Ating Tikman ang lasa ng Paluan!

Kung pagkain lamang ang labanan, masasabi kong mararaming pagkain na kakaiba at dito lang sa aming bayan sa Paluan, Occidental Mindoro makikita! Sa PAHAGO FESTIVAL (other term: Pakain/Kainan Festival) pa lang namin, malalaman ninyo na mahihilig ang tao rito sa amin na kumain.

SUSONG-KALABAW - Mukha raw kasi talaga siyang "suso" at kaya naman idinikit ang word na "kalabaw| ay dahil sa malaki siya. Just like sa kinalabaw na mangga. Haha! Mapula at malambot siya na may buto sa loob... Manamis-namis na may konting asim ang lasa niya!


UOK - Mukha siyang malalaking "uod" na nakikita sa puno ng "Dungon" and tastes like chicken daw sabi nila. I tried it once pero talagang maselan ako sa pagkain e! Marami namang mga kaibigan ko ang nagustuhan ang lasa niya kasi ipinasasalubong ko 'yan madalas. Mataas nga lang sa kolesterol kaya hinay-hinay lang sa pinagbabawalan niyan.

Fresh pa at bagong deliver mula sa mga mangyan.

Bagong luto sa kawali. Nilagyan lang siya 
ng tubig at konting asin para magkalasa.

BUNGGAN - Alam ito ng mas nakakarami as "Pandaka Pygmea" o ang pinakamaliit na isda sa buong mundo. Madalas na luto rito ng mga tao ay ang pinangat. Ang bunggan na ito ay kadalasang ibinabalot sa dahon ng saging. Sa kaso naman nito, dahon ng araro ang gamit kasi masarap daw ang lasa ng pinangat na bunggan na ito kapag ito ang ginamit.



KUHOL - Maraming lugar sa Pilipinas ang may kuhol pero what makes this kuhol so special, ang "pako" or fern sa English. Parang ginataan siya na ang vegetable na halo ay ang fern. Masarap siya kasi bigay lang ng Tita ko at siya rin ang nagluto.



Napakarami pa ng pagkain na dito lang sa Paluan ko nakikita. Kadalasan ng mga isinasama ko ditong bisita na blogger or kaya friend ko riyan sa Manila aay pinatitikim ko ng kahit na ano sa mga iyan. Seasonal din kasi mga pagkain na iyan.

Ilan lang ang mga iyan sa napakaraming pagkain na ibablog ko next time kapag nakakuha ako ng pictures ng mga ito.


post signature
Share

21 comments:

Pagbabago

Noong bata pa ako, ang buhay ko ay kay payak.
Hindi tulad sa ngayon, marami nang ginagayak.
Pero ano ba ang ang mas masaya, buhay ko noon o ngayon?
Katanungang aking dadalhin sa dako pa roon.

Hindi na maiiwasan ang pagkukumpara
Sa naging buhay ko noon hanggang ngayon.
Dahil sa pagbabagong hindi na maiiwasan
Dahil ito ang normal na takbo ng panahon.

Maraming beses nang nagbiro sa akin ang tadhana.
Pagbibirong muntik nang sumira
Sa pundasyon ng aking pagkatao
Ngunit hanggang doon lang iyon.

Alam kong normal lang ang mga pagsubok
Dahil dito nalalaman kung gaano tayo katatag.
Kaya piliting maging matiyaga
Para kahit papaano ay pwedeng magawa.

Ipakilala ang sarili sa mundo
Sa mga magagandang gawain
Dahil wala namang nakikilala sa salita,
Madalas ay tumatatak dahil sa kanilang ginawa.

Sabi nga nila, "Walang permanente sa mundo kundi pagbabago".
Ang tanging magagawa ay makisabay patungo
Sa magandang hinaharap ng ating buhay
Na kahit sino man sa atin ay hinahanap.

Marami akong natutunan sa lahat ng pinagdaanan ko
Na mahalaga ang bawat oras sa mundo
Ang mga gintong panahon kapag nagdaan,
Hindi na maibabalik magpakilanman.

Ang buhay ko'y parang isang bukas na aklat;
Ano mang makita mo ay siya mong makukuha.
Pero huwag naman sana akong husgahan ng basta-basta
Dahil sa napakarami kong pagkakasala.

Dati noon, akala ko'y kaya kong mag-isa.
Hindi pala, kailangan ko ng tulong ng iba.
Tulad ng tibay ng isang abaka,
Wala ring lakas kapag-nag-iisa.

Ako ma'y umibig na at nabigo.
At hindi ito dahilan para ako ay tumigil
Okey lang naman na umaray
Dahil lahat naman tayo ay nasasaktan.

Kung tayo ma'y nakakaranas ng hirap sa ngayon,
Matutong magtiis dahil alam naman natin
Na ang mga taong nagtitiis sa hirap
Ay may ginahawang hinaharap.

Hanggang sa mundo ay hindi tumitigil,
Huwag kang susuko at magbahag ng buntot.
Dahil tayo ay may kasabihang,
"Habang may buhay, may pag-asa".

Sa mga pagbabagong ito, hindi kailangang maging matigas.
Dahil madaling bumaluktutin ang malambot.
Utak ay laging gamitin dahil ito'y parang itak,
Na sa habang hinahasa ay tumatalas.

Sa pagbabago, huwag kalilimutan ang nakaraan
Dahil maaari mo itong magamit sa kasalukuyan.
Sa mga problemang kakaharapin pa,
Madali nang malalampasan kapag napagdaanan na.

Ako, ikaw, at tayong lahat na nabubuhay dito sa mundo,
Tayo lahat ang ang makakatupad ng ating mga pangarap.
Huwag nang umasa sa magagawa ng iba,
Dahil tayo ay ang mga arkitekto ng ating kapalaran.

Pilipino, alam kong malayo ang iyong mararating!
Tibay ng loob at tiwala sa Diyos ang kailangan.
At upang marating ang tugatog ng tagumpay,
Sipag at tiyaga ang gawing hagdanan!

Mga Pilipino nga'y mga bayani
Mga bayaning kapag nasusugatan
ay lalong nag-iibayo ang tapang.
Kaya sulong Pilipino sa magandang pagbabago!


post signature
Share

34 comments: