Ramdam Ko na ang Pasko!


 Paskong Pasko na sa Mandaluyong!

Hayyy.... Lumalamig na naman ang simoy ng hangin sa Pilipinas! Iba pa rin talaga ang hangin kapag Pasko... na nagpapahiwatig na malapit na nga ang Pasko.

Kahit saan ako mapadpad tuwing gabi ay may makikita kang mga nagsabit na parol at mga dekorasyong pang-Pasko. Parang kailan lang ay nasa Mindoro ako na nagcecelebrate ng Pasko kasama ang Daddy at Mommy ko. Ngayon naman ay magcecelebrate kami ng Mommy ko, Kuya ko (uuwi sa December 23 from Abu Dhabi) at ang Ate ko (kadarating lang from Dubai nung makalawa). This is the first time na magcecelberate ang family namin na walang Daddy (he passed away last March) at first time din na magcecelebrate kami sa Manila. Dito kami sa Manila magpaPasko dahil ikakasal ang Ate ko naman sa December 26. Hayz!

Sa panahong ito uso ang mga Christmas Party sa mga office or sa mga school. Sa ganitong panahon din last year, ako ang nag-aasikaso ng mga Christmas decorations namin sa Mindoro kasama ko ang Daddy ko pagkakabit ng mga Chritsmas lights. This time, ako na lang ang nag-aayos sa may halamanan namin.

Noong isang araw ay lumuwas ng Manila ang Mommy ko para sunduin ang Ate ko at ang mapapangasawa niya sa airport. Hindi naman nakaabot pero at least napunta dito ang Mommy ko para sumundo.

2 days lang ang Mommy ko dito sa Manila muna kasi may pasok pa sila sa school sa Mindoro kaya kailangan niya agad umuwi. Pero bago siya umuwi ay ipinasyal ko muna siya sa Munisipyo ng Mandaluyong kasi may mga Christmas display doon apara naman may masabing napuntahan siya bago siya umuwi.



Naglibot-libot kami sa buong munisipyo at kahit papaano naman ay natutuwa kami sa mga nakita namin. Lalo na nung napunta kami sa mga Christmas decoration booth kami ng Mommy ko.



Ilan lang ito sa mga booth na nakadisplay sa may munisipyo ng Mandaluyong. Karamihan ng mga ginamit na materials sa mga booth na ito ay mga recycled materials. Nagkaroon naman kami ng Mommy ko ng idea. Gawin daw namin sa bahay namin sa Mindoro. Syempre naman, try namin kung makakagawa kami pag-uwi ko.

Kahit diyan ko lang naipasyal ang Mommy ko nung araw na iyon ay masaya na siya. Syempre naman... Kasama niya ako. :)


Uuwi ako this week sa Mindoro para ayusin ang decoration namin sa bahay namin doon kahit hindi kami magpaPasko doon. Para naman maganda pa ring tingnan ang bahay namin kahit na wala kami doon. Babalik din naman kami ng Mommy ko baka sa December 20 or 22 sa Manila dahil nga dito kami magpaPasko at para na rin sa kasal ng Ate ko.

For this year, sisiguraduhin kong makukumpleto ko ang Simbang gabi kasi magiging panata ko ito. Nung mga previous years,  ang Panuluyan ang naging panata ko kasi nakakapagturo ako ng Panuluyan sa Mindoro. Pero ngayong hindi ako doon magpaPasko, kahit ang pagsimba na lang... Okey na 'yun!

Para naman sa mga inaanak ko (Christian 10 yrs. old, Joshua 9 years old at Gabo 2 years old - mga bata pa 'yan), may gift na ako sa inyo. Haha! Wala pa akong work. Next year sana magkameron na!



********



Thanks to Fiel-kun for this award!

post signature
Share

32 comments:

My 22nd Birthday!

I was born on December 7, 1987 (4:00am raw 'yun) at Mamburao General Hospital. Normal Spontaneous Delivery (NSD) daw ako pinanganak. Pangatlo ako sa magkakapatid (bunso in short) at malayo ang agwat ng sinundan ko (ang Kuya ko na 8 years ang tanda sa akin).


Happy Birthday to me!

'Yung last po ko po (about sa aking Birthday Wish!) at sa birthday ko po, kahit walang pera ay nagsaya ako sa dami ng mga bumati at tumawag sa akin.

Isa sa mga iniwish kong tumawag sa akin ay ang Kuya ko (nasa Abu Dhabi) at Ate ko (nasa Dubai) at ganun na nga ang nangyari. Madaling araw pa lamang ng Lunes ay talagang tumawag naman ang Mommy ko. Super sweet talaga ng Mommy ko na iyon kasi talagang favorite niya ako.

Natuwa rin ako kasi nagtext sa akin ang Tito ko na nasa US at saka dumating pa ang napakalaking package ng Ate ko from Dubai. Wala nga akong natanggap na kahit na anong gift para sa birthday ko kasi delayed lahat. Hehe :) Pagdating na raw ng Kuya ko ang gift ko at 'yung kay Ate ko naman sa next week pagdating niya. 'Yung kay Tito Rolly naman ay before magChristmas.

Para naman sa birthday ko... Naisipan kong gumawa ng isang Facebook Fanpage ko. Add po ninyo ako dito. ()

Salamat sa mga bumati sa aking birthday. 22 years old na po ako ngayon, nadagdagan na naman ng isa ang aking edad. Wala mang gift akong natanggap, masaya pa rin ako dahil ang wish ko ay natupad. Wala man akong naging pera para icelebrate iyon ng magarbo, alam kong marami akong mga kaibigan na talagang nagmamahal sa akin ng totoo.

Salamat!

post signature
Share

26 comments:

My Birthday Wish!

I was born on December 7, 1987 at Mamburao, Occidental Mindoro- NSD 'yan! I am the youngest - ang Kuya ko at Ate ko ay nasa Dubai na at ang kasama ko na lang dito sa Pilipinas ay ang Mommy ko. Almost 15 years na pala n'ung last (my 7th birthday) na nakapagcelebrate ng birthday ko na may party! Well, ewan ko ba pero parang gusto kong bumalik ulit sa pagkabata kung saan simple lang ang mga gusto ko.


Picture ko ito sa Influential Bloggers Eyeball (2008)

My last 2 birthdays was horrible! On 2007 (December 7), that is the time na nagstop schooling ako due to financial reasons at n'ung date talaga ng birthday ko ay naglalayag ako n'un pauwi ng Mindoro galing ng Manila. Wala kasi akong nahanap na trabaho dahil undergraduate ako tapos magdeDecember pa kaya very rare lang ang mga companies na naghahire. Then n'ung pagdating ko sa bahay namin sa Mindoro, hindi nila alam na birthday ko. I just celebrated my birthday ng ganun na lang. Thanks to my friends na nagtext sa akin at nagmessage sa akin dito sa blog ko. Same thing happend last year (on my birthday ulit), it was Sunday naman kaya nakaattend pa ako ng mass kasi kagagaling lang namin noon ng duty sa Batanggas. Walang-wala akong pera n'un kasi nagastos na nga sa duty ko pero naging masaya pa rin ako sa mga texts na natanggap ko from my friends and classmates na bumati sa akin sa texts, friendster at sa blog ko na ito. Thankful din ako kasi nakatanggap ako ng gift from Nadz (Teddy Bear) at sa Kuya ko from Dubai!

Simple lang naman akong magbirthday. Masaya na ako na may mga nakakaala-ala sa akin sa birthday ko. Never naman akong nagexpect ng malaki sa birthday ko. Kahit me, myself and I lang... basta lang masaya ako, ang mga friends ko at ang Mommy at Kuya ko. Though I know na nakakamiss na sobra ang Daddy ko (He passed away last March) at forever ko mamimiss 'yun.

Well, emo ako ngayon kasi alam ko na kahit anong i-wish ko ay hindi matutupad for my birthday for now. I just wish for good health for my family especially my Mom na talagang andiyan sa akin kahit na anong mangyari. And I also hope na makahanap na ako ng trabaho para naman makatulong ako sa Mommy ko. Ang dami naming pangarap ng Mommy ko. Sana lahat 'yun matupad!


post signature
Share

32 comments: