Daan Tayo sa Barasoain!


Dumalaw ako sa Santos General Hospital sa Bulacan para kumuha ng nga cases namin kasi nag-iipon na kami kasi graduating na rin kami kahit papaano.

Habang pauwi ako ay nkuha ko na ang mga cases ay may namataan akong isang lugar. Sabi ko, "Pamilyar ang lugar na ito ah! Ito 'yung nasa sampung piso hindi ba?". Napangiti lang ang katabi ko sa jeep tapos bumaba na ako.

Tama nga ako! Barasoain Church (also known as Our Lady of Mt. Carmel Parish) nga ito! Natawa lang ako at syempre naglagalag na naman. Minsan lang naman ako makaraan sa mga lugar na ito kaya naman tinry ko na pumasok sa loob. Sarado kasi ang simbahan kasi hindi araw ng linggo at wala namang simba.

Sayang nga lang kasi madalian lang. Hindi man lang ako nakaattend ng mass man lang kasi talagang gagabihin na ako.


Barasoain Church is the site of the Constitutional Convention of the first Philippine Republic, making the Philippines the very first Asian Government to promulgate a Constitution. It was the Seat of the First Philippine Republic on Sept. 15, 1898 to the last week of Feb. 1899 under the presidency of Pedro Paterno. In its convent the Universidad Literaria Cientifica de Filipinas was first housed. It also boasts of a light and sound museum under the management of National Historical Institute.


Nagfoodtrip na lang ako ng kikiam at burger na itinitinda sa may gilid ng simbahan. Nakakatuwa naman. Kahit papaano ay narating ko ang Barasoain Church na sa sampung piso ko lang dati nakikita.

Next time, I hope ay maka-attend naman ako ng simba dito. Iba pa rin ang nagsisimba pero at least nagdasal ako kahit papaano. Simple lang naman ang dasal ko e, "Diyos ko, gabayan mo po ako. Salamat!"

post signature

28 comments:

Who wants a "black sheep"?

My groupmates sa Festival Mall sa Alabang (daanan namin to R.I.T.M. duty namin)

Hindi naging maganda ang panahon sa akin sa pagpasok ng January. Akala ko pa naman Year 2009 : New Year. New Life. New Me. New People. New Inspirations. New Adventures! pero hindi pala! 2008 for me is such a very crucial year for me - sa mga naramdaman ko, sa mga pinagdaanan kong pagsubok at sa mga problemang hanggang ngayon ay dala-dala ko pa.

Hindi ako ganun kasi kagaling magdala ng problema. Very emotional kasi ako kasi wala naman talaga akong makakapitan e! I don't know I just feel I am all alone inspite sa mga suporta sa akin ng mga friends ko. Isa raw kasi akong pasaway at "black sheep" sa family ko. Pagdating kasi sa mga feelings ko, hindi ako ganun ka-open sa family ko kaya most of the times ay mga kaibigan ko ang mga kasama ko.

Nagtry ako na sumali sa The Magdalo (Official Student Publication of Emilio Aguinaldo College) para naman may magawa akong maganda last December at natanggap naman ako with all my effort sa interview pati ang on the spot exams sa pagsulat. Nervous pero masaya naman kasi part na ako ng student publication namin.

The Magdalo room

Alam ko na hindi ako ganun kagaling magsulat especially ng news but with the help of my new friends sa The Magdalo, nagagawa ko naman ang mga pinacocover sa aking mga news. Problema ko lang talaga ang mga kinocover kong sports kasi talaga 'bano' ako 'dun!

Last 2008, mga 10 beses lang akong nakapag-inom sa buong taon na iyon but now, parang napapadalas. Sobrang laki kasi talaga ng problem na naiishare ko lang sa mga friends ko kapag nakainom na ako. I learn how to cry in front of my friends kapag nakakainom ako unlike dati na talagang hindi ako nagpapakita na naiiyak ako.

This year ko lang nadiscover ang Beer Garden sa loob ng Intramuros. Marami pala doong mga studyante na nag-iinuman at nagkakasayahan. Sa isip-isip ko lang, "Pare-parehas kaya kami ng saloobin?" Okey naman ang place at mukang hindi naman magulo. Mga estudyante rin kasi mga andun at walang mga tambay.

