Tibaw - Pababang Luksa

Ricardo De Lara Paglicawan
June 5, 1940 - March 23, 2009

Ngayon ang TIBAW o ang sinasabi nilang Pababang-luksa sa kamatayan ng Daddy ko. Inatake siya sa puso last year and sobrang kinagulat namin 'yun. Nung gabi kasi bago mangyari 'yun ay tinatawagan ko siya pero hindi ko siya nakausap dahil nagagala raw sabi ng Mommy ko at hindi ko ineexpect na 'yun na ang huling beses na matatawagan ko siya (pero hindi ko pa nakausap). At saka katatapos lang ng operasyon ng Mommy ko kaya talaga namang nakakagulat ang mga pangyayari.

Katabi niya sa libingan ang Nanay at Tatay niya...

Akala ko ang Death Anniversary at parehas lang ng Tibaw or ng Babang-luksa. Magkaiba pala ang dalawa kasi 11 months lang ang bilang ng Pababang-luksa. Kaya naman ngayong araw na ito (February 23, 2010) ang Pababang-luksa.

May mga nagtatanong kung nakamove-on na raw ba ako sa pagkamatay ng Daddy ko at ito naman ang sagot ko sa kanila:

Ang hirap magsabi na nakamove on na ako sa mga nangyari,
kasi knowing na habangbuhay na wala na ang Daddy ko,
habangbuhay din akong magmomove on. But I have
to be okey for my Family....

Mahal na mahal ko ang Daddy ko at ang dami naming pangarap kasama ng Mommy ko. Dumating ang birthday niya (June 5, 2009), hanggang sa pinakaaasam niyang graduation ko (October 30, 2009), pati kasal ng Ate ko (December 26, 2009), pati na rin ang Pasko at Bagong Taon na wala siya - Mga espesyal na okasyon sa pamilya na ang sarap-sarap iimagine na andiyan siya.

For now, andito ako sa Manila (hindi kasi ako nakauwi ng Mindoro due to some reasons) at magpapamisa na lang ako mamayang 6pm mass sa may simbahan malapit sa amin at ang Mommy ko naman ay naghanda doon sa Mindoro at may padasal din for nine days at pamisa.

Paborito niya mga fresh flowers...

Maraming bagay sa mundo na parang ang hirap unawain at intindihin pero ganun talaga e. Kailangang tanggapin ang lahat kasi sa huli, ikaw rin ang mahihirapan.

Ang dami kong tanong nung namatay ang Daddy ko, ang dami kong gustong sisihin at ang dami ko ring gustong saktan. Pero dahil na rin sa Daddy na sana ay masaya na siya sa kinaroroonan, at sana rin masaya naman siya kung ano na ang kalagayan namin ngayon.

Kung makakausap ko lang ang Daddy ko, ito ang mga sasabihin ko sa kanya:

I love you Daddy!
I miss you so much!
Miss ko na lahat ng asaran natin!
Miss ko kung paano ka magalit.
Miss na miss ko ang paghagulhol mo habang tinatawagan kita.
Miss ko na ang tagapagtanggol ko...
Miss ko ang mga luto mo...
Miss na miss na kita, sobra!

Habang sinusulat ko ito ay pinakikinggan ko ang song na ito
This is the video courtesy by martaclaga

Barbra Streisand - Evergreen (BARBRA The Concert, Live at the MGM Grand - December 31, 1993/ January 1, 1994) 

Ang song na ito ang Wedding song ng Mommy at Daddy ko... 


post signature
Share

29 comments:

Happy Valentine's Day!



"LOVE is in the air", ika nga nila kapag dumating na ang buwan ng February. Katatapos lang ng Christmas season tapos nag-New Year tapos Love month naman.

Anyway, last night ang Big Night ng Pinoy Big Brother Double Up at binalak ko sanang pumunta doon pero wala kaming ticket. Pinanoud muna naming matapos ang Big Night kasi magagala kami pagkatapos.

Si Melai talaga ang bet ko na manalo since ibinoboto namin siya since last week pa. She deserves to win talaga kasi siya 'yung naging reason namin para subaybayan ang Pinoy Big Brother Double Up. Kababayan namin si Jason Francisco ng Calapan, Oriental Mindoro kaya naman kahit papaano ay bumoboto kami since MELASON fans naman kami.

Isa akong Big Fan ng Pinoy Big Brother kaya lahat ng Big Night ay tinutukan ko...

December 10, 2005
Jennivev "Nene" Santillan Tamayo

April 1, 2006
Janet Derecho Duterte a.k.a. Keanna Reeves

June 3, 2006
Kimberly Sue Yap Chiu

June 30, 2007
Maria Beatriz Imperial Saw

January 5, 2008
Ruben Gonzaga

June 7, 2008
Ejay Falcon


 February 13, 2010
Melissa Cantiveros

Tinapos namin ang buong Big Night bago kami nagpunta ng Malate para mag bar hopping. Una kaming nag Tia Marias pero since hindi namin type ang ambiance dun ay naglakad-lakad pa kami hanggang Red Carpet Bar tapos bumalik at nakita namin ang Chelu at anag-end na nga kami sa O-Bar.



Gimik ito ng mga single kaya naman wala kaming mga partner. Naparami ang inom ko sa sobrang pag-eenjoy habang sumasayaw. Ilang months na rin akong tigang sa alak kaya medyo hindi ko kinaya. Medyo sumakit ang tiyan ko at feeling ko nasusuka. Syempre, ang daming tao at nakakahiya naman ako kapag sumuka ako dun kaya kinaya ko naman...

Hindi na ako masyadong uminom kaya todo bigay na lang ako sa pagsayaw. Natutuwa ako sa sarili ko na kapag may amats na, talagang medyo lumalakas na ang loob at medyo napapasayaw na ng todo. Hindi kasi ako masyadong sumasayaw kahit na madalas ako sa mga bars.

Sa lahat ng mga taong sawi, single, iniwan, niloko, inindian ng mga ka-date, mga may boyfriend at girlfriend, dun na rin sa mga may kabit at sa kabit nila, pati na rin sa nagfeefeeling bachelor at single kahit hindi naman at sa mga tulad kong hindi alam ang kalagayn niya sa buhay....

HAPPY VALENTINE'S DAY!

and

KUNG HEI FAT CHOI!

Single ka man, double or married, I am hoping na happy ka!
post signature
Share

34 comments: