Toxic and Busy Days....

Medyo natagalan bago ako nakapagpost ulit sa beloved blog kong ito. Since last Semester na nakasama ako ng mga classmates ko ay ako na ang naging leader nila at hindi na napalitan. Kahit papaano naman ay alam ko sa sarili ko na responsible naman ako at hanggat maaari ay gumagawa ng kusa for my groupmates. Marami rin akong kalokohan at tantrums hanggang ngayon na for sure naman ay nasasakyan ng mga groupmates ko.

Actually, ilang araw na akong hindi nakakatulog since nag Midterm Exams kami last week dahil sa mga requirements namin sa Metro Lemery Medical Center duty namin. Tapos na kaming magpresent ng Case Presentation na kahit marami ang butas at kamalasan ay napresent pa rin namin hanggang sa huli. Worst thing lang sa re-editing ng Case Study namin ay wala akong mahugot sa mga classmates ko kasi may mga sari-sariling lakad sila.

Medyo nakakaasar pero ganun talaga. Wala rin naman akong aasahan kapag pinaubaya ko sa kanila ang editing. For sure ay ieedit ko pa rin ang gawa nila. Hindi naman ako sa mayabang pero ganun talaga.

Tingnan na lang ninyo ang ginawa kong presentation, medyo kulang-kulang pa iyan kasi hindi ko talaga natapos:


Isa pa sa problema ko ang commitments ko sa beloved school peper namin na The Magdalo. Para po sa kaalaman ng lahat ako ay writer po noon. Sad to say, english ang mga sulat ko doon at napaka-formal unlike dito sa blog ko. Marami pa akong hindi naiipasa na beat assignments especially sa News at Sports. Mahirap kasi talagang maging versatile writer! Hehe!

Tapos na kami sa Metro Lemery Medical Center at ngayon naman ay sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Alabang naman ang duty namin. As usual ay ako ang leader at isa na naman itong katoxikan. Hayz! Animal bites at mga infectious disease naman ang maeencounter namin dito. Hopefully ay makilala ko ang blogger na andito (raw) na for sure ay magiging reason para magbago ako...
Medyo maluwag na ulit ang schedule ko kaya mamimeet ko na 'yung mga supposed to be nagawa ko na before pa. Hayz!

Nagpalit na nga pala ako ng lay-out para naman maiba. I hope maganda ang kinalabasan. Hehe!

This is the NEW

This is the OLD Lay-out

See my other pictures : Metro Lemery Medical Center

post signature

14 comments:

Ang Lamig! Bow!


Ang lamig ng panahon ngayon. Isa sa mga problema ko ngayon ay ang paggising at ang pagligo kasi ang lamig-lamig talaga sa umaga. This year talaga ay madalas na akong nalelate sa classes ko. Buti na lang at ganun ang problema ng lahat pati na ang Professor namin na nalelate din.

MAy 3 akong jacket na matagal ng nakatago sa tupian ko ng damit at ginagamit ko lang kapag nagpupunta ng Baguio or sa duty ko na panggabi o 'di kaya'y uuwi ako ng probinsya. Nagyon ay nagagamit ko na at araw-araw ako ay nakajacket na!

Napanood ko kagabi ang TV Patrol World at talagang nagulat ako sa mga figures na ipinakita na temperature ngayon ng buong Pilipinas.

Manila pegged at 18 degrees

Laguna/Cavite pegged at 17 degrees

Tagaytay at 9 degrees

Baguio at 7 degrees

Benguet/Sagada/Mountain province at 3 degrees

Source: TV Patrol, January 15, 2009

Grabe talaga ang panahon ngayon. Ang dami talagang nagbabago. Hayz! Possible na nga kayang umulan ng snow?

19 comments:

Butas na Butas!

Last Monday with my friends Ryan and Junjay, punta kami ng UP Diliman sa may Adarna Theatre para manuod ng Indoe Film na Butas. 7:30pm ang nakalagay na time for the movie pero dumating kami ng exatong 7:30pm dahil alam naming Filipino Time especially Indie Film ito. For sure talaga ay hindi masusunod ang tamang oras. Hindi nga kami nagkamali dahil matagal pa kaming naghintay bago nagsidatingan ang mga artistang kasama sa movie na ito (VIP).

Nagsidatingan nga sila tapos nagdisplay-display muna kasi may camera ng ABS-CBN. Interview muna syempre sa reporter tapos nagsipasukan na. Mahaba rin naman ang pila kaya napuno ang buong Adarna Theatre. Para naman sa mga nakatayo kahit may mga konting upuan pa, alam na ninyo kung bakit. Hehe!


About the Movie

Ang story ay about kay Virgo (Marco Morales) at Maya (Gwen Garci) na magkalaguyo na kahit may mga asawa na sila. Si Jake (Allen Dizon) naman ang asawa ni Maya na nakasaksi ng lahat ng pagtataksil ng kaniyang asawang si Maya. Medyo may pagka-Three Rats na play ang story niya ni Wilfrido Ma. Guerrero pero may twist ito kasi kahit masasabi nating planned 'yung attempt na pagpatay ni Jake sa kalaguyo ng asawa niyang si Maya, may pinakita pang isang version ng story at hindi lang 'yun.

Sad to say nga lang kasi lumabas na ako after nung binaril ni Maya si Virgo sa kanyang bayag kung saan narinig ko na marami ang nagpalakpakan. Haha! Natawa na lang ako...

Hindi ko na kasi nagustuhan 'yung other side ng crime story na iyon kasi sumakit ang ulo ko sa video na 'yun! For sure naman maraming makakarelate sa akin na andun sa theatre na iyon lalo na't hindi ako sanay manood ng movie na magagalawa like 'yung Blair Witch movies.


Isa sa mga scenes na nagpakita ng kanilang private parts (Click the picture to enlarge) Nilagyan ko ng black 'yung part na iyon kasi PG 13 ang blog ko. Hehe!


Hayz! Marami naman ang natuwa at nakangiti na nakita kong lumalabas ng theatre. Pinagtiyagaan nila 'yung mga scenes kahit na talagang masakit sa mata. Masyado kasi talagang magalaw 'yung camera kaya ganun.

Maraming butas ang story ng movie na ito same with the cameraman na ang sakit talaga ng mata ko pero very convincing naman sa mga pag-arte ng cast nito kahit na mukhang pilit si Gwen. Well, sa dalawang lalaking lead stars ng movie na ito na si Allen Dizon at kay Marco Morales (na mukhang hindi masyadong kilala ng direktor), two thumbs up! Sana marami pang sumunod!

I don't know kung maipapalabas ito sa mga sinehan pero kung maipapalabas man ito, for sure na edited na. Hehe! Swerte na lang pala ng napunta sa UP. Hehe!

See more pics of here

12 comments:

Night of Wilderness 2009


Isang gabi... Nagkayayaan kami ng mga barkada ko na magala-gala. Since kasi sa Batanggas kami ay malamig na nga ay wala pa talagang magawa.

Napagkaisahan namin na pumunta kami sa isang Videoke bar para magpalipas ng oras at magkainuman kahit papaano. Medyo malayo-layo sa dorm namin doon ang pinagdalhan sa amin ng tricycle driver. Sa likod daw ng may palengke roon at pagdating namin doon ay hindi namin nagustuhan ang place kasi madumi na nga, kitang kita naman namin na puro tambay lang talaga ang mga nandoon.

Tinanong namin ang driver ng tricycle kung saan may mas magandang venue na pwede kaming uminom para magpainit na rin. Ang lamig kaya sa Batanggas...

Dinala kami ng driver sa mas malayo pa doon sa may highway na raw 'yun sa may Petals Disco Bar. Name pa lang, for sure mapapasayaw kami. Kaya naman excited mga kasama ko.

Napalunok ako pagpasok ko ng bar kasi talagang may nagsasayaw sa taas. Club pala 'yun! Napasigaw kami sa pagkaexcite! Syempre, hindi naman ako magpapahalatang first time ko 'dun. Syempre behave na muna ako....

Mga 12:oomidnight na nang nagsimula nang mag-init ang mga katawan namin sa mga next na nangyari. "Haysus ku po Ginoo maryanong garapon! Ganito pala rito!?", 'yan na lang ang nasabi ko sa mga nakita ko that time.

Marami na akong napanood na ganito sa movie at pati sa youtube pero iba pa rin pala talaga ang live. Huh!? Nagyayaan kami ng mga kasama ko na lumabas after ng kakaibang mga palabas na nasaksihan namin... At least next time ready na ako...

See the pics here : Lemery Batanggas : Petals Disco Bar

14 comments:

Year 2009 : New Year. New Life. New Me. New People. New Inspirations. New Adventures!


NEW YEAR!

2009 na! New Year, life, me (dapat lang), syempre bago rin ang mga taong makikita at bago ring mga adventures! Nag Christmas at New Year ako sa Mindoro with my family at sobrang saya ko kasi I am with them. Ako ang nagtalop at naghanda ng buko for buko salad at nag-ayos ng mesa namin for the New Year. Nagpaputok rin ako kasi pampatanggal ng malas kaya nga kahit aso namin sa si Spot ay hindi nakalabas sa takot.

NEW LIFE!

Before magstart ang New Year countdown ay medyo nagsenti muna ako at nagsulat ng mga bagay na gusto ko nang iwan sa 2008. Hindi naging maganda sa akin ang Year 2008 kaya inabot ako ng 2 hours sa pagsusulat at pag-iisip kung anu-ano ang mga iyon. After noon ay sumimba na muna ako sa bayan with my friends dala-dala 'yung letter ko. Pagbalik ko ng bahay ay sinindihan ko 'yun at nagpray na hopefully, anumang katangahan at pagkakamali na nagawa ko for the past years ay hindi na maulit at pagkatapos noon ay nagpaputok na ako.

NEW ME!

Nagstart na rin akong mag-gym pagbalik ko sa Manila. Nahiya na rin kasi ako sa bansag nila sa aking "taba". With a friend, sa 3rd floor kami ng Guadalupe Mall sa Exsodos kami naggygym. Hopefully ay masunod ko ang aking schedule kahit every Wednesday lang.


Sa school naman, magiging quiet na ako. Less talks, less mistakes ika nga. As a leader, hindi na ako tatamad-tamad at as a writer ng Magdalo (school paper namin), mas lalo ko pang sisipagan at magpapasa ako on time.

NEW PEOPLE!

Kamimeet ko lang po kay AJ a.k.a. Arabian Josh at Robinsons Sta. Lucia. Well at least ang bwena mano kong nameet na blogger today ay isang very friendly na tao. I learned a lot from him and nakarelate naman ako with his stories and his life abroad.

AJ a.k.a. Arabian Josh

AJ with Me at Tokyo-Tokyo (ako lang ang kumain kasi busog pa siya)

Wala akong masasabi kay AJ. Nakakarelate akong masyado sa ugali niya kasi bubbly rin siya pero mas bubbly pa rin ako. Inspite of his busy schedules ay naisingit niya ako sa schedule niya.

Actually, hindi ako masyadong nakakadalaw sa blog niya at kung dumadalaw naman ako, say Hi and Hello lang at konting comments. 'Yun lang kasi hindi ako ganun ka "deep". Yet I am so happy that I met this person for the reason that he left me with so much inspirations. This is the reason why I want to meet so many bloggers kasi sa kanila talaga ako natututo with their thoughts and advice. "Five hours lang tayong nagkausap yet worth keeping naman", 'yan ang text ko sa kanya.

NEW INSPIRATIONS!

Inspired na inspired ako for the the people na dumadating sa buhay ko pati na rin ang mga bagay na natanggap ko this New Year. Meron na ang family namin na bangkang motor at nagawan ko na rin ng malaking kulungan ang lovebirds ko. Though hindi ko man natapos, may tatapos naman sa amin na panday talaga. Sa bangkang de motor naman, sa lahat ng mga magiging bisita namin this coming vacation, for sure may magagamit na at hindi na manghihiram pa.

mas malaking kulungan ng lovebirds ko

ang aming bagong bangkang de motor

NEW ADVENTURES!

Syempre new adventures na naman. I am now a writer ng school paper namin (sa wakas ay nag-apply na rin ako at natanggap naman) kaya ang dami kong ginagawa.

Marami akong nakaline-up na pupuntahan lalo na this vacation na dadating. May blogger na rin akong susunod na imimeet pero mukhang matatagalan kasi sa schedule naming dalawa. Palawan, Surigao at Sagada ang nakaline-up na mga pupuntahan ko. Sayang nga lang kasi may pasok ako nung nagpunta mga barkada ko sa Sagada.

Sa mga taong gustong makipag-adventure sa akin, I am open to everyone! Mabait at friendly raw ako. Sabi nila 'yun. Hehe!

LETS ADVENTURE!

15 comments: