Paluan Kong Mahal....

Kilala naman ako ng mga kababayan ko sa buong Paluan, Occidental Mindoro sa pangalan ko pa lamang at sa apelyido na kalat na kalat sa buong bayan. Maybe nakilala ako ng iba dahil sa nakaraang Leksyon at mas marami naman ang nakatanda sa pangalan ko (for sure) bilang isang Editor in Chief ng CYMBO - Official Newspaper of Paluan Catholic Youth in Action Inc. na aktibo noon sa paglathala ng mga balita sa bayan namin. Nag-iisa lang ang CYMBO sa bayan namin.
So sad hindi na ito nagcicirculate ngayon for the reason that hindi na kasi ganoong aktibo ang mga sumunod na mga members ng PCYA Inc. sa amin. Kami kasi ay napunta na sa Manila para mag-aral at sa tuwing bakasyon na lang kami nakakauwi. Malungkot pero ganun talaga.
Pero magkagayun man, hindi pa rin ako tumitigil sa pagsulat ng mga saloobin ko tungkol sa aming maliit na bayan. Kaya kahit nasa Magdalo (Official Publication of Emilio Aguinaldo College Students) na ako ngayon ay isinisingit ko pa rin kahit mga poems or stories about sa bayan namin.
Maraming pinagmamalaking mga tanawin ang bayan namin.
- Unang-una na ang Calawagan River Resort (The Calawagan River in Paluan was adjudged the cleanest river in the country for the second straight year - 1998);
- Pati na rin ang Mount Calavite (Known as one of the two remaining areas where tamaraw [Bubalus mindorensis] could be found in the wild (the other being Mts. Iglit-Baco), this mountain is a haven of biodiversity - one of the few places in the Philippines where hikers have a good chance of seeing animals such as wild boar, deer, and yes, even the tamaraw, roaming on its grassy slopes) na naakyat na ng ilang mga Pinoy Mountaineers;
- Mainit Hot Spring (Hindi ko na naririnig);
- Ibat-ibang waterfalls - Batinglay Falls (Unahan ng Calawagan) -Bisay Falls (sa Baranggay Marikit) -Atuyan Falls -Calawagan Mini-Falls Crystal Clear River;
- Ignonok White beach;
- Mga diving sites like Igsuso Reef -Mahabang Buhangin Reef -Marikit Reef -Ignonok Reef Different Marine Species, Coral Reefs
At sa mga lugar na iyan ko dadalhin ang magiging bisita ko na kasama ko bukas pauwi ng Mindoro! 3 silang nagrespond sa invitation ko sa pag-uwi ko sa Mindoro. Sana ay magawa naming puntahan ang mga iyan.
At iba pang maipagmamalaki ng buong Paluan, Occidental Mindoro kaso talagang hindi pinag-uukulan ng pansin ng mga opisyal sa amin. Kung meron mang pansing ibinibigay, sa palagay ko ay kulang ito. KAsi sa tuwing uuwi kami at magbabakasyon, kung hindi man nagbago ang lugar for good, devastated ito.
Ipinost ko nga sa I Love Paluan Blog ang isang puna ng isa ring Blogger from our town na Paluan – The Sleeping Town para mabasa ng mga taga-munisipyo sa amin. Sad to say, hindi pala kasi walang internet connection sa buong bayan namin dahil nagloloko ang Smart Bro for almost 3 months now.

Nagkaroon ako ng post na nag-iinvite ako sa bayan namin (An Invitation) at 3 ang nagtext sa akin na willing sila na sumama sa akin to experience Paluan kahit papaano. I hope mag-enjoy sila para maganda ang feedback.
**********
Last Sabado de Gloria nga pala ay nagkaroon ng Blowout ang friend naming si Jesus Capinpin kasi grumaduate siya sa Far Eastern University - Morayta as Magna Cum Laude (B.S. Accountancy). Syempre full force ang barkada namin sa pagbati sa kanya.

23 comments:
Post a Comment