Tibaw - Pababang Luksa
Ricardo De Lara Paglicawan
June 5, 1940 - March 23, 2009
Ngayon ang TIBAW o ang sinasabi nilang Pababang-luksa sa kamatayan ng Daddy ko. Inatake siya sa puso last year and sobrang kinagulat namin 'yun. Nung gabi kasi bago mangyari 'yun ay tinatawagan ko siya pero hindi ko siya nakausap dahil nagagala raw sabi ng Mommy ko at hindi ko ineexpect na 'yun na ang huling beses na matatawagan ko siya (pero hindi ko pa nakausap). At saka katatapos lang ng operasyon ng Mommy ko kaya talaga namang nakakagulat ang mga pangyayari.
Katabi niya sa libingan ang Nanay at Tatay niya...
Akala ko ang Death Anniversary at parehas lang ng Tibaw or ng Babang-luksa. Magkaiba pala ang dalawa kasi 11 months lang ang bilang ng Pababang-luksa. Kaya naman ngayong araw na ito (February 23, 2010) ang Pababang-luksa.
May mga nagtatanong kung nakamove-on na raw ba ako sa pagkamatay ng Daddy ko at ito naman ang sagot ko sa kanila:
Ang hirap magsabi na nakamove on na ako sa mga nangyari,
kasi knowing na habangbuhay na wala na ang Daddy ko,
habangbuhay din akong magmomove on. But I have
to be okey for my Family....
Mahal na mahal ko ang Daddy ko at ang dami naming pangarap kasama ng Mommy ko. Dumating ang birthday niya (June 5, 2009), hanggang sa pinakaaasam niyang graduation ko (October 30, 2009), pati kasal ng Ate ko (December 26, 2009), pati na rin ang Pasko at Bagong Taon na wala siya - Mga espesyal na okasyon sa pamilya na ang sarap-sarap iimagine na andiyan siya.
For now, andito ako sa Manila (hindi kasi ako nakauwi ng Mindoro due to some reasons) at magpapamisa na lang ako mamayang 6pm mass sa may simbahan malapit sa amin at ang Mommy ko naman ay naghanda doon sa Mindoro at may padasal din for nine days at pamisa.
Paborito niya mga fresh flowers...
Maraming bagay sa mundo na parang ang hirap unawain at intindihin pero ganun talaga e. Kailangang tanggapin ang lahat kasi sa huli, ikaw rin ang mahihirapan.
Ang dami kong tanong nung namatay ang Daddy ko, ang dami kong gustong sisihin at ang dami ko ring gustong saktan. Pero dahil na rin sa Daddy na sana ay masaya na siya sa kinaroroonan, at sana rin masaya naman siya kung ano na ang kalagayan namin ngayon.
Kung makakausap ko lang ang Daddy ko, ito ang mga sasabihin ko sa kanya:
I love you Daddy!
I miss you so much!
Miss ko na lahat ng asaran natin!
Miss ko kung paano ka magalit.
Miss na miss ko ang paghagulhol mo habang tinatawagan kita.
Miss ko na ang tagapagtanggol ko...
Miss ko ang mga luto mo...
Miss na miss na kita, sobra!
Habang sinusulat ko ito ay pinakikinggan ko ang song na ito
This is the video courtesy by martaclaga
Barbra Streisand - Evergreen (BARBRA The Concert, Live at the MGM Grand - December 31, 1993/ January 1, 1994)
Ang song na ito ang Wedding song ng Mommy at Daddy ko...
Habang sinusulat ko ito ay pinakikinggan ko ang song na ito
This is the video courtesy by martaclaga
Barbra Streisand - Evergreen (BARBRA The Concert, Live at the MGM Grand - December 31, 1993/ January 1, 1994)
Ang song na ito ang Wedding song ng Mommy at Daddy ko...

Share
29 comments:
Post a Comment