The Patients, Staff and Me

I am so happy na kahit malungkot ay natapos na namin ang aming rotation sa Guadalupe Nuevo Lying-In Clinic at sa Manila Naval Hospital naman kami ngayon.

It is our first exposure sa totoong ginagawa ng isang nurse unlike sa previous 2 rotations namin sa Pasay City at sa Quezon City. At least talagang ramdam na ramdam ko na ngayon ang pagiging nurse sa pagkakaroon ko ng cases. Yehey!

16 comments:

My Memorable Experiences at Guadalupe Nuevo Lying In Clinic!

Marami akong hindi makakalimutan sa Guadalupe Lying-In Clinic lalo na at ito ang isa sa mga first experience ko at exposition ko sa General Nursing Unit.

Isa sa mga hindi ko makakalimutan ay ang mga patients na talagang mayroong mababait at ang iba naman ay masungit na kapag manganganak. Syempre magle labor na sila at ang sakit-sakit ng kanilang pakiramdam kaya minsan ay hindi na nila naiiwasang makasakit pa. Hehe! Okey lang naman 'yun sa amin kasi ganun talaga ang buhay nurse. Just accept it.

Me with the newest Mommy

Isa rin sa mga pinagpawisang parte sa Lying in na ito ay ang pagcocord care ko. Huh! Ang dami kasing ginagawa ng cord care kaya talagang nakakakaba at saka infant talaga at delicate pa kaya kailangan ay laging careful.

Ang hirap pala talaga ang mag-cord care, kakakaba!

Una akong naghandle at talagang ganun pala talaga kapag nanganganak. Hehe! Mixed emotions ako kasi ito ang first ko lalo na nung nakita ko na 'yung ulo ng baby na lumabas sa pwerta ng nanay. Well, ang saya saya ko!

Suctioning na! Hehe.... Happy Birthday Baby!

Isa sa mga pagsisisihan ko ay kapag nawala ako sa group na ito. Minahal ko na ang Group namin ng sobra kasi talagang naramdaman ko ang bonding naming lahat especially si Ryan na akala ko ay tahimik pero naging makulit na. Hehe!

Group D sa Admission area ng Lying In

Hayyy! Mamimiss ko talaga ang rotation naming ito ang we hope na makabalik pa ulit kami dito kahit na alam namin na once lang talaga kami dadaan sa Guadalupe Lying In at ieexpose naman kami sa ibang lugar.

Mamimiss ko talaga ang place pati na 'yung mga mababait na staff ng Guadalupe Lying In Clinic!

15 comments:

Toxicated Life : The Beginning

Marami ang nagsasabing mahirap mag nursing! Totoo naman. Mahirap talaga lalo na kung wala ka naman talagang hilig.

This past 3 weeks, talagang halos hindi na ako nakakapag update ng mga blog ko. Talagang ang daming kailangang ipasa kasi Finals na rin at kailangang tapusin lalo na ang duty namin sa Guadalupe Lying-In Clinic .

Isa pa naming problema 'yung duty namin sa Pasay last August kasi hindi kami naka comply ng mga requirements sa kanila tulad ng CDX at ang mga individual requirements tulad ng Nurse's notes, Family Nursing Care Plan (FNCP), Initial Data Base (IDB) at iba pa.




Hayyy! Sana matapos na itong lahat para naman maging masaya na ulit at makabalik ako ng normal sa Blogosphere!

Pero kahit papaano ay may mga maliliit na Adventures pa rin akong nagawa like 'yung first na pagpunta ko sa Malabon last Wednesday para makipag adventure at ang pakikipag meet ko kay Bert Baltazar na isa sa pasok sa Top 10 sa Community clicks ng Community ko sa Mybloglog.com Para sa kaalaman ng marami, friendly meeting lang po ito at walang kung ano pa kahit alam ko na marami sa inyo ang nakakakilala kay Bert Baltazar at sa blog niya. We're just friends you know?!

So far ay hindi pa naman ako sumusuko sa mga ginagawang ito kasi happy ako at alam ko na start pa lang talaga ito.


Hehe :) Wala lang! Namimiss ko na ang mga friends ko dito sa blogosphere. Basta promise pagkatapos ng mga nakakapagod na gawain na ito, may pahinga naman. Last day na namin bukas sa Guadalupe Lying-In Clinic at may farewell party kami sa mga nanganak doon at sa ward at ang next rotation naman namin ay ang Manila Naval Hospital. Goodluck na lang talaga kasi mga army ang aming aalagaan this time. Huh!

6 comments:

Have you encountered a Mythemaniac!?

Ang tagal tagal ko nang hindi nakakapagnet at nakakadalaw especially sa mga blogger friends kong sina Southdude, Josh, Nice, Redlan, Trizzz, Desert69, Makoy, Blogadikted, Chase, at iba pang hindi ko nabanggit.

Matagal na akong hindi rin nakakapagtext sa iba kong mga textmates for the reason na talagang busy ako these days dahil hanggang gabi nga ang duty ko at minsan ay inaabot pa ng madaling araw kapag nagkataon na may manganganak pa ng ganoong oras para lang magka case kami.

I opened my friendster account last week week and this message surprised me and made me hindi mapakali at makatulog.



Huh!? Is this true? I know myself much better than this one na walang magawa kundi magkalat ng kung ano anong tsismis tungkol sa akin. Kung kelan ako busy sa duty ko at walang time sa pakikibalita sa mga kababayan ko ay ito pa ang lumabas na mga tsismis tungkol sa akin.

Mythemaniac! 'Yan ang tawag ko sa taong magawa kundi siraan ako sa mga kababayan ko. Bakit ba masyado silang bitter sa akin?

Naaalala ko tuloy noong May 2007 Elections kung saan naging matunog ang pangalan ko sa mga kababayan ko at laman ang pangalan ko ng huntahan at tsimisan ng mga taong walang magawa sa bayan namin. Akalain mo bang sa isang simpleng essay about my town entitled "Why I sometimes hate Paluan" ay isa sa dahilan para hindi ako makauwi at makaboto sa bayan namin dahil kung ano anong issueng lumabas about me?

Sure ako na hindi lang ito ang mga lalabas na mga balita about sa akin para hindi na naman ako makauwi sa pinakamamahal kong bayan this Semestral Break sa last week ng October. E 'di hindi umuwi... Epal talaga kung sino man ang source ng mga balitang ito.


Basta alam ko sa sarili ko kung ano ang tama at wala akong ginagawang masama! Masyado kayong makakati ang dila at walang magawa kundi pabagsakin ang alam ninyong nasa taas ninyo. Sorry... Pero hindi ako lelevel sa inyo. Wala akong pakialam kung graduates na kayo at mga professional, kung ganyanang mga pag-uugali ninyo, wala pa rin kayong pinagkaiba sa mga taong nagpupulot ng basura. Ouch! For sure ay kakalat na naman ang ipinost kong ito sa kung kani-kaninong emails. Pero sorry, tao lang ako at nasasaktan rin sa mga pinaggagagawa ninyo.

Sana tumigil na kayo sa pagkakalat ng kung ano-anong balita tungkol sa akin kasi napipikon na ako. Wala akong ginagawa sa inyong masama!


Sa mga patuloy na sumusuporta at nagtitiwala sa akin, Salamat! Syempre thank you pa rin sa mga madalas magcomment sa blog ko at 'yung mga sumasama sa mga adventures ko tulad nina Kingdaddyrich, Coldman, Junelle, Gwapasila, Hxero at iba pang hindi ko naisama sa list.

13 comments:

Remembering BIVOUAC...

I have so many things na ikekwento kapag ang usapan na ay ang mga stories noong highschool. Isa na sa mga hindi ko malilimutan ay ang BIVOUAC! Naisipan ko lang kasing ipost ang mga pictures na ito nang minsang manhalukay ako ng mga luma kong gamit sa cabinet ko at ang mga nakita ko ay ang mga high school pictures ko na nagbalik ng mga good at bad memories noong high school days pa.

Ang BIVOUAC ay isa sa mga programs ng Rizal Technological University - Laboratory Science High School CAT 1 sa mga cadets nito. November 'yun ng 2003 at lahat kami ay mga graduating high school students.

Wala lang... Gusto ko lang ibalik 'yung ibang mga memories noong high school ako.Ang saya saya kasi lalo na ngayong namimiss ko na naman 'yun. Kelan kaya ang reunion namin?

Wala lang! Natuwa lang ako sa finger ni Allen. (From left : Ako, Fer Andrew, Arvin, Allen at JC)

Sa barracks naman ito at naghahanda na para matulog. (From left: Ako, JC, Andres, Eldie, Daniel at Jaymark)

Picture-picture with the army... Hehe! (From left: Tope, Carlo, Nikki, Regie and Me ; Background ang mga army... Hehe!)

Sa mga batchmates ko na makakakita ng post na ito, sana maalala naman ninyo ang mga memories na tulad nito. If may pictures pa kayo sa BIVOUAC ay sana maisend ninyo sa email ko. Thanks!

7 comments:

Knowing Super S

Super Sabaw... Super Sawsaw.... Super Singit... Super na Super... Super Sungit...Super Stalker at iba pa! It's all about!

Hayy! Bakit pa kasi may mga tao pang nag exist sa mundo na ganito. Kaya siguro ang gulo gulo! Wala lang mga friends. Sobrang init lang talaga ng ulo ko ngayon kaya kahit busy ay nagblog para lumabas lang ang sama ng loob ko. Ito kasing blog na ito ang hingahan ko lang talaga ng mga problema at kasiyahan. Kahit papaano at nae ease ako.

Sa bahay, hindi ko maiwasan ang mga Super S ng buhay ko. Sa school.... sobrang dami rin at lalo na sa kalsada, kahit saan nakabalandra sila.

Hindi ko nga maintindihan bakit kailangan pa nilang mag exist? Talaga bang pampagulo lang sila ng mundo? Ang daming S sa mundo. Grrr! Mainit lang talaga ang ulo kasi parang sa halos saang lupalop ng daigdig ay nandoon ang Super S na iyan! Kakabwisit! Hayy naku! Ang init na naman ng ulo ko...

May mga taong mapagkunwari pero ang dami palang nasasabi behind your back. S as in talaga grabe! Basta ang masasabi ko lang, ingat kayo sa mga Super S na iyan! Mukha lang mabait 'yan pero demonyo 'yan.

8 comments:

My 3rd Rotation : Guadalupe Lying-In Clinic


Sobrang naging excited talaga ako sa 1st day namin sa 3rd rotation sa Guadalupe Nuevo Lying in Clinic. Sa itaas 'yung schedule namin for this rotation sa Lying in na ito every 2:00pm to 10:00pm.
Last August 30, 2007, bale ito ang first day namin ng duty namin pero sa school lang kami for orientation with Ma'am Tenorio. The next day (August 31, 2007 - Friday) ang bale first day namin sa Guadalupe Nuevo Lying In Clinic. Nice naman ang mga staffs dun at ang mga midwives kasi mababait naman.
Sa first day pa lang ay mayroon na agad nanganak na isa kaya ang 1st 3 na naka assign sa delivery room ang nagkacase for this duty. Nice 'di ba? Ang gandang simula ninto for us.
Noong September 1, 2007 sa time ng duty namin ay wala kaming naging case kasi walang nanganak sa time naming iyun. Noong September 6, 2007 naman ay wala rin kaya nakatunganga lang kami.
Isa ang nganganak sa time namin noong September 07, 2007 kaya nagkaroon na ako ng case sa wakas. 4 batches kasi kami at kasama ako sa 2nd batch. Ako ang handle sa delivery room pero before manganak, katakot takot na kurot at pamamalo ang inabot namin kasi suplada ang pasyente namin.
Baby boy ang unang baby niya, first na panganganak pala niya kaya ganun. Baby boy rin ang kauna unahang baby na napaanak ko. Kakatuwa naman! Hehe :)
After ng manganak noong nanay ay nagsorry naman siya at syempre okey lang 'yun sa amin kasi parte talaga ng buhay nurse 'yun. All in all, isa ito sa mga karanasan ko na hindi ko malilimutan sa buhay student nurse ko.

11 comments: