A Quick Homecoming : My Paluan 3-day Diary
Wala sa plan ko na umuwi na ng Mindoro for what had happened during the last National Election kung saan nadawit ang pangalan ko sa napakaraming issue tulad ng pagpapadala ng Imbestigador ng GMA7 during the Paluan Election at ang iba pang naging issue sa akin sa Paluan, my hometown.
My Mom called me na umuwi na nga muna para madalaw ko rin ang Daddy ko na sabi ng Mommy ko ay malaki na ang ipinayat.
October 27, 2007 (Saturday), sumama ako sa pinsan ko at isang kababata na umuwi ng Mindoro. 7:00pm when we left Manila at mga quarter to 10:00pm kami nakarating sa Batanggas Pier. Maraming tao that time na uuwi for the long vacation at dahil sa Baranggay at SK Elections 2007 na rin.
4:00am pa ang nakuha naming ticket sa RORO ng Montenegro pero nakaalis kami ng Port of Batanggas ng mas maaga like 2:00am dahil sa dami ng pasahero na nagdagsaan. Sa dami ng pasahero ay nakatayo for almost 2 or 3 hours sa barko hanggang sa dumating ang 5:00am na dumaong ito sa Abra de Ilog Pier sa Occidental Mindoro.
From Batanggas Pier, sumakay kami ng Van to Paluan, Occidental Mindoro. Okey naman talaga ang daan from Abra de Ilog to Mamburao (the Capital of Occidental Mindoro) pero pagdating sa daan papuntang Paluan ay talagang masasabi mong hindi talaga maganda ang daan dahil hindi pa talaga sementado at isa pa ay maputik ang daan.
Dumating ako ng Paluan mga 6:00am at gising na ang Mommy at Daddy ko na talagang nagbabantay sa pagdating ko. Yeah... Medyo naluha ako sa nakita ko sa Daddy. Ang laki talaga ng ipinayat niya at parang half ng katawan niya ang nawala sa sobrang ipinayat. Nagmano ako sa Mommy at Dady ko pagdating ko at nangumusta. Tulog pa pala ang Kuya ko dahil madaling araw na ito nakauwi dahil galing sa pinsan kong lalaban ng SK Chairman at doon ay nakisaya.
Naglibot muna ako sa bakuran pagkatapos noon at tiningnan ang mga alagang manok at mga tanim ng parents ko sa bakuran. Nagpahinga na muna ako pagkatapos noon at nagising na ako ng bandang mga alas-5:00 ng hapon ng magkakuryente na.
Hanggang ngayon ay pinaninindigan ko pa rin ang mga sinabi ko sa blog entry ko na "Why I sometimes hate Paluan " na naipublish last May 2, 2007 na naging mitsa para magkaroon ng napakalaki raw scandal sa Paluan sa pagbablog ko about sa mga nakita kong kahinaan ng Paluan.
Hanggang ngayon ay from 5:00pm hanggang 12:00mn ang kuryente sa Paluan na halos 7 oras lang ang serbisyo. Wala pa ring pagbabago ngayon kahit na dumarami na ang tao sa Paluan. Almost 10 months akong hindi nakauwi sa pinakamamahal kong bayan ng Paluan pero hanggang doon pa rin. Ganoon pa rin!
Natatawa nga ako sa mga taong tumuligsa sa akin sa pagsusulat ko ng essay na "Why I sometimes hate Paluan" na parang essay lang kumbaga sa akin sa mga nakita ko sa Paluan. For me, it is just an opinion na pinalaki nila na masyado kaya nagmukhang black propaganda na rin for them. Shame on them na nagpalaki nito!
October 28, 2007 (Sunday), paglabas ko ng bahay ay nakita ko na ang mga tatakbong mga SK, Baranggay Chairman at Kagawad going to the Church. Nakakatuwa naman kahit papaano na marunong silang magsimba just humiling kay God na manalo sa Election or magpakita sa mga tao na marunong din silang sumimba. Lolz... Pero hanga pa rin talaga ako sa mga Baranggay Politicians na may Election or wala, talagang sumisimba.
This day, naghintay lang ako ng alas-5:00pm para makapanood ng TV kasi wala talagang mapaglibangan. Natulog lang ako buong araw.
October 29, 2007 (Monday), maaga akong naligo at nagbihis ng maayos para maaga rin akong bumoto. Sa front ng gate ng school ay napakaraming mga kabataan na namimigay ng candy with the names of the candidates sa election na ito. Haha! Meron pang ibang kumakamay habang papasok ka sa school saying "Alam mo na 'yun!". Wala lang... Natutuwa lang ako sa kanila!
Nakavote naman ako ng maayos at ang mahalaga sa lahat ay naivote ko ang mga gusto kong iboto ng walang pressure at talagang gusto ko silang iboto dahil nakikita ko ang malaking potential sa kanila unlike dati.
Tuwang-tuwa ako sa indelible ink na inilagay na hindi ko talaga matanggal. Harhar... Nagstay ako ng school hanggang sa magclose ang botohan at magstart na ng bilangan. After ng bilangan ay masaya ako sa naging outcome ng botohan dahil almost all of the candidates na ibinoto ko ay nanalo.
October 30, 2007 (Tuesday), umalis ako ng Paluan ng 3:00am at nakarating sa Abra de Ilog Pier ng 4:00am. Sad to say na matagal pa kaming maghihintay ng dating ng barko dahil 7:00am pa raw ang dating ng barko at baka 8:00am na ito aalis.
Nakasakay naman kami ng maayos at nakaupo ng maayos dahil konti lang bumiyahe kaya mas okey kesa noong papunta kami ng Mindoro. Sigh!

19 comments:
Post a Comment