Nasaan ba talaga si Happiness?


Somebody asked me a while ago: "Happy ka ba Kuya?"
I told her: "Yes, happy ako!"

Pero doubtful siya the way I stared at her at syempre alam niya ang kalagayan ko ngayon. Well, maybe I am not and I am just pretending to be happy.

Sino ba namang tanga magiging happy sa kalagayan ko ngayon? Well, at least I can find happiness and I can still manage to smile kahit na alam ko na sobrang hirap ng katayuan ko. Humuhugot na lang ako ng happiness sa Mommy ko at sa mga taong nagmamahal sa akin.

Kahit sa mga simpleng poem na ginagawa ko, happiness na 'yun at sa mga texts na sinesend ko sa mga friends ko, happiness na 'yun. Ayoko nang maghanap sa mga taong wala nang magagawa sa akin habang buhay.

Masama ba 'yun?
Ipakita sa lahat ng tao
na masaya ako kahit deep
inside down na down na ako?

Totally now, sobrang dwon ako pero hangga't maari, pinakikita ko sa mga taong nagmamahal sa akin na kaya ko sa kabila ng mga hindi magagandang balita at mga sinasabi sa akin. I am pretending to be okey kahit obvious na hindi talaga.

May mga tao kasing akala nila alam na nila ang lahat. Gusto ko nang manahimik at kalimutan ang lahat kahit pa gaano sila naging kaimportante sa buhay ko. At sana hanggang kamatayan, dalhin ko ang kalimutan sila. Sana!

Hinahanap ko ba si happiness? Hindi naman! Title lang 'yan. Happiness - 'yan ang mga taong nagmamahal sa akin at mahal na mahal ko rin. Wala na akong ineexpect pang iba! Wala na!

post signature

9 comments: