You'll Gonna Love the Vampires of Twilight!


She's HUMAN. He's a VAMPIRE. Against all odds, they share a love so immortal that no one can keep them apart...

Characters

Jessica - Anna Kendrick
Rosalie Cullen - Nikki Reed
Jacob - Taylor Lautner
Emmett Cullen - Kellan Lutz
Jasper Cullen - Jackson Rathbone
Mike Newton - Michael Welch
Billy Black - Gil Birmingham
Eric - Justin Chon
Angela - Christian Serratos
Mr. Molina - Jose Zuniga
Victoria/Nomad Vampire - Rachelle Lefevre
Laurent/Nomad Vampire - Edi Gathegi
Rene - Sarah Clarke
Gregory Tyree Boyce - Tyler
Ned Bellamy - Waylan Forge
Matt Bushnell - Phil

Napanood ko ang Twilight with a friend last Sunday with a friend at Robinsons Galleria. Actually, sa Tuesday ko pa supposed to be papanoorin ang Twilight pero since hindi ko type ang mga showijng na movies sa open noong araw na iyon at Roinsons Galleria ay napapayag na rin akong manood ng Twilight. Meaning, 2 times ko itong papanoorin kasi may naka schedule ako bukas na date at papanoorin namin itong Twilight.

Well, natuwa ako kasi maraming nakapila at talaga namang may mga reserved seats na at Cinema 1 ng Robinsons Galleria meaning talagang maganda ito. When we entered the Cinema, may mga nakatayo (kahit na may reserved seats sila for sure kasi naghahanap ng makakatabi...) at umupo na kami sa O21 at O22. Tamang-tama lang ang dating namin kasi katatapos lang.

Wala talaga akong idea sa Twilight, ang alam ko lang talaga ay story ito ng vampire na nainlove sa isang human. 'Yun lang talaga kaya excited ako sa panonood. Kapag kasi kwentong vampire at mga horror films ay mahilig ako.
Nasurpried talaga ako sa attack ng film. Marami rin kasing mag nakakatawang scenes 'dun at natuwa ako sa courage ni Bella kahit na nalaman niya na vampire si Edward. Well, talaga namang sulit na ulitin ito ulit bukas with my date... syempre ang love ko.
Sobrang natuwa ako sa Cullen Family kaya bibigyan ko sila ng one by one review:

Carlisle – they need to fix his make-up. It made him seem unattractive. I liked the acting though. Very convincing naman kahit papaano.

Esme –Was a little short, a little overweight, pero cute naman. Wala lang... Natuwa lang ako.

Alice - They nailed the look, but her voice was a bit strange. Parang hindi lang akama sa kanya.

Jasper - Hands down, Jasper had the closest body to what the book describes. I’m unsure why they felt the need to give him ugly hair. He was fine as an actor, but I certainly didn’t want him to speak more than he did.

Emmett - PBagay na bagay sa kanya. Hintayin ko na lang siya sa second installation ng movie.

Rosalie - Medyo awkward ang tingin ko sa kanya... Parang pakawala siya sa pamilya nila... Like a bitch? Sorry for the term.

share ko lang from a text; lines from the movie Twilight:

Few reasons why a lot of girls love Edward Anthony Masen Cullen...
A normal guy would say, "I love you Baby!"
Edward would say, "You are my life now".
As you leave the house...
A normal guy would say, "Bye, see yah!"
Edward would say, "Hurry back to me".
While you've gone far away,
A normal guy would say, "I miss you!"
Edward would say, "It's like you've taken half myself with you".
If you die, a normal guy would find another....
Edward would kill himself cause "life without you isn't worth living".

I am looking forward sa second installation ng movie na ito: New Moon sa mas magandang mga characters at mga kaabang-abang na mga characters.

I left completely surprised, in a good way. This movie went well beyond my expectations, and, shockingly enough, my friend also enjoyed the movie. This movie actually made us like the series more. It satisfied my urge to see these characters come to life. Sure, it was cheesy and awkward in some parts, but teen romance is cheesy and awkward. I think we can all agree with that. All I can say is "You'll Gonna Love the Vampires of Twilight!" Thats it!

17 comments:

My New Pet

Kahapon after class ay nagpasama ako kay Jen at kay Jesse sa Cartimar kasi balak ko na bumili ng love birds para may mapaglibangan naman ako sa bahay. Hehe! Nakakatuwa kasi kahit papaano na mag-isa ka mna may mapaglilibangan kahit papaano. Naisip ko na bumili na ng love birs dahil may aalis din na door to door na van to Mindoro (sa amin) at ipadadala ko ito pa doon paramihin. Actually, may 2 pairs na ako na love birds sa Mindoro. Pandagdag lamang ang mga bibilhin ko...

Hindi ko akalain na ang daming mga pwedeng alagaan ang mga ipinagbibili sa Cartimar. Sobrang natuwa lang talaga ako sa mga aso at lalong lalo na sa mga aquariums lalo na 'yung salt water aquariums na ang daming sea anemone.

Palakihan talaga ng mga aquariums dun at pababaan ng presyo kaya naman talagang nakakahumaling pati na rin mga halaman lalo na 'yung may malalaking rose.
And there it goes.... Bumili ako ng 1 pair ng African Lovebirds (tropical) at 'yung usual na lovebirds lang plus 'yung kulungan ay P1,800 lahat. Hayz!
Masyadong nahihilig na ako sa lovebirds ngayon. Iba kasi ang aura kapag may naririnig kang huni ng ibon sa bahay. Parang nasa probinsya pa rin. Kahit papaano, narerelax ako kapag nakikita ko sila. Hayz!

Kagabi ay dumaan na 'yung door to door sa bahay. Goodbye lovebirds! Pinadala ko na sila sa probinsya para naman matuwa ang Daddy ko. At least may bago na namang aalagaan ang Daddy ko at mapaglilibangan.

5 comments:

Dampa! Dampa!

Last week ay nagkayayaan kami sa Dampa sa Macapagal Boulevard, Pasay City near SM Mall of Asia. Since wala kasi ang Professor namin sa Community Development kasi nasa Tawi-tawi pa raw kaya naman pwede kami magala kung saan-saan.

Sakay kami ng sasakyan ni Kuya Noel (classmate namin) ay pumunta kami sa Dampa... Seaside at marami dung seafood restaurants. Actually, hindi namna talaga ako kumakain ng seafood kasi nag-iinarte ako pero dahil sa kanila, it's my 4th time na pumunta sa Seaside. Hehe!

Syempre, namili muna kami ng mgagusto naming kainin. Sila na namili dahil for sure, ang pipiliin ko ay pork. Hehe! Tahong, hipon, king crab at saka pork.... para gawing grilled pork. Hindi kasi pwedeng mawala, kasi magwawala ako. Hehe!

Ang aming president at treasurer... Hehe!

Ang mga mahal na isda... Well, talagang mahal sila rito kasi madalas may kaya lang ang pupupunta dito. Kami naman ay climber... Wakoko!

Hipon! Hipon!


Pumunta na kami ng Igmaan Restaurant (Igmaan.com) para naman magpaluto. Marami kasi ang nagsasabi na masarap magluto ang Igmaan kaya naman tinry namin. Medyo natagalan kami sa paghihintay and we're hoping naman na worth keeping 'yung kakainin namin.
Sige, order na ang matapang!

Hayz! Ako po ito... 'Yan ang mukha ko kapag gutom na. Ngingiti ngiti pero deep inside, kumakalam na ang tiyan.

Kwentuhan muna at asaran habang naghihintay ng luto. Hayz!
JARAAAN! Heto na ang mga lutong food! Wow! Sa tingin pa lang masarap na! For sure kahit nag-iinarte ako sa seafoods ay kakain ako. Hehe! Naniniwala na talaga ako na malaki ang inaambag ng mga mata natin sa apetite natin sa pagkain. Wakoko!

Ang sarap naman.... Ito ang naging favorite ko!

Medyo-medyo lang dito... Baka kasi mangati ako.

At ito? Sorry hindi ko tinikman. Baka kasi mahigh blood pa ako. Hehe!

Sarap talagang kumain sa mga ganitong handaan lalo na't kasama mo ang mga close friends mo. Wala kasing dead air at lalo mo pang maeenjoy ang mga food na ito kapag kasama mo ang mga taong mahal mo. Love it!

15 comments:

Abot-abot na kamalasan!

"Bakit kaya ganun? Kung kailan ka nag-iipon ay saka naman hindi ka nakakaipin at kung kelan ka naman may pinaglalaanan ay lalo ka namang nawawalan..."

Hanggang ngayon kasi ay hindi pa ako nakakarecover sa pagkawala ng P2,000 ko last Friday which is kahuli-hulihan kong pera.

Nagduty ako ng OsMun (Ospital ng Muntinlupa) from 6am to 2pm. Mga 10am nung nasa OsMun kami huling nakita ko ang P2,000 ko sa bulsa ng bag ko at iniwan ko ito sa lagayan ng mga bag. Break kasi namin ang 10am at tamang kailangan na naming kumain 'yun kasi talagang nakakapagod ang duty namin dito. Bumalik kami ng duty namin sa E.R. after naming kumain para bumalik sa mga assignments namin.

After ng duty namin ay dumerecho kami sa bahay ng friend namin at nanuod ng isang horror film ang buong group namin. Kumain kami dun ng kanilang mga handa ay nag-enjoy naman sa panunuod ng movie. Before kami umalis ng bahay ng kagroupmate naming iyon ay nasira 'yung white shoes ko so hindi na ako sumabay sa mga kaklase ko at dumerecho ako ng Megamall to buy new shite shoes kasi worth P175 lang naman 'yun.

Nakabili naman ako sa Megamall ng white shoes na planet kasi mura lang. Pagdating ko ng bahay ay nagpahinga muna ako for 10 minutes tapos chineck ko ang gamit ko kasi balak ko nang bumili ng pagkain.

Talagang nagulat ako nung hindi ko makita 'yung P2,000 ko sa bag ko. Napaiyak na lang ako sa kaba at asar sa pagkawala n'un. Tinawagan ko ang Mommy ko at inexpect ko na magagalit talaga siya. Wala naman akong magagawa kasi mahirap naman talaga ang buhay ngayon.

Nangutang muna ako ng P200 sa pinsan kong kasama sa bahay ng pera kasi wala talaga ako ni piso sa bulsa. Grabe as in Grabe ang kamalasang ito. 'Yung P200 na 'yun ang binaon ko para sa Saturday duty ko. Tahimik ako at parang nakalutang ang utak habang kumikorot ang pakiramdam ko kahapon sa duty ko.

Talagang nakakaasar lang kasi 'yun na rin ang naipon ko for my birthday. Hindi ko malaman ngayon kung ano na ako sa birthday ko. Last year kasi ay napakahirap ng kalooban ko for what happened to me last year tapos ngayon...

I am hoping na maging maganda naman ang birthday ko. Kaya nga ako nag-ipon e! Kaya nga ako nagpakabait para maganda ang birthday ko. Tapos ngayon, ganito na naman ang mga nagiging signs. 'Wag naman sana.

3 comments:

My Baler Adventure!

I was invited by my friend Alfred, an architect sa Cabanatuan na samahan siya sa pagdalaw niya sa lola niya sa Aurora Baler. Syempre, adventure na naman ito na tamang-tama kasi wala akong pasok. So we went to Cabanatuan first noong October 24, 2008 (Friday) at doon na muna matulog. Ang layo pala ng viaje. October 25, 2008 ng umaga at 8:00am ay sumakay na kami ng bus to Baler. Kung 'yung Manila to Cabanatuan ay 3 hours, 5 hours ang viaje to Baler, Quezon. Hayz!

Buti na lang at may mga stop overs. Nakakakain pa naman ako kahit papaano. Lagi na lang akong nagugutom sa viaje kasi. Very demanding kasi ang bituka ko.

Pagdating namin ng Baler ay hindi na kami nagpatumpik-tumpik pa. Syempre, we went to Kaunayan Falls agad para magswimming after namin na makapagpahinga at makakain. Akalain mo 'yun? Wala talaga akong kapaguran kapag adventure ang pinag-uusapan.


Cunayan or Kaunayan Falls

The falls located in San Luis flows into a crystal clear stream tinged only by the blue reflection of the sky. Its mild temperature makes it ideal for baths. It is one of the more accessible falls in Aurora, and passable to most vehicles.



Sa sobrang laming ng tubig ng Kaunayan Falls, hindi halos ako nakaligo. 'Yung mga kasama ko, syempre ay nakaligo. Pero sa pagkakaalam ng lahat, ito ang kauna-unahang falls na nakita ko. Hehe :) Nakakatuwa ba?

Next naming pinuntahan ay ang Sabang Bay pero syempre nung kinabukasan na 'yun. Maghapon kasi kami sa Kaunayan Falls na talagang nakamangha sa akin ng todo.


Sabang Bay

Situated in the eastern part of Baler town, the place is ideal for surfing and considered as one of the country's best site for surfing competitions. Accommodation and resorts as well as other amenities for nightlife are available.



Buong pamilya ni Alfred ang kasama ko rito with Lola. Talagang picnic ito ng family with me. Nakakatuwang makita 'yung mga taong nagsasurfing. Sad to say ay hindi ako marunong magsurfing. Maybe 'yung marunong, turuan ninyo ako please....

Magandang tingnan ang beach lalo na 'yung mga alon. Naaalala ko 'yung sarili ko kasi sa mga surfers na kahit ang lalaki ng alon, lumalaban pa rin at ginagamit pa ang mga alon para sila lumutang. Well, senti na naman ako.

After ng beach ay nagpahatid kami sa Tito ni Alfred sa famous Balete Tree ng Baler. Naamaze ako sa taas ng tree lalo na 'yung parang cave sa loob. Hanggang picture lang ako kasi takot ako na pumasok sa loob. Ibang adventure na 'yun!


Balete Park

Located in Brgy. Quirino, about 3.5 km. from the town proper of Maria Aurora, the park features the huge Banyan Tree believed to have existed 3 to 4 hundred years ago. This flora specie could mesmerize visitors for its bulky trunks and gigantic canopy. It has a height of approximately 60 meters, the space occupied by its roots is between 10 to 15 meters in diameter, and its canopy measures almost 60 meters. Within the vicinity are a skating alley/ring, view decks, rest house, guesthouse, and conference hall.




Ang Baler Adventure ko ang isa sa mga hindi ko malilimutang adventure ko sa buhay. Since hindi naman talaga ito pinlano kasi biglaan lamang, walang expectation pero talagang spectacular ang naging dating sa akin ng place. Thanks to Alfred and his Family lalo na 'yung Lola niya for the warm welcome!

Well, I am hoping na makabalik ulit sa Baler kasi sabi ni Alfred na magandang magbakasyon sa Baler kapag Summer talaga. Well, sana nga makabalik ulit ako.

8 comments:

My Rizal Adventure!

Before ang bakasyon ay nakapag-adventure na ako sa isang very private resort sa Rizal (hindi raw pwedeng ipagsabi kung saan) with my very close friends and classmates syempre courtesy by our very lovable friend, who has been very good to us.

October 11, 2008 after ng duty namin sa Santos General Hospital at Malolos, Bulacan, ay nagpunta na kami ng Rizal with my friends. Hehe! Malayo rin sa Manila ang pinuntahan namin for about 2 to 3 hours na bago kami nakarating 'dun. Marami kaming nadaanang mga private resort 'dun nga mga kilalang tao at talaga namang napakagaganda.

Supposed to be ay ineexpect nung may-ari ng resort na aabutin kami ng 20 na katao na dadating pero nasa 6 lang kami na pumunta. 'Yung iba kasi ay may duty pa nung Saturday na umalis kami at 'yung iba naman ay wala meron nang pupuntahan. Sayang kasi kokonti kami pero okey lang, sayang din naman 'yung place. Dapat ay mag-enjoy kami!

Napakaganda nung place at ang kabuuan talaga ay mukhang mamahalin. Nalaman namin from our friend na ang rent sa resort na iyon pero day ay Php 800,000 pero libre pagdating sa amin. Akalain mo 'yun? Swerte naman....

Well, isa pa sa nakakatuwa, dito pala nag shoot ng teleserye na Kahit Isang Saglit sina Jericho Rosales at Carmen Soo. Ang ibang mga shots na kuha namin ang magpapakita sa mga location na ipinakikita sa Kahit Isang Saglit na teleserye ng ABS-CBN.


Me and Carmela...

Me and Mitch at the bridge... Dito ang scene nina Jericho at Carmen Soo

Night swimming po...


Hindi pinakita ang part na ito sa teleseye na Kahit Isang Saglit pero maganda naman...

Yes, kami pa rin ni Carmela. Dito 'yung scene na magkausap si Carmen Soo at Jericho Rosales, lamesa ito ha?

Videoke time! Syempre... Inilabas ko ang pinakatatago kong talent.

Sa entrance naman kami... Ito ang bahay ni Albert Martinez sa Pilipinas sa teleserye. Hehe!

Ang saya-saya namin sa lugar na ito pati ang swimming namin kahit na nagkaroon ng aberya. Hehe! Hopefully next time kung babalik kami dito ay kumpleto na kami. Ang ganda ganda kasi talaga ng lugar at mukhang mamahalin.

8 comments: