The Bomb Threat

July 26, 2008 : Our last day at Medical Center - Manila and the day of our Case Presentation to our Clinical Instructor. Sa school na lang namin ginawa ang case presentation kasi wala namang lugar sa MCM pwede kaming magpresent ng case presentation. Supposed to be ay 12nn to 4pm ang time namin for our case presentation pero as usual, "Filipino time", 1:30pm na ay wala pa rin ang iba. We waited for so long sa iba naming mga kasama kasi talagang gahol na talaga sa oras noong gawin namin ang mga case presentations namin.
Almost 2:30pm nang itext ako ng kagroup namin na hindi na raw sila papasukin pa ng gate ng building ng school namin kaya nagtaka ako. Ilan ito sa mga naging conversations namin:

Anna : Asan na kayo? Hindi kami papasukin ng guard sa building.
Lionheart : Kumusta naman kayo diyan? Bakit daw hindi kayo papasukin?
Anna: May BOMBA raw!
Lionheart : Ano? Hindi nga?
Anna : Bumaba na kayo dito kasi pinalalabas na ang mga studyante diyan sa loob!

At sa sobrang takot ko ay napatawag ako kay Anna para lang iconfirm na hindi siya nagloloko sa text at nang maconfirm ko na ay sinabi ko na sa Clinical Instructor namin at agad kaming pinababa ng building.

Hayz! Pagbaba namin ng building ng E5 ay tumambad sa amin ang mga studyanteng pinababa sa mga buildings at ang mga K9 dogs pati mga Police sa ibaba. Actually, first time ko lang makasaksi sa pangyayaring ganito pero kahit nakabado ako ay nagagawa ko pa ring makapagpatawa para pambawas ng tensyon.


Ang K9 Dog habang umiihi
Si Kuya (^nakablack sa itaas) ay kamukha ng K9 Dog
Sa Entrance ng E6 - Mga Pulis at mga Epal
Mga studyante na tuwang-tuwa kasi wala nang klase!
Daanan sa EAC na nagmukhang may parada!
Hanggang sa may U.N. Avenue, mistulang may Fiesta!

Umuwi na lang kami at 4:00pm at walang natuloy na case presentation namin. May banta man o wala ng bomba sa school namin, asar pa rin ako kasi for sure, irereschedule ang case presentation. Dobleng hirap. Hayz!

8 comments:

buti naman at walang nagyari. patawa ka talaga pati yung asong umiihi pinicturan mo pa.

July 28, 2008 at 8:29 AM comment-delete

wow...nakakamiss ang mga case presentations..hehe! nakakatwa yung mga captions ng pics..tlgang walang kawala ang umiihing aso ha? hehe! anyway thanks for visiting my site...

July 29, 2008 at 12:12 AM comment-delete

I experienced this once when I was still an intern sa Senate. Din't feel a thing.

July 30, 2008 at 1:39 AM comment-delete

geez.. why is it so rampant?

July 30, 2008 at 4:55 AM comment-delete

buti nalang wala namang nangyari..pero totoo 'yon nakakakaba yan...pati tuloy aso napa-ihi sa takot.. he he he

me
July 30, 2008 at 11:19 PM comment-delete

always a scary thought but it is still best to be safe than sorry.

kakatapos lang ng prophecy ng lindol tapos ngayun bomb threat naman kayo jan. what's next?

July 31, 2008 at 7:17 PM comment-delete

naku naku.. nakaka asar ung mga asong ganyan.. ang saliva kung saan saan napupunta...

haha

buti walang nangyaring masama,,
shared the same expreience..
nakakatakot coz i was inside LRT1..

Juz
August 1, 2008 at 1:08 AM comment-delete

buti na lang nga walang nangyari at buti hindi ka naihian ng aso hehe...

August 9, 2008 at 7:17 PM comment-delete