Penitensya 101 : Kudlit

Mahal na araw na naman! Marami na naman ang naglipanang mga nagpepenitensya. Iba’t-ibang mga pagpapahirap sa sarili bilang paraan nila upang magsisi, magbago o dili kaya’y gunitain ang pagpapahirap kay Hesukristo.

Dito sa amin, mula sa edad na kinse (15) ay nagpepenitensya na sa paraan ng pagpapakudlit sa likod. May kanya-kanya silang kadahilanan kung bakit nila ginagawa ito:
  • Gusto nilang baguhin ang sarili nila at nangangakong hindi na nila uulitin ang nakagawian nilang mali.
  • Nagsisisi sila sa isang kamalian at nangangakong hindi na ito mauulit.
  • Meron naming nakapasa na siya sa Elementary or High School kaya nagpapakudlit.
  • Gusto niyang magbago ang tatay or nanay niya kaya niya iyon ginagawa.
Ilan lang ito sa mga sagot na narinig ko mula sa mga nakausap ko na nagpenitensya kanina lamang. Pagsapit ng Huwebes Santo kasi ay dumodoble ang dami ng nagpepenitensya kumpara sa mga nakaraang araw at mas dadami pa bukas ng Biyernes Santo.

 Ang mga nagpapakudlit ay naghahanda ng mga sumusunod:

- Tipo
- Korona
- Palawit

 Pagkatapos naman ay bubugbugin ang likod nila gamit ang tipo hanggang sa ito ay mamula.



 Kapag mapula na ang likod ay saka na pagpapakudlit ng pwedeng 9:9 o kaya’y 12:12 depende sa tantiya ng nagkukudlit gamit ang isang labaha.

Pagkatapos noong ay hahampasin na ito gamit ang tipo hanggang sa magtuloy-tuloy ang dugo at hindi ito mag-ampat. Habang nagdudugo ito ay iikutin mo ang buong baranggay at dadaan sa may simbahan para magdasal.

Para naman mas maganda ang kanilang panata ay may mga sumasabay sa kanilang mga nagbabasa ng pasyon. Binabasahan sila ng ilang pahina ng pasyon hanggang sa umiikot sila sa buong baranggay.

 Ang ilan sa mga nagpapakudlit na ito ay umiinom ng beer para daw pampadugo at para naman mapakaunti ang sakit na nararamdaman nila dahil sa kudlit. Ang ilan naman ay pinaiinom ng malasadong itlog para raw hindi masyadong manghina.


 Kapag less na ang dugo ay patitigilin na ito sa pag-ikot sa baranggay para magbanlaw na sa dagat. Naliligo muna ang mga penitensya sa dagat at saka naghihilod ng likod para mawala ang dugo at saka pinipisil nila ang mga kudlit para naman mawala rin ang mga mga namuong dugo. Mainam din ang tubig dagat para hindi makadagdag ng impeksyon.

Ang tipo rin ay binabanlawan sa dagat para naman sa mga susunod na gagamit nito.



Ano man ang mga dahilan sa pagpepenitensya, mababaw man o hindi, ito ay isa nang tradisyon nhindi lang dito sa amin sa Paluan, kundi sa iba pang panig ng Pilipinas.


post signature
Share

25 comments: