Ako ay laging EVEREADY!
Lumaki ako at nagkaisip dito sa simpleng bayan ng Paluan sa Occidental Mindoro. Kindergarten (5 years old) na ako noon nang magkaroon ng 12-hour na serbisyo ng kuryente sa amin kaya sanay na sanay kami at nabubuhay sa pakikinig ng radyo.
Isa sa mga natatandaan kong paborito ko noong bata pa ako ay ang "Gabi ng Lagim" at ang "Itong Inyong Tiya Dely" sa DZRH. Masasabi ninyong radyo lang 'yun pero takut na takot na kami lalo na kapag may mga sumisigaw na. Nakakatuwa kasi dahil sa radyong iyon, buhay na buhay ang aming imahinasyon. Napapaluha naman kami ng mga liham sa programang panghapon ni Tiya Dely.
Akalain mo, kinatandaan ko na ang transistor radio na ito? Buhay na buhay pa rin dahil sa Eveready batteries. Hindi pa nasisira 'yan!
Gamit na gamit ang flash light at radyo noon at hanggang ngayon dito sa aming bayan lalo na ng pamilya namin. Hanggang ngayon kasi (after 15 years) ay ganun pa rin ang serbisyo ng kuryente kaya malaking tulong ang Eveready batteries sa pang-araw araw naming pamumuhay.
Hindi mawawala sa buhay namin ang Eveready batteries lalo na sa bago kong aquarium. Ang bagong battery-operated air pump ay kailangang-kailangan dahil walang kuryente sa umaga.
Maparemote man 'yan ng TV or DVD, siguradong Eveready 'yan. Subok na eh!
Umulan man o bumagyo, o kahit sa normal na mga araw, lagi naming kasama ang Eveready batteries sa aming pamumuhay. Mapaflashlight man 'yan o radyo, sinisigurado naming Eveready ang gamit. Subok na tumatagal at hindi pumapalya.
Dito sa aming probinsya, basta't may Eveready battery ka, handa ka sa lahat ng panahon!

Share

This is my Nuffnang entry for Eveready Philippines Blog Contest.

Share
7 comments:
Post a Comment