Me with my Lunod Friends

Isa pang bisyo ko na hinding-hindi ko matanggal ay ang pagkain. Kaya nga hirap na hirap akong magpapayat. I tried na mag-gym pero namisinterpret ito ng mga parents ko dahil sa sulsol ng isang kinamumuhian kong tao sa balat ng lupa. Marami sa aking nagsasabi na wala raw akong karapatan na mamuhi sa taong iyon dahil marami naman siyang naga sa aking nagawa. For me, ano ba talaga ang nagawa niya sa akin? Wala naman e! Siya nga ang dahilan ng scar sa noo ko (happened on November 3, 2000 at 1:25pm) at hindi ko pa nakakalimutan ang saktong petsa at oras na nangyari 'yun sa akin. Ganun kasi talaga ako, mahirap makalimot sa mga kawalang hiyaan na ginawa sa akin ng taong iyon.

Nagbablog ako kasi dito ko lang naeexpress ang mga frustrations at feelings ko sa buhay. Bakit? Wala kasi talaga akong mapagsabihan e! Since highschool, nagbablog na ako pero ito lang blog na ito ang talagang naging pinakamatagal ko nang tahanan. Napunta na ako sa Xanga, Wordpress, Bravenet, Livejournal at pati Friendster ay pinatulan ko na para makapaglabas lamang ng saloobin. Ito lang talagang blog na ito ang nagstay talaga ako.

My groupmates sa bahay ng isang ka-group namin

Hindi ako masyadong nagsasalita sa bahay kasi ang mga kasama ko doon ay mga pinsan ko. Wala naman akong mapagkatiwalaan sa mga kapitbahay ko kasi itsitismis lang ako ng mga iyon. Buti pa rito... Kaya lang naman minsan hindi nagiging maganda ang pagbablog ko kapag dumalaw na ang
kinamumuhian kong tao sa balat ng lupa kasi wala talaga siyang gagawing maganda. Like now, galit sa akin family ko kaya wala akong allowance ngayon. Okey lang naman, sanay naman ako e! Basta hindi ako galit sa kanila, galit ako sa taong nagkakalat ng kung ano-ano sa akin.

Akalain ba ninyong naging bisyo ang paggygym ko? At siya pa ang nagkakalat na kaya nauubos ang pera ko ay dahil lagi akong nagpapaspa... Para sa kaalaman ng lahat, ang last ko po ay noong August 13, 2007 pa at hindi pa nasusundan 'yun. Ewan ko ba? Bakit walang ginawa 'yung hayup na 'yun kundi siraan ako!

Foods namin sa last day sa Batanggas Duty namin... Ako ang nagprepare ng baked mussels

Kasali pala ang section namin sa Graduation Ball kahit Octoberian pa kami... Akalain mo 'yun? Gagraduate na rin pala ako? Kailangan ko rin um-attend sa February 13, 2009 na play ng buhay ni Nightingale sa AFP Theatre pero wala pa akong pera at hindi na ako umaasam na makakapunta 'dun dahil sa perwisyong ginawa ng walang hiyang taong iyon! Pambawi ko pa naman sana sa mga make-up duties ko!

Isa lang naman ang gusto ko e! Sana pakinggan muna ako e. 'Yun lang! Kasi sumosobra na talaga. This week, kapag nagkapera ako ay uuwi ako sa province namin. I'll talk to may parents since hindi ako pumapasok ng almost 3 days sa duty at sa school kasi walang-wala na talaga ako.

I blog this because this is my last resort. Graduating na ako, saka pa nangyayari ito.

Pasensya na, ginagawa ko ito habang may amats ako at medyo nag-iiyak *hehe*

post signature

20 comments:

Sentiments of a Single....

Kanina sa class ay naging madrama ako... Ewan ko ba? Nakakahiya nga pero ganun talaga. When it comes to family ang topic kasi talaga ay very sensitive ako...

Actually, late ako ng 3o mins sa 8:00am kaya bad trip ako kasi nagsesentimiento na CI namin sa mga late comers. Syempre tahimik lang ako at medyo hiyang-hiya sa pagkalate ko. Since marami ang late ay parang nawalan ng gana ang CI namin kaya pinagawa na lang kami ng seat work.

Johari Window daw! Sabi ko, "Ano 'yun?". Since hindi pa naman kami nakakapgduty sa Mental Hospital kaya para kaming mga mangmang na walang alam. Ang Johari Window pala ay ginagamit madalas to know oneself or one's personality.

Marami akong natutunan sa activity namin na ito lalo na 'yung mga reaction sa akin ng mga classmates ko. Marami palang nakikita ang mga classmates ko sa akin na hindi ko alam or unconscious ako.

Sa Johari's Window, apat ang part nun :

Public - Aware : Alam mo na katangian mo na alam din ng mga kasama mo...

Blind : Aware : Hindi mo alam na napapansing katangian sa iyo ng mga kasama mo (sila ang magfifill-up nito)

Hidden : Sarili lang ang may alam at hindi masyadong napapansin ng mga kasama.

Unknown : Walang may alam.

Natatawa lang ako sa part ng Johari's Window sa pang-apat na part - 'yung Unknown. So dapat talagang wala kaming isusulat 'dun kasi walang may alam e! Hehe! Tama ba?

Pinafill-up ko ang mga classmates ko sa left-upper part ng window ng mga masasabi nila sa akin. Supposed to be ay dapat kong tanggapin ang mga sinusulat nila pero ewan ko ba? Mainit lang siguro talaga ang ulo ko.

Lalo nang tumaas ang anxiety level ko. Since nagkalabasan na ng mga saloobin sa isat-isa, medyo naiilang na ako sa aking mga ibang classmates. Pero ganun talaga, hindi naman maiiwasan na may mga two-faced ka palang kasama sa araw-araw mo sa school.

Ito ba talaga ang signs and symtomps sa pagiging single ko? Hayz! Hirap naman... Kasi bakit may love month pa e! Tuloy... Apektado akong masyado.

post signature

18 comments:

Love Month na Naman!

Hindi ko namalayan na February na pala! Ang bilis talaga ng panahon. I went now sa Robinson's Galleria at nagala-gala. Sa mga dinadanan ko ay nakita ko ang mga signs na Happy Valentine's Day at kahit saang sulok meron. Sa mga dinadaanan kong mga gift shops at mga bookstores ay ganun din ang nakalagay.

Tiningnan ko ang fone ko saka ko nakita na ang date pala ngayon ay February 1, 2009 na pala! Love month na pala. Naging sad na naman ako. You know why? Tataas na naman ang anxiety attack ko. Hayz!



Ang hirap pala ng maging single. Emo tuloy ako ngayon! Sa halip na maging masaya ako kasi malapit na ang March kasi vacation na naman, heto ako at nagmumuni-muni. Asking myself again why nawala ang mga minahal ko. Maraming nagtanong sa akin bakit ako nagpabaya or hinayaan sila na mawala sa buhay ko, ang sagot ko naman, "Ewan ko! Gusto nilang umalis e!".

May mga nagyaya nga sa akin ngayon na pumunta ng Beer Garden sa Intramuros, Manila pero sabi ko, "not now". Marami pang pagkakataon for that. May pasok din kasi ako bukas at short ako sa pera ngayon.

In-open ko ang pagiging loveless ko sa mga kaibigan ko pero ang sabi lang nila sa akin ay dadating din 'yan. Sana nga.... "Pero kelan? Kapag hindi na ako yummy?", 'yan lagi ang reply ko sa kanila. Haha! Kahit papaano ay nagagawa ko pa namang magpatawa kahit na problemado ako.


Buti na lang kahit papaano ay marami akong mga kaibigan na talagang ihinahanap ako ng mga kablind dates makalimot lang ako. Until now kasi ay hindi pa talaga ako nakakapag-move on.

Maybe masaya na siya sa panahon ngayon pero talagang hindi pa ako nakakamove on. Ang hirap kasi talaga kapag inakala mong siya na ang lahat-lahat at panghabang buhay mo. Hayz! Wala bang pwedeng maging inspiration diyan?

post signature

24 comments: