Kakaibang Trip sa Pasko!


Paluan Panuluyan 2008

Pagkatapos ng Panuluyan ng December 24, 2008 ng 9:00pm at mass ng 10:00pm to 11:00pm ay nagala na kami sa buong bayan ng mga batchmates ko. Syempre, gala to the max talaga kami kahit walang sasakyan since probinsya naman ito ay pwedeng pwede. Nag-ikot muna kami sa buong bayan para humago sa mga bahay-bahay ng mga kakilala namin tapos naglakad kami papuntang Brgy. Marikit (mga 4 na kilometro) para pumunta sa bahay nina Arianne. Syempre nakakapagod maglakad pero kapag pala may kasamang katuwaan at kwentuhan at lokohan ay hindi naman ganoon kapagod.

Nakarating kami kina Arianne ng halos mag-aalas dose na kaya kumain na kami at ininom namin ang handa nilang vodka sa amin. Wala sana akong balak uminom kaso syempre, dahil sa yayaan ay uminom na rin. Hayz! 2:00am na kami natapos at saka nagyayaang bumalik ng bayan. Naglakad na naman kami papuntang bayan. Dahil sa madilim ang paligid at puro puno ang nakikita namin sa paligid ay kakaibang takutan ang nangyari. Syempre ang mga kasama naming babae ay sobrang natakot at halos kapit tuko sa aming mga lalaki.

Pagdating naman namin sa bayan ay maghahanap kami ng matutulugan at nagpunta kami kina Ama (tatay ng isa naming kaibigan) at doon ay nakitulog. Hindi naman kami halos nakatulog dahil puno ng katatakutan ang aming kwentuhan hanggang sa mag-umaga na. Umuwi muna ako sa bahay namin para tumulong sa mga parents ko doon sa paghahanda sa mga bisita.

Kaugalian kasi dito sa Paluan na talagang hahago ka at magmamano sa mga ninong at ninang tuwing araw ng Pasko.

'Yan po ang laman ng aming hapag kainan sa Pasko. May nilagang baka, roasted chicken, piritong manok at baboy at ang hindi mawawala sa mesang Paluenio na uok.
Ito po ang uok (picture sa taas) na paboritong pagkain ng mga taga-Paluan. Panahon kasi ng uok tuwing Disyembre at January. Ipinapalit namin ang uok sa mga mangyans ng mga lumang damit at parang papasko na namin ito sa kanila.

Pagkatapos kong kumain ng tanghalian at magpaPasko sa aing mga inaanak ay nagkayayaan na naman ang aming batch na mag-Calawagan para magswimming at magkulitan na naman.
As usual, may inuman na naman. Sira na naman ang diet ko nito pero wala naman akong magagawa kasi minsan nga lang ito.



Masayanaman ang trip naming ito. Since ang karamihan sa mga kabatchmate ko rito sa Paluan ay nagtatrabaho na at 'yung iba ay studyante pa rin na tulad ko, talagang minsanan na lamang kami magkita-kita. Kaya naman mga kakaibang trip ang ginagawa namin para talagang memorable ang mga pagkikita namin.

14 comments:

Merry Christmas! Ho! Ho! Ho!

Bago ako umuwi ng Mindoro kagabi ay nilibot ko muna ang mga display sa Mandaluyong Circle. Since wala na muna ang taunang Policarpio St. Display every year ay naging maganda naman ang alternative ng officials ng Mandaluyong. Naging maganda at kaaya-aya ang Munisipyo at talaga namang andaming tao sa gabi!

May Quantum games!

Para sa kaalaman ng lahat, sumakay po ako diyan... Nagfifeeling bata po!

Pati PNP, ang ganda ng ayos...

Ang giant Christmas Tree ng Mandaluyong!

Ang munisipyo... Talagang ala Policarpio na rin!


Well, nag-enjoy naman ako sa paglilibot sa Mandaluyong Circle at pagkatapos noon ay nag-impake na para umalis papuntang Mindoro. Wala akong napamili ngayon kasi wala akong pera. How poor ako ngayon. One thing lang... Senti pa rin ang Christmas ko!

Sa lahat ng mga kaibigan ko, kakilala, sa mga taong nainiwala sa akin, at sa inyong lahat, Merry Christmas! Ho! Ho! Ho!

Andito na ako sa Mindoro at dito ako nagsspend ngayon ng Christmas vacation ko. Every year naman ay dito ay nagsstay kapag Christmas. Wala lang... Masarap lang talagang magcelebrate ng Christmas kung saan maaalala mo lahat ng mga nangyari sa iyo mula pagkabata. Ang sarap kasing magreminisce. Emo na ulit ako!

15 comments:

Busy Days! Ang Toxic talaga!

From Ospital ng Muntinlupa (OsMun) sa may Alabang na kalapit ng Asian Hospital na duty ko ay 4 weeks naman kami sa Metro Lemery Medical Center (MLMC) sa Lemery, Batanggas. Bale December 4, 2008 kami nagstart at ang last day namin ay sa January 10, 2009 every Thursdays to Saturdays ang duty namin diyan at 2:00pm to 10:00pm.

Sa may Taal kami tumutuloy dito na malapit lang sa hospital. Actually, wala akong problema sa bahay at sa C.I., talagang toxic lamang. Ang sakit lagi ng ulo ko sa dami ng requirements pati na rin ang pressure kasi O.R. ito at kailangan mabilis ang kilos.

Noong December 7, after ng duty sa Batanggas ay sa Mandaluyong house lang ako. Senti sa araw ng birthday ko na nagbabasa ng mga text messages of greetings pati na rin sa friendster. Dalawa lang tao ang nagbigay sa akin ng gift for my birthday, si Nadz iyon at ang Kuya ko. Syempre masaya ako na kahit papaano ay may nagregalo sa akin.

But as usual, senti pa rin ako. After kong magsimba noong birthday ko ay nagkulong ako sa kwarto ko at hindi ko pinapansin ang mga sinasabi sa akin ng mga kasamahan ko sa bahay na magpakain daw ako kasi birthday ko. Wala rin kasi akong pera at hindi ako sanay.

Almost every year naman kasi na nagsesenti ako tuwing birthday ko. Hindi ko alam! Nakasanayan ko na rin kasi. Buti nga ngayon kasi may regalo na kesa naman last year na wala nang gift, wala pa akong pera. Kung hindi ako nagsulat ng mga kung ano-ano sa notebooks ko, nilaro-laro ko ang ibon ko na alaga sa kwarto ko.

Hayz! Buhay nga naman. Bakit ganito kaboring kapag birthday ko.
Natapos na ang birthday ko na walang na feel na espesyal (as usual every year iyan). Pero still, kailangan mag move on kasi naman andami pang assignments at requirements na gagawin!

Nagapply ako sa Magdalo writer last month and now, thank God at Magdalo na rin ako! Sana naman ay magtagal ako kasi mukhang marami talagang gibagawa ang isang Magdalo writer.
Well, magpapasko na naman. As usual, sento mode na naman ako since single ako at talagang walang balak humanap ng problema. Hehe! Buti na lang at may project akong kakaiba sa bahay namin sa Mindoro na gagawa ako ng malaking hawla ng ibon para sa mga birds ko.

This week will be our last week this year sa Metro Lemery Medical Center at next year na ang last week namin. Hopefully ay maging maayos ang duty naman namin dun.

Emo mode or senti mode, still ako pa rin ito. Most of the times loner sa mga panahong ito. Magulo ang utak pero comedian in the making pa rin. Maybe ganito lang talaga utak ng isang toxicated na tao but I'm sure, hindi withdrawal syndrome ito na lagi nilang ijinojoke sa akin. Haha!

10 comments: