Ako ay laging EVEREADY!

Lumaki ako at nagkaisip dito sa simpleng bayan ng Paluan sa Occidental Mindoro. Kindergarten (5 years old) na ako noon nang magkaroon ng 12-hour na serbisyo ng kuryente sa amin kaya sanay na sanay kami at nabubuhay sa pakikinig ng radyo.


Isa sa mga natatandaan kong paborito ko noong bata pa ako ay ang "Gabi ng Lagim" at ang "Itong Inyong Tiya Dely" sa DZRH. Masasabi ninyong radyo lang 'yun pero takut na takot na kami lalo na kapag may mga sumisigaw na. Nakakatuwa kasi dahil sa radyong iyon, buhay na buhay ang aming imahinasyon. Napapaluha naman kami ng mga liham sa programang panghapon ni Tiya Dely.


Akalain mo, kinatandaan ko na ang transistor radio na ito? Buhay na buhay pa rin dahil sa Eveready batteries. Hindi pa nasisira 'yan!


Gamit na gamit ang flash light at radyo noon at hanggang ngayon dito sa aming bayan lalo na ng pamilya namin. Hanggang ngayon kasi (after 15 years) ay ganun pa rin ang serbisyo ng kuryente kaya malaking tulong ang Eveready batteries sa pang-araw araw naming pamumuhay.


Hindi mawawala sa buhay namin ang Eveready batteries lalo na sa bago kong aquarium. Ang bagong battery-operated air pump ay kailangang-kailangan dahil walang kuryente sa umaga.


Maparemote man 'yan ng TV or DVD, siguradong Eveready 'yan. Subok na eh!



Umulan man o bumagyo, o kahit sa normal na mga araw, lagi naming kasama ang Eveready batteries sa aming pamumuhay. Mapaflashlight man 'yan o radyo, sinisigurado naming Eveready ang gamit. Subok na tumatagal at hindi pumapalya.

Dito sa aming probinsya, basta't may Eveready battery ka, handa ka sa lahat ng panahon!

This is my Nuffnang entry for Eveready Philippines Blog Contest.


post signature
Share

7 comments:

My Christmas Wish This Year: A Nokia C7

I've faced so many hardships in life this 2010. So many failures and trials to start all over again. I failed so many times this year but I never surrender and tried again and again. I've lost some friends and those people who are so dearest to me this year but I gained more and more. I can never ever forget this 2010.

I've spent my 23rd birthday (last December 7) with my Mommy watching My Amnesia Girl and just strolling the mall. We're still happy 'coz we are together in my very special day. I am a materialistic person (most of the times) but I realized that there are things in this world that can't be measured by these material things. It's nice to know that my Mom's happiness counts a lot for me.

I realized that this is the season where there's nothing impossible. Maybe, there's still the real Santa who makes wishes come true.They say, dreams do come true... Same as wishes! For now, my Christmas wish this year is a Nokia C7. I just wish...

Everybody has a wish! I too have so many wishes. On top of it, it's Nokia C7.


I am still hoping for a better year to come with the new Nokia C7. I just hope I'll get it for I have been a good boy this year (except when necessary).

7 Things I love about Nokia C7:
  1. 3.5 inches touch screen panel with 360×640 pixel resolutions
  2. Power full Blue tooth
  3. 8 Mega Pixel camera with Carl Zeiss Lens and VGA for Front camera
  4. New improved Symbian 3 operating system (Symbian is the most popular OS and you won't regret with this OS infact you'll get amazing apps - I love apps especially games... :-))
  5. Wi-Fi connectivity cell phone (Better for me since my neighborhood got a Wi-Fi)
  6. Dual LED flashy light
  7. This cell phone is coming with new 1200mAh battery for giving best battery life
Watch this for more

 "The Nokia C7 is a companion, a friend, designed 
for people, it's a window without any physical 
obstacle in reaching your love ones, your friends, and others..."
-Thomas Ivaskevicius (Nokia Designer)

By the way, Nokia C7 is a fabulist smart phone best for people like me. Also suited for people who loves social networking sites like Facebook and Twitter.

post signature
Share

8 comments:

HaPPiness!

“We can be happy anytime once
we understand that the only place
we'll ever find genuine happiness
begins at the point of acceptance.”

Acceptance : The point when we
stop questioning why life can't be
perfect and just accept the world the way it is.

Sobrang emotional ako, nakikisabay sa panahon ng taglamig not just because I am single but also, lots of problems na dumating sa akin. Hindi ko na iisa-isahin pero it rocked my whole life at feeling ko, muntik na akong bumigay.


Thanks to those people especially my Mommy, Kuya and my friends na hindi ako iniiwan kahit na suplado ako at reklamador. I know na madalas akong may attitude kasi ganun na talaga ako.


If may problema ako, very vocal akong sabihin ito sa mga friends ko kahit na ano pa ito kasi I trusted them so much. I always believe that:

“Alam na alam ng mga
tunay mong kaibigan kung
paano ka sisirain pero hindi
nila iyon gagawin kailanman”

I always trust my friends kahit alam kong ikakasira ko ang mga ‘yun and I found out that I only have fewer real friends. I thought, nasa libo sila sa bilang ‘cause kahit ganito ako, friendly naman daw ako. Pero at least nasala ko na ang mga friends ko at alam ko na kung sino sa kanila ang mga maaasahan ko.

Noong birthday ko, kasama ko sa celebration ang Mommy ko. Happy na kami na magdate kami – kumain kami lang dalawa, magala sa mall at manood ng sine. Happiness na ‘yun kasi kasama ko naman ang pinakaimportanteng tao sa buhay ko ngayon.

Pagbukas ko ng Facebook ko, marami rin akong natanggap na comments from my wall pati na rin sa message box ko. Though hindi lahat maganda ang mga words na sinasabi sa pm, okey lang…

Hindi pa natapos ang birthday ko kasi nakasama ko sina Ate Anna, Kuya Noel at Ate Abie na ilan sa mga kaclose ko talaga. Nagkita kita kami sa Market Market sa Taguig kasi akala ko simple dinner lang kasi minsan na nga lang magkita-kita. ‘Yun pala ay gala talaga!

First time ko nga palang makagala sa Bonifacio High Street at talaga palang magandang galaan ‘yun. Hindi ko kasi naaappreciate kasi madalas akong dumaan dun kapag araw. At kapag ginagabi naman kami ay sa Market Market lang kami.

Simpleng dinner lang sa Pier One courtesy by Kuya Noel na isa ring nagbirthday kasabayan ko. Magaling ang banda nilang Daughters 5 kasi all girls band group sila tapos lahat ng instruments meron sila. Kakabilib sila kasi sobrang nag-enjoy kami!

After noon ay naglakad-lakad pa kami at nagcoffee sa Bo’s Coffee courtesy naman ni Ate Anna. Hindi man ako mayaman, mayaman naman ako sa mayayamang kaibigan. Haha! Mayayaman sila sa pagmamahal at pagtitiwala sa akin that’s why sobrang mahal ko rin sila. Hindi ako mahilig sa coffee pero okey na rin. Marami na kasing beses kaming nagStarbucks, Seattle’s Best, etc. pero talaagang hindi ko gusto ang coffee. Milk pa pwedeng-pwede sa akin! Haha! Mas gusto ko ang milk kesa sa coffee pero pwede na rin ang chocolate.

Malapit nang magPasko, dapat HaPPiness na! It’s not nice for me na magpakasenti pa at maging negative pa. I still have so much reasons to smile though napakabigat talaga ng problema ko.

I am just hoping na maging okey ang 2011 sa akin pati na sa Mommy ko at Kuya ko. I am starting to erase those people na alam kong never nang magiging okey sa akin. So far, I feel better today and hopefully tomorrow and to the coming years of my life.


post signature
Share

3 comments:

Maexcite! Matuwa! Matuto : A Party Pilipinas FUN Workshop

Isa na ito sa mga most memorable experiences ko sa buhay. I never imagined of being a singer, pero ilang beses na akong sumali sa choir at never pang natry magsolo kahit sa isang videoke bar. Anyways, nagset si Direk Rico Gutierrez (ng Party Pilipinas) ng isang FUN workshop para sa mga Party Pilipinas fans na gustong lalong mahasa ang kanilang talento sa pagsayaw, pagkanta at sa hosting.

Syempre nagpost naman ako sa New OpinionAided (Facebook) na intereasado akong sumali since wala naman akong ginagawa at saka for experience na rin. Una kasing pumasok sa utak ko, picture taking with the stars specially, La Diva ang magtuturo for the voice workshop.

As early as12:30pm ay nasa GMA7 na with some of the participants. Syempre excited pero habang lumalapit ang oras ng workshop, grabeng kaba ang naramdaman ko. Kasi kahit madalas akong kasama ng choir kumanta, iba pa rin kasi kapag solo.


Noong nagstart na naman ang workshop ay hindi na ako kinabahan kasi very friendly ang mga tao sa loob. Idagdag pa natin ang La Diva na napakabait at very accomodating sa mga participants. Hindi ka mahihiyang lapitan sila kasi napaka approacheable.



Kumanta muna ang La Diva ng "Angels Brought Me Here" bago nagstart ang workshop. Iba't ibang mga tips at mga karanasan nila tungkol sa pagkanta ang ibinahagi nila sa mga participants. After nun ay nahati kami sa 3 grupo at ang mga nagstand out doon ang kinuha para sa Dec. 26 episode ng Party Pilipinas ilalabas. Hindi ako kasama pero masaya na ako sa bonding with La Diva especially Jonalyn Viray kasi siya ang naging voice coach ng group namin.




Natutuwa naman ako kasi sa group 3 ako kung saan si Jonalyn Viray ang coach namin. Soprano group kami kaya medyo mahirap pero nakakatuwa na naaabot naman namin ang nota ng kinakanta namin. Iba na rin talaga kapag may nagtuturo.

Sila ang tatlong napili na magperform sa December 26 episode ng Party Pilipinas. Congratulations guys and goodluck!


Isang masayang salu-salo after naman ng workshop. Sinamahan pa kami sa pagkain ng La Diva. Sobrang saya kasi sobrang bait nila kaya for sure mamahalin mo silang tatlo sa La Diva.

Thanks Direk Rico Gutierrez for that memorable day! I really really love it! Hanggang sa uulitin!


Kindly watch Party Pilipinas on December 26, 2010 kasi makikita ninyo kami doon for this workshop. :-)

post signature
Share

4 comments:

It's my Birthday!

Nakadalawang countdown posts ako before my birthday. 'Yung una ay ang 7 days before my birthday at 'yung sumunod ay ang 2 days before my birthday.

And today, birthday ko na.... No excitement, no happiness! Just NR (No reaction). I want to make this day sa regular day. I still need to be thankful at least buhay pa ako and that's it. This isn't special anymore. 'Yun lang!


I thought, something will happen yesterday pero nawala lahat ng hopes ko. Hindi dapat ako nag-eexpect kasi alam ko sa sarili ko na wala nang mangyayari. I just need to accept that plans change and people change.

Thanks for those people na nakaalala ng birthday ko. I appreciate it a lot! Salamat!

What I want today?

I don't need surprises... 
I just want to be alone... 
I want to be alone... 
All alone!

I am so much in pain right now...


post signature
Share

3 comments:

2 Days Before my Birthday : My Birthday Wish!


2 days na lang birthday ko na! Excited? Pwedeng OO, pwede ring HINDI. Almost every birthday ko naman ay talagang senti ako at very emotional. Last year na birthday ko at saka ngayon ang isa sa mga pinakadepressing. I don't know...

For almost 23 years of my existence here on earth and since nagkamalay ako at nagkagusto sa mga materyal na bagay, nahumaling ako sa iba sa kanila.

Ilan sa mga wish ko:

LOVEBIRDS - Bago mamatay ay Daddy ko ay marami akong pares ng lovebirds na alaga sa Mindoro pero since nawala na siya ay naubos na rin ang mga alaga ko.


Any DSLR camera since I love taking photos. Masaya na ako kasi may libangan na ako.

iPhone4 para naman magkaroon ako ng new phone. Mahilig kasi akong magtext at mag-internet sa phone. Hehe!

iPad , syempre kungmay iPhone, may iPad rin! Since wala na akong laptop, at para hindi na rin ako manghiram pa sa Mommy ko ng laptop niya.

AROUND THE WORLD TOUR , kung pwede nga lang sana, why not!? Haha! Kahit saan naman ako pwede, basta masabing nakarating ng ibang bansa. Kakatuwa na 'yun!

LOVELIFE , anyone pwedeng makasama habangbuhay? Haha! Simple lang naman ako at cheerful! For sure, mapupuno ng hangin ang bituka mo sa katatawa.

Hindi naman ako masyadong materialistic. Simple lang regalo at greeting, masaya na ako! Mababaw rin naman kasi ang kaligayahan ko. Katunayan nga niyan, ilang friends ko ang inobliga ko na gumawa ng banner greeting sa akin. Just for fun lang, para maging masaya na ako.

These are just wishes. Kung hindi matupad, e 'di okey! Pero kung matupad... E 'di very good! I'll still be happy kasi kahit papaano ay buhay pa ako kahit na mahirap ang buhay at talagang nakakadepress ang mga nangyayari sa akin ngayon.

post signature
Share

6 comments:

It's Officially 7 Days Before my Birthday!

Mukha ba akong excited? Not really....


Ilang taon na ako? Secret... Bale, magpaPasko raw noon at kakatapos lang ng Martial Law nung ipinanganak ako... Ang taba-taba ko raw nung ipinanganak ako at ang cute-cute ko... Sana hanggang 'dun na lang ako... :'(

Noong bata pa ako, excited na excited ako kapag nalalapit na ang birthday ko. Kasi magkakaroon na naman ako ng bagong gamit at iba pang regalo. Hanggang sa tumuntong ako ng college at after graduation... Unti-unti ko nang kaayawan ang pagdating ng birthday ko... Nakakadepressed :'(

December 7, 1987 ako ipinanganak...
2010 na ngayon...

so 

2010
- 1987
22 na ako!
Ahemm... 23 na pala!

Any plans for my birthday? Ah-uh! Wala na akong plano, baka madepress lang ako. Gusto ko lang mapag-isa for my birthday. Magsisimba tapos magmumukmok.

Any wishes? Not for me... Just for my Mom. Na maging masaya ang Mommy ko. In almost a month na nasa Mindoro ako with her, almost everyday akong umiiyak... Because kitang-kita ko na nahihirapan na Mommy ko sa pagtatrabaho but she keeps on working for the two of us pati na rin sa kasama namin sa bahay na isang mangyan.

I thought, 2010 will be a great year for me and my family... I was wrong... It's the worst for I have faced the biggest trials in my life this year. I am just hoping that the next year of my life will be better for me and my Mom and my brother. They are the two most important person in life. Nothing more, nothing less...


post signature
Share

6 comments:

Trying to have "A New Beginning"

Every person around you is going 
to hurt you at some point of time.... 
But it's up to you to decide what's important.
The PAIN or the PERSON?

Ilang beses na akong nagstart sa lahat ng pagkakadapa ko! Ilang beses na rin kasi akong nadapa sa pareparehas na pangyayari. Hayz! 'Di na kasi nagtanda! Pero this time, mas malalim... At sinabi ko sa sarili ko, na "I'll never cross that line again".

Umaamin naman ako kapag nagkamali ako. I know how to say sorry when it is really necessary... But for now, hindi ko gagawin 'yun. I know na wala akong ginawang masama and they judged me already after all... Para saan pa? Right?!

I just need to move on. Move on from those stupid mistakes that I have done. Sigh!

Having mistakes doesn't mean that you're a bad person... It's part of your life. You don't have to focus on the wrong things that you've done because what's important is.... You've realized what is right!And I am right... Hindi ako nanakit at nagsabi ng masama tungkol sa kanila. They're in group, mag-isa lang ako. But the hell I care...

Sad na malapit na birthday ko :'( Mas lalong sad kasi magpaPasko... But it's okey... I totally erased them to my life. None of them will hurt me again kasi tinanggal ko na sila sa sirkulasyon ko. I allowed them to enter my life before... but I was wrong to let them in. May mga bagay kasi sa mundong ito na kahit anong gawin mo, they will always judge you and make you feel you're the worse.

And now... "A New Begining" na naman! Okey lang naman. At least, I still have the chance to start a new. Nakakapagod pero ganun talaga.



Just like 'yung mga alaga kong manok dito sa Mindoro. Parang kelan lang nang dumating ako rito at bago pa lang nangingitlog ang alaga kong manok at ngayon, inabutan pa ako ng pagpisa ng itlog dito. Haha! Nakakatuwa kasi parang mas excited pa ako sa inahing manok na makita ang mga sisiw since napanood ko ang pagpisa ng itlog na wala 'yung inahing manok.

Last November 1, dumalaw ako sa sementeryo... Hinintay ko muna na halos mawala ang mga tao and try asking my Dad (almost 1 1/2 years ng patay) about sa mga nangyayari sa akin. It's so hard to accept 'yung pagkamatay niya since ang dami niyang plans for me and ang dami naming plans ng Mommy ko for my Daddy. None of those ang nangyari kasi namatay siya bago ako grumaduate.

And now... Wala na siya, it's hard to plan again... Since those plans ko before ay parang wala nang saysay. Honestly, I don't know kung bakit buhay pa ako. I always have questions in my life ngayon... 'Coz I am always thinking that I am a total failure. The only reason for me to stay here in this world is my Mom. Para sa kanya na lang kaya ako nabubuhay. I just want to make my Mom happy... and that's it. No plans for myself na.

My life is a failure. Sa process ng DABDA, nasa 1st A pa rin ako... ANGER! Pero kahit slow, I am still thinking na magmove forward to it. Hayz :'(

God, please help me... I am so much in anger.. I can't feel the pain. I am so numb...




post signature
Share

7 comments:

Ano ang gusto mong matandaan ng tao tungkol sa iyo kung sakaling ikaw ay sumakabilang buhay na?

Since halloween at usong-uso ang mga kwentong tungkol sa kamatayan, ang question ko sa inyo ay tungkol rin sa pagkamatay pero on a lighter degree dahil hindi ito katatakutan.

I asked some celebrities/artists at ilan sa kanila ang sumagot sa question kong ito:

KC Montero: that i was always fun and the life of the party. with an obsession with twitter

Alessandra de Rossi: na ako ay mabuting tao, hindi makasarili, hero ng bayan. chooooz. 



Kat de Castro: that I did my best in spreading good vibes to Filipinos all over the world. That I made them proud through trip

 
Tim Yap : na sa aking maikling buhay ay marami akong napaligaya, at naging mahusay ako sa lahat ng larangang aking pinasok, at higit sa lahat, na ako'y isang mabuting kaibigan at anak.


Sarah Lahbati: Hi sorry! I'd like them to remember that I inspired them by my music and acting. =)


Napakadali talaga ng buhay! Walang kasiguraduhan ang bawat minuto na itinatakbo nito. Ang kamatayan kasi ay walang pinipili, matanda man o bata.

Sa mga taong iiwan natin sa mundo, maaaring makalimutan nila ang ilang mga bagay-bagay pero may mga bagay silang hindi kailanman makakalimutan hanggang sa pumanaw. Kaya ang tanong ko sa inyo, "Ano ang gusto mong matandaan ng tao tungkol sa iyo kung sakaling ikaw ay sumakabilang buhay na?"

Kung ako naman ang tatanungin ninyo tungkol diyan... Gusto kong maalala na taong "Punong-puno ng pangarap para sa mga mahal na mahal kong Mommy at Daddy ko". Kahit wala na ang Daddy ko sa mundong ito... Lahat ng mga pangarap namin ay pagsusumikapan kong matupad at abutin.



post signature
Share

3 comments:

Ating Tikman ang lasa ng Paluan!

Kung pagkain lamang ang labanan, masasabi kong mararaming pagkain na kakaiba at dito lang sa aming bayan sa Paluan, Occidental Mindoro makikita! Sa PAHAGO FESTIVAL (other term: Pakain/Kainan Festival) pa lang namin, malalaman ninyo na mahihilig ang tao rito sa amin na kumain.

SUSONG-KALABAW - Mukha raw kasi talaga siyang "suso" at kaya naman idinikit ang word na "kalabaw| ay dahil sa malaki siya. Just like sa kinalabaw na mangga. Haha! Mapula at malambot siya na may buto sa loob... Manamis-namis na may konting asim ang lasa niya!


UOK - Mukha siyang malalaking "uod" na nakikita sa puno ng "Dungon" and tastes like chicken daw sabi nila. I tried it once pero talagang maselan ako sa pagkain e! Marami namang mga kaibigan ko ang nagustuhan ang lasa niya kasi ipinasasalubong ko 'yan madalas. Mataas nga lang sa kolesterol kaya hinay-hinay lang sa pinagbabawalan niyan.

Fresh pa at bagong deliver mula sa mga mangyan.

Bagong luto sa kawali. Nilagyan lang siya 
ng tubig at konting asin para magkalasa.

BUNGGAN - Alam ito ng mas nakakarami as "Pandaka Pygmea" o ang pinakamaliit na isda sa buong mundo. Madalas na luto rito ng mga tao ay ang pinangat. Ang bunggan na ito ay kadalasang ibinabalot sa dahon ng saging. Sa kaso naman nito, dahon ng araro ang gamit kasi masarap daw ang lasa ng pinangat na bunggan na ito kapag ito ang ginamit.



KUHOL - Maraming lugar sa Pilipinas ang may kuhol pero what makes this kuhol so special, ang "pako" or fern sa English. Parang ginataan siya na ang vegetable na halo ay ang fern. Masarap siya kasi bigay lang ng Tita ko at siya rin ang nagluto.



Napakarami pa ng pagkain na dito lang sa Paluan ko nakikita. Kadalasan ng mga isinasama ko ditong bisita na blogger or kaya friend ko riyan sa Manila aay pinatitikim ko ng kahit na ano sa mga iyan. Seasonal din kasi mga pagkain na iyan.

Ilan lang ang mga iyan sa napakaraming pagkain na ibablog ko next time kapag nakakuha ako ng pictures ng mga ito.


post signature
Share

21 comments:

Pagbabago

Noong bata pa ako, ang buhay ko ay kay payak.
Hindi tulad sa ngayon, marami nang ginagayak.
Pero ano ba ang ang mas masaya, buhay ko noon o ngayon?
Katanungang aking dadalhin sa dako pa roon.

Hindi na maiiwasan ang pagkukumpara
Sa naging buhay ko noon hanggang ngayon.
Dahil sa pagbabagong hindi na maiiwasan
Dahil ito ang normal na takbo ng panahon.

Maraming beses nang nagbiro sa akin ang tadhana.
Pagbibirong muntik nang sumira
Sa pundasyon ng aking pagkatao
Ngunit hanggang doon lang iyon.

Alam kong normal lang ang mga pagsubok
Dahil dito nalalaman kung gaano tayo katatag.
Kaya piliting maging matiyaga
Para kahit papaano ay pwedeng magawa.

Ipakilala ang sarili sa mundo
Sa mga magagandang gawain
Dahil wala namang nakikilala sa salita,
Madalas ay tumatatak dahil sa kanilang ginawa.

Sabi nga nila, "Walang permanente sa mundo kundi pagbabago".
Ang tanging magagawa ay makisabay patungo
Sa magandang hinaharap ng ating buhay
Na kahit sino man sa atin ay hinahanap.

Marami akong natutunan sa lahat ng pinagdaanan ko
Na mahalaga ang bawat oras sa mundo
Ang mga gintong panahon kapag nagdaan,
Hindi na maibabalik magpakilanman.

Ang buhay ko'y parang isang bukas na aklat;
Ano mang makita mo ay siya mong makukuha.
Pero huwag naman sana akong husgahan ng basta-basta
Dahil sa napakarami kong pagkakasala.

Dati noon, akala ko'y kaya kong mag-isa.
Hindi pala, kailangan ko ng tulong ng iba.
Tulad ng tibay ng isang abaka,
Wala ring lakas kapag-nag-iisa.

Ako ma'y umibig na at nabigo.
At hindi ito dahilan para ako ay tumigil
Okey lang naman na umaray
Dahil lahat naman tayo ay nasasaktan.

Kung tayo ma'y nakakaranas ng hirap sa ngayon,
Matutong magtiis dahil alam naman natin
Na ang mga taong nagtitiis sa hirap
Ay may ginahawang hinaharap.

Hanggang sa mundo ay hindi tumitigil,
Huwag kang susuko at magbahag ng buntot.
Dahil tayo ay may kasabihang,
"Habang may buhay, may pag-asa".

Sa mga pagbabagong ito, hindi kailangang maging matigas.
Dahil madaling bumaluktutin ang malambot.
Utak ay laging gamitin dahil ito'y parang itak,
Na sa habang hinahasa ay tumatalas.

Sa pagbabago, huwag kalilimutan ang nakaraan
Dahil maaari mo itong magamit sa kasalukuyan.
Sa mga problemang kakaharapin pa,
Madali nang malalampasan kapag napagdaanan na.

Ako, ikaw, at tayong lahat na nabubuhay dito sa mundo,
Tayo lahat ang ang makakatupad ng ating mga pangarap.
Huwag nang umasa sa magagawa ng iba,
Dahil tayo ay ang mga arkitekto ng ating kapalaran.

Pilipino, alam kong malayo ang iyong mararating!
Tibay ng loob at tiwala sa Diyos ang kailangan.
At upang marating ang tugatog ng tagumpay,
Sipag at tiyaga ang gawing hagdanan!

Mga Pilipino nga'y mga bayani
Mga bayaning kapag nasusugatan
ay lalong nag-iibayo ang tapang.
Kaya sulong Pilipino sa magandang pagbabago!


post signature
Share

34 comments:

Gadgets and Tech’s First Annual Phone Raffle Contest

I always bring cellphones with me anywhere I go. I am so confident that I will never be lost if I will have a cellphone with me. Cellphones since my highschool days became so important for me since this is the only medium of communication especially to my Mom in the province. It will be helpful if I will win Gadgets and Tech's First Annual Phone Raffle Contest. Additional phone for me :)

Gadgets and Tech has launched it’s First Annual Phone Raffle Contest! Prizes at stake is the new Samsung GT-E1175T. In addition to the Samsung GT-E1175T phone, Gadgets and Tech will include a PHP 2,000 gift card from Power Mac Center. Promo started last July 16 and will run until July 31, 2010 at exactly 11:59 PM.



Samsung GT-E1175T Specifications and features:
Dual Band 900/1800 MHz
Type 1.52″ 65K CSTN
Resolution 128×128 pixels
40 Poly Ringtone
Operation System Samsung Proprietary
Messaging SMS, MMS
Battery 1000 mAh
Dimensions 108.7 x 46.1 x 14.1mm
Weight 72 g
Torch Light
Fake Call
SOS Message
FM Radio


You can still join this contest. This will end tomorrow night. So hurry! Make your own blog entry... You'll never know. You might get it?! This is the  link of the contest : Gadgets and Tech’s First Annual Phone Raffle Contest


post signature
Share

59 comments: