay Ma'am Janet Toral.

Out of 10 na nainclude ko sa list ko ng Lionheart's Top 10 Emerging Influential Blogs of 2008 ay tatlo ang nakapasok: Bariles Republic, Music Picks and Mar Roxas for President in 2010 blog. Syempre ay masaya ako for them for I know na deserving sila manalo.

Here are the winners for the Top 10 Imerging Influential Blogs for 2008!

130 comments:

Sam Milby's Butt Exposure on Dyosa: Real or not Not Real?

Talagang mukhang pinaggastusan at pinag-isipan ng ABS-CBN ang Fantaseryeng Dyosa na mage-air na bukas ng gabi sa Primetime Bida. Marami nang reviews about sa Dyosa ang nabasa ko at talagang promising ang fantaseryeng ito ng ABS-CBN. Well, kapag nagustuhan ko ito sa pilot episode nito, talagang tututukan ko ito tulad ng Pinoy Dream Academy na talagang school na school ang dating.


This is the Trailer of Dyosa coutesy by : cutewulf69

Kani-kanina lang ay nagbrowse ako ng Youtube.com at nakita ko ang video na ito ni Sam Milby na hubo't hubad sa isang scene daw ito ng Dyosa. Well, mukhang daring din ito sa mga lalaking cast ng Dyosa at hindi lang pala si Anne Curtis na mukhang hubo't hubad sa mga scenes niya. No doubt naman na Anne Curtis is hot at talagang may K siya na tawaging Dyosa.


This is the contrversial video of Sam Milby on Dyosa (kung totoo man) courtesy by : thevideosource

Kung tama nga na part ang scene na ito ng Dyosa, baka naman ma X-rated ito ng MTRCB. Alam naman nating mahigpit sa mga ganito ang MTRCB. Pero ang masasabi ko lang, nice naman ang butt scene na ito pero hindi ko lang alam kung si Sam nga ang katawang ito. Hehe!

Hindi naman kagulat-gulat na for almost 2 days pa lang ng video sa Youtube.com ay pinagpipiyestahan na ito. Si Sam Milby pa ba naman ang gumawa nito?!

Pero marami ang nagsasabi na mukhang hindi ito para sa Dyosa at sa katawan pa lang ng nakahubo't hubad sa scene na ipinakitang ito sa Youtube.com, mukhang hindi nga si Sam ito. I don't know. For sure naman ay may sasagot ditong mas nakakaalam.
This is the controversial part here.... Is this real? Can Sam really show his butt on Philippine TV? I think not!

For now, Kayo na ang humusga kung ano man ang totoo. Pero kung talagang titingnan ninyo ang video, mahaba ang buhok ng nagpakita ng pwet at ang totally nude na lalaki samantalang 'yung scene na kita ang mukha ni Sam ay maigsi lamang ang buhok. Other points pa ay ang size ng binti ay hindi akma kay Sam.

I am not that fan of Sam Milby... maybe kay Anne Curtis pa! Well just see na lang kapag nagstart na ang Dyosa kung may scene ngang ganito.

5 comments:

I will Attend the August 11, 2008 Pinoy Bloggers Eyeball

Last year ay kasama ako sa August 1, 2007 Eyeball: Top 10 Emerging Influential Blogs 2007 Winners Announcement and here are the pics (August 1 Blogger Eyeball : One of My Most Memorable Adventure!) that are so memorable talaga kasi that's my first time makasama sa gathering ng mga bloggers.

I met there Cliff, Penny, AJ and some others. Sa kanila lang kasi ako nakapagtry magpapicture kasi late nga ako tapos medyo nahihiya pa ako sa crowd. Hehe!

Cliff of CliffintheCity.com

Penny of AlohaPenny.i.ph

AJ of BaklaAko.com



I will be attending the
August 11 Eyeball: Top 10 Emerging Influential Blogs 2008 Winners Announcement at 6 pm to 9 pm at The Legend Villas (The Legend Villas - #60 Pioneer St. corner Madison St. Mandaluyong City Venue for Top 10 Emerging Influential Blogs 2008 Writing Project Eyeball night on August 13 to 15.)

These are the programs for the said event:
The following have confirmed their attendance: (Syempre kasama ako)
  1. Bambi
  2. Joey
  3. Harrell
  4. Lionheart
  5. Sonn
  6. Arpee
  7. Patricio
  8. Cai
  9. Coy
  10. Manuel
  11. George
  12. Marcelle
  13. Jan Alvin
  14. Benj
  15. Shari
  16. Eugene
  17. Aethen
  18. Azrael
  19. Poyt
  20. Brian
  21. Joliber Mapiles
  22. Bloggista
  23. Prudence
  24. c5
  25. Ed
  26. Fitz
  27. Juned
  28. Jaydj
  29. Joan Pinon
  30. Regg
  31. Aileen Apolo
  32. Arbet
  33. Joan Pinon
  34. Fritz
  35. Gwen Nava
  36. Baklang AJ
  37. Jehzlau
  38. Micamyx
Well, sa mga pupunta, I hope to see you there!

I am hoping din na hindi na ako mahihiya ngayon para marami na ang picture picture with some other bloggers. It's my time na para naman para makakilala ng iba pang bloggers at hindi rin lang VR ang mga blogger friends ko! Hayz! Sana matuloy ako....

13 comments:

A Token from Singapore

A friend of mine, Jesse, went to Singapore and Indonesia last week for a vacation. Habang kami ay nag-aaral! Hayz! Hirap talaga maging poor......
Key chain from Singapore : for sure hindi ko ito gagamitin, pang display lang

Medyo nasurprise lang ako sa gift ni Jesse na ibinigay sa akin kanina although expected ko talaga kasi nagbilin ako before siya umalis. Hehe! He gave me a key chain na mamahalin daw from Singapore at syempre 2 Singaporean Dollar. Okey lang 'yun... It's the thought that counts naman 'di ba?
2 Singapore Dollar : Nice moey. I never thought na made of plastic siya.

Well, iba talaga kapag friendly ka! Kahit saan pa pumunta ang friend mo ay hindi ka niya makakalimutan. Hehe! Hanggang sa uulitin!

7 comments:

I am Single....

Hayz! Tag-ulan na naman. Ang lamig ng panahon. Syempre, kasama na dito ang urge na maghanap ng magpapainit sa iyo. Hehe! Nasa sistema ko na iyan. Kailangan lang talaga!
Just kidding! Ewan ko ba? After 3 months na single ako, nararamdaman ko na naman na kulang na ulit ako. I don't know... I just feel I am so lonely these days. Grrr! I texted nga my friend John to help me find my soulmate... Hehe! Parang desperado na naman ako.
Buti na lang at marami akong friends na super supportive sa akin especially sa paghahanap ko ng another love. Hayz! Alam kasi nila na iba pa rin kapag may inspiration ka na laging nasa tabi mo. I don't know pero malaki talaga ang naitutulong sa akin ng love especially sa pag-aaral ko. Lagi akong nasa mood at talagang kahit na anong problema ay positive minded ako.

Napakarami ko nang heartaches na dumaan sa buhay ko pero hindi pa rin ako sumusuko. Bata pa naman kasi ako. At ano pa ba naman ang 2? Kaya pa iyan! Ang mahalaga ay masaya ako at may mapasaya ako - ang true love ko. Haha!
"Will you help me find my true love?", I asked. A friend of mine texted me na huwag kong hanapin ang true love na iyan. Dadating na lang daw. Ganun? What if 'yung true love ko, ganun din ang isip na dadating na lang 'yun? Hehe! Ewan ko... May pagkasuplado rin kasi ako. Well, I am asking you now, will you?

17 comments: