Kakaibang Trip sa Pasko!

Pagkatapos ng Panuluyan ng December 24, 2008 ng 9:00pm at mass ng 10:00pm to 11:00pm ay nagala na kami sa buong bayan ng mga batchmates ko. Syempre, gala to the max talaga kami kahit walang sasakyan since probinsya naman ito ay pwedeng pwede. Nag-ikot muna kami sa buong bayan para humago sa mga bahay-bahay ng mga kakilala namin tapos naglakad kami papuntang Brgy. Marikit (mga 4 na kilometro) para pumunta sa bahay nina Arianne. Syempre nakakapagod maglakad pero kapag pala may kasamang katuwaan at kwentuhan at lokohan ay hindi naman ganoon kapagod.
Nakarating kami kina Arianne ng halos mag-aalas dose na kaya kumain na kami at ininom namin ang handa nilang vodka sa amin. Wala sana akong balak uminom kaso syempre, dahil sa yayaan ay uminom na rin. Hayz! 2:00am na kami natapos at saka nagyayaang bumalik ng bayan. Naglakad na naman kami papuntang bayan. Dahil sa madilim ang paligid at puro puno ang nakikita namin sa paligid ay kakaibang takutan ang nangyari. Syempre ang mga kasama naming babae ay sobrang natakot at halos kapit tuko sa aming mga lalaki.
Pagdating naman namin sa bayan ay maghahanap kami ng matutulugan at nagpunta kami kina Ama (tatay ng isa naming kaibigan) at doon ay nakitulog. Hindi naman kami halos nakatulog dahil puno ng katatakutan ang aming kwentuhan hanggang sa mag-umaga na. Umuwi muna ako sa bahay namin para tumulong sa mga parents ko doon sa paghahanda sa mga bisita.
Kaugalian kasi dito sa Paluan na talagang hahago ka at magmamano sa mga ninong at ninang tuwing araw ng Pasko.

Pagkatapos kong kumain ng tanghalian at magpaPasko sa aing mga inaanak ay nagkayayaan na naman ang aming batch na mag-Calawagan para magswimming at magkulitan na naman.

Masayanaman ang trip naming ito. Since ang karamihan sa mga kabatchmate ko rito sa Paluan ay nagtatrabaho na at 'yung iba ay studyante pa rin na tulad ko, talagang minsanan na lamang kami magkita-kita. Kaya naman mga kakaibang trip ang ginagawa namin para talagang memorable ang mga pagkikita namin.
14 comments:
Post a Comment