Dramang 'Pinoy na 'Pinoy' : May natututunan ba tayo sa bawat drama?

Ang drama naman talaga ng Pinoy!


Kitang-kita 'yan sa hilig ng karamihan na magbasa ng mga pocketbooks at manood ng mga walang kamatayang teleserye. Tinawag kong 'walang kamatayan' dahil talaga namang hangga't sa kayang istretch ang isang istorya ay iiistretch ng writer lalo na't nagrerate ito at walang kamatayan din ang bida sa dami ng mga pinagdaanang unos sa buhay ay talaga namang buhay na buhay.

At dahil nauuso ang pagbabatuhan ng mga maaanghang na linya sa mga teleserye, batuhan kabi-kabila ng mga di malilimutang linya. At 'eto naglista ako ng mga hindi ko malilimutang linya na hanggang ngayon, ginagawa pa ring status sa mga social networking sites.

Patunay lamang ito na hindi talaga malilimutan ang mga linyang ito:

“You’re nothing but a second-rate trying hard copy cat!” - Angelica dela Cruz
Bituing Walang Ningning (2006)

“If you want war, I’ll give you war!” - Gretchen Barreto
Magkaribal (2010)

“I never said that I love you!” - Sam Milby
Maging Sino ka Man - (2006)

"Yes, I am a slut, but I am the best slut in town!" - Anne Curtