Hello 2013!


A day before 2012 ends, while cherishing the quiet moments I am spending here in Mindoro, 'eto ako gumagawa ng blog post for New Year!

I'm so glad that I stayed in Mindoro this long (for about seven to ten days), long enough to enjoy the province, to roam around, and to think of things that happened this year. There are lot of good things and some bad things, pero what's important for me is andito pa rin ako - smiling and can proudly say to the world that no one can put me down.

2012 has been a good year for me. I received a lot of good things - gifts, love, friends. I even went abroad for the very first time (Dubai) and met the cutest baby on earth - my pamangkin named Steven. I stayed in Dubai for only just three months but I am so much attached with everyone there. Well, that's really memorable sknce it's my first time. I even spent a day in Brunei and two days and one night in China. At least, marami akong mga tatak sa passport ko na marami na akong napuntahan.

Anyways, I know myself better than others. Pero syempre, may mga pagkakataong bulag tayo sa sarili natin. I mean, may mga bagay tayong nagagawa na pala sa iba na hindi natin nalalaman. Syempre, ibat-ibang tao, ibat-ibang perception sa mga ginagawa natin.

Since I don't think of a much better year-ender for my personal blog, para maiba, I asked some of my Blogger friends ang mga bagay na hindi kagandahan sa akin na dapat ay isantabi ko na at dapat ko nang baguhin for next year. Sila ang mga tinanong ko kasi sila 'yung madalas kong makasama lalo na sa mga events. Minsan nga, halos araw-araw na.

Syempre may mga sumagot at meron namang parang dumaan lang na paramg bula ang text ko. Anyways, sila ang mga sumagot sa tanong ko:

Jerhwin Hernandez of NiceGuyItachi.info:
"Lahat naman tayo may negative side :-) siguro ang masasabi ko jan ay ang "Temper", napansin ko kasi na pag may konting bad vibes nagiging hot tempered ka agad. Hehe, pero i appreciate your truthfulness, alam ko totoong tao ka :-)"

Morgan Zeanreah of Supermorgy.com:
"Moody ka minsan but you're sweet always"

Ning Buning of ShyGirlsOwn.info:
"Matampuhin ka masyado lalo kay Flow. 'Yung black ng mata mo nawawala. Iwasan mo 'yun frend kasi hindi magandang tingnan."

Mj de Leon of Lifestylehub.net:
"Alam mo na ang isasagot ko sayo. Patience and more patience. ;)"

Maraming salamat sa mga sumagot! Don't worry guys, I know all these things, it happened lang na nasa sistema ko na ang mga ugaling 'yan for so long kaya ang hirap tanggalin pero I promise na this year, maminimize ko.

Thanks to Anton Carranza of PusangKalye.net for the photo.
Taken at Saranggola Blog Awards 2012.


Share

2 comments:

I bought myself a helicopter as a gift this Christmas!


Ilang araw na lang, Pasko na naman! Marami na namang mga bata ang excited sa mga regalong matatanggap nila. At syempre ako rin ay excited! Kapag Pasko kasi, dinaramdam kong bata ulit ako.

Ako naman bilang isang ninong ng halos 15 na inaanak (halos lahat diyan ay inattendan ko), may mga gifts akong inihanda para sa kanilang lahat. May mga remote controlled cars, barbie dolls, teddy bears, wallets (may laman sa loob), mga damit at sapatos, at iba pa. First time ko kasing magkaroon ng ipon for my inaanaks kaya effort ako sa pagbili ng mga regalo. Dati-rati kasi, 50, 100 or 200 pwede na sa kanila. This time, regalo talaga. 'Yun ang effort.

Anyways, maliban sa mga inaanak ko kasama si Mommy ko sa mga bibigyan ko ng gifts, isinama ko na rin sarili ko sa mga reregaluhan ko.

Noong isang araw lang ay bumili ako ng isang remote controlled toy helicopter. Nakita ko kasing sale sa ToysRus sa Trinoma kaya tumingin-tingin ako hanggang sa makita ko ang isang remote-controlled toy helicopter. 50% off kaya naman pinatos ko na. Minsan lang naman ito.

Noong bata kasi ako (mga 4years old) ay nakatanggap ako ng remote controlled toy helicopter din kaso since bata ako ay hindi ko naman naenjoy kasi ang gumagamit ay ang mga nakatatanda kong kapatid. Nung kaya ko nang magpatakbo ng isang remote controlled toy helicopter, sira na ito. Kapag nagpapabili naman ako, lagi nilang sinasabing nabilhan na ako noon kaso sinira ko lang. Hanggang sa lumaki ako... Nasa isip ko pa rin ang magkaroon ng isang remote controlled toy helicopter.

So ngayong pwede naman akong bumili ng isang remote controlled toy helicopter, kahit hindi na ako bata, binili ko pa rin. Iba pa rin kasi ang feeling na nafulfill mo ang isa sa mga pinakaaasam mo nung bata ka. Ewan ko ba, masasabi ninyong mababaw pero ang saya-saya ko nung sa pagbukas pa lamang ng kahon nito. At lalo pa akong naging masaya sa unang beses kong paliparin ito.

For now, nakakahon na ulit, dadalhin ko siya sa Mindoro pag-uwi ko ngayong Pasko. Dun ako magpapalipad ng helicopter. Para rin hindi ako masyadong mabored lalo na kapag wala na akong ginagawa.

May isa pa akong natipuhang bilhin na worth 7,000 na remote controlled toy helicopter with camera naman pero since mahal, next Christmas na lang. Pag-iipunan ko!


Share

2 comments:

My Sosy Rants....

Malapit nang mag-Christmas kaya naman busy na ang lahat lalo na ang mga Bloggers na kabi-kabila ang invitations sa mga Christmas Party at mga iba pang events.

Isa sa mga movies na nagpresinta akong tumulong ay ang "Sosy Problems" ng GMA Films for MMFF 2012. First thing kasi, hawak ko ang ilang social media accounts na related sa movie na ito, I know na karamihan ng followers ko especially sa personal twitter ko ay mga Kapuso at saka loves ko ang mga artists na included sa movie.

Alam ko na kanina talaga nakaschedule ang presscon and since wala akong invite, okey lang kasi I have the posts na naman. Para sa kaalaman ng lahat, hindi lang ito basta post lang, nag-effort ako to help push this movie. Nauna nang ipost ko ang article for Aljur Abrenica (here's the link) na kahit hindi ko nainterview, dahil gusto ko siya ay ginawan ko ng paunang post. Sumunod naman after the pocket interview nung Tuesday ay 'yung article for Rhian Ramos (here's the link). Prior pa rito, I have three posts na about sa movie kahit nung announcement pa nito.

What makes me sad lang, I saw tweets from the other bloggers na finafollow ko sa Twitter na they were there attending the presscon. Syempre, akong nag-eeffort at nag-abot sa kanila ng kamay at open arms na gusto kong tumulong ay nasaktan sa hindi nila sa pag-imbita sa akin. I'm not after anything else especially if you're thinking about the 'payola' (pardon for the term). Iba lang kasi ang feeling kapag you're invited... You going or not, ang feeling mo kasi 'yung naaappreciate ka. That makes us Bloggers to post more and to do more... Sadly... Mukhang hindi nila alam 'yung ganun.

Isa pang bagay na hindi ko matanggap ay 'yung pag-invite nila sa akin sa premiere night, which I decided na pupunta sana ako kahit masama ang loob kaso ang narecieve kong text ay: "Dear, 'yung tickets daw na nakay ___ (name ng contact) na binalik na sa mga boss niya. So wala daw 'yung tickets mo for later :("

What if pumunta ako without texting them? Nagmukha akong tanga na nagfifeeling na invited na 'yun pala ay magmumukha akong gatecrasher? Well, ayoko naman ng ganun. At sa sobrang sama ng loob ko ay dinelete ko na ang supposed to be articles ko for Bianca King, Solenn Heussaff at Heart Evangelista at ang ineffortang article titled na "Ten Best Reasons Why We Should Watch 'Sosy Problems'." Natanso na ako para mag-effort pa.

At saka I stayed sa Manila hanggang December 23 kasi it's in my schedule that I'm going to attend the premiere. Kasi kung hindi ako aattend, by December 20 pa lang, umuwi na ako ng province kasi wala na akong gagawin. Well, hindi naman lahat talaga ng tao makakaappreciate ng effort mo. Sad lang, kung sino pang mga taong inaasahan mong makakakita ng efforts mo, sila pang mambabalewala sa iyo.

Sa ngayon, my article - Rhian Ramos is Lizzie, the richest in "Sosy Problems" ang last sa mga articles ko tungkol sa movie na 'yan. Ang movie review, verdict pagbalik ko... Kung mag-effort pa akong isulat.

Minsan lang ako mag-effort at makagusto sa susuportahan ko. 'Yun lang, natanso ako. Kaya goodluck na lang sa movie. Isang malaking goodluck!

Share

4 comments:

Experience and taste 'thousand teas'

There is really a resurgence of interests in teas, since teas promote living well and healthy. People now are more aware of drinking teas because it's good for our health 

Well, it's good to say that people now are more pro-health and picky when it comes to foods and drinks. More than it's taste, people nowadays appreciate the benefits that tea brings to us. More than just an antioxidant which everybody knows, tea has also Vitamin C which is good for the skin, natural source for fluoride, and it also enhances immune system and lowers risk for infection. There's still more that tea offers.

Tea also contains caffeine but most teas have lower content compared to coffee. There are many factors influencing caffeine levels in tea, including brewing time / temperature, tea grade and tea varietal.

More than just a beverage, tea has become a social art form. And like every art form, it has led to a change in perspective. As the years have shown, the steeping of the cup is pivotal to the steeping of society.

Thousand Teas, according to its owner, Gilbert Jim, is all about everything you need from the tea (from the word "Thousands"), from tea leaves to the paraphernalia, from tumblers to pitchers, we have everything.

The place is cozy and you will really feel the relaxing ambiance of the place perfect for the everyone who want to sip a tea to release tension and escape from their stressors. What makes this tea-place different from any other in the metro, they're not using the usual method that we know which is the use of tea bags, expect for a unique experience because they use unfamiliar but the traditional yet the best materials. They serve their hot teas in glass cups with tea filter.

Within effervescent confines scented with the fresh aroma of the posh yet classic beverage, it offers a wide variety of drinks and flavors that are either time tested or avant garde. Complementing the wide selection of teas are the pastry and pasta selections. Emulating the sophisticated refinement of the British tea culture with a little Asian mix, customers can choose between traditional tea time fare like scones and cakes or they can mix and match with various dishes to suit their mood and taste.

Thousand Teas is located at Mezza Residences, Aurora Blvd., Quezon City.

If you're a real tea connoisseur, then you'll probably be interested in finding some worthwhile sippings wherever you go. If you're still not a regular tea-drinker, why not change your daily tea rituals and see what effects the above have on you. I can say now that I have incorporated these wonderful teas in a my daily life.

Share

0 comments:

My personal experience on 'Budol-Budol' gang



This was supposed to be a birthday post pero naging nakakakaba for me. Share ko lang what happened earlier bago ako umalis ng bahayat pumunta for a meeting.

This is my very first time na naencounter ito at talagang hinding-hindi ko talaga makakalimutan ang experience na ito.

Late na akong nagising ngayong birthday ko kaya hindi na ako nagluto. Naglakad na lang ako sa may kainan malapit sa RTU. Pagkatapos kumain, naglakad ako along Boni Avenue papunta ng Pharmacy nang may lumapit sa aking dalawang lalaki.

Lalaki1: Kilala kita.
Me: Sorry! Hindi ko po kayo kilala  (Sabay lakad papalayo sa kanila).

Pagdating ko sa Pharmacy, habang kinukuha 'yung pabirthday sa akin ni Mommy ko thru Smart Padala, muling lumapit sa akin ang dalawang lalaki na kanina pa pala nakasunod sa akin.

Lalaki2: Brad, bakit mo naman kami iniiwasan?
Me: Hindi ko po kasi kayo kilala.
Lalaki1: Pwede ba naming makita ang laman ng bulsa mo?
Me: Bakit naman e bulsa ko ito? At saka hindi ko kayo kilala.
Lalaki1: Kasi ikaw lang 'yung nakita ko nung nawala 'yung cellphone namin sa tindahan.
Me: (Inilabas ko ang S3 at coin purse sabay bigay sa mga nasa loob ng pharmacy para safe) 'Yan lang ang laman ng bulsa ko. Ano bang nawawala sa inyo?
Lalaki1: Black na cellphone.
Me: Ano bang unit?
Lalaki2: Ikaw lang ang nakita ng kasama namin sa loob ng tindahan namin nung mawala 'yung cellphone namin.
Me: So ano ngang unit? At saang store ba 'yan? Kung makapagturo kayo sa akin, parang sigurado kayong ako ang nagnakaw ah!
Lalaki2: Tandaan mo, kilala ka namin. May araw ka rin sa amin. Ninakaw mo ang phone namin kaya dapat ibalik mo 'yun.
Lalaki1: Ikaw ang nakita kong nagnakaw nun kaya mag-iingat ka. Tandaan mo kapag nagkita tayo (sabay alis ang dalawang lalaki).

Kabadong-kabado ako nang mga panahong 'yun. Inikot ko ang mata ko kung may makikitang police pero wala akong makita. Umuwi ako ng bahay na kabang-kaba. Ikinwento ko sa landlady namin tapos inadvise akong magreport sa Baranggay.

Sa baranggay, hindi lang pala ako ang nagreport ng parehas na kaso. Sumabay pa sa desk namin ang kwento ng Dugo-Dugo gang. Panahon na raw kasi ang kapaskuhan, panahon kung saan sumasabay sa pagsasaya ang mga masasamang-loob.


Share

3 comments:

25 wishes for my 25th birthday!


I was born on December 7, 1987 in Mamburao General Hospital at exactly 4:37am. Yes, madaling araw 'yun at gabi pa lang, naglelabor na si Mommy ko para mailabas ako.

Well, in my 25 years of existence in this world, hindi pa talaga ako gumagawa ng wislist sa mga nagdaan kong birthdays and now, I think time na para gumawa noon. Kasi after ng 25th birthday ko, magfifreeze na ang counting ko ng birthdays ko. Forever 25 na ang peg ko.

Last night, nawala ang wallet ko with money and of course some important documents. I don't know where or how pero ayun na 'yun. My fault! Medyo may pagkaburara kasi ako sa gamit. Move-on na lang kasi ayoko rin namang mag-isip ng masama. Nawala siya and goodbye. Nanghihinayang lang ako sa wallet kasi mahal 'yun at gift rin sa akin 'yun. Basta special 'yung wallet na 'yun.

Anyways, ayoko namang magmukhang Materialistic dahil sa mga wishes ko. Pagbigyan ninyo na lang ako kasi birthday ko naman. Haha!

25 Wishes:
1. Laptop (any brand basta bago)
2. iPhone5 (dapat powered by Smart)
3. Magstart na sana ako sa work ko
4. Video greetings nga mga favorite kong stars (at least 25)
5. Money... the more the many-er!
6. Chocolates and cakes!
7. Photoshoot from Dale Bacar and Marlon Hermosura (para attainable)
8. Kahit anong magandang TV sa bago kong nilipatang apartment
9. Smart LTE wi-fi
10. New clothes and pants... minimum of 25.
11. Aquarium with fish. The bigger the size, the better...
12. Set of Spanish Doves (dapat nasa cage)
13. Lovebirds... (25 sets)
14. Guinea Pig (pair)
15. Bagong running shoes... binabalak kong magstart na ng run ko.
16. Alak! Kahit anong klase... nagkokolekta ako.
17. Scholarship. Mag-aaral ako ng IT.
18. Relaxing spa ang massage...
19. I really need facial...
20. Mga bagong gamit-pambahay
21. New wallet... (I lost mine last night)
22. New set of boxer briefs... luma na lahat halos.
23. My body is asking for a birthday ♡★♧
24. Closure with my ex... As in makausap ko lang kung ano ba talagang nangyari. Noting more...
25. Mareach namin ang quota ng sumali sa Netizens' Choice Awards to 250...

Ayan ha! May list na ako. Sa dami niyan, you cam choose one lang naman para igrant. Pero kung gusto mo lahat, why not?! Hindi naman ako masyadong choosy.

Above all naman, I'll still be happy with my birthday today kasi I know na I have my faniky with me, anuman ang mangyari at ang nga ever supportive ko na friends. Thank you Lord for giving all of them!


Share

3 comments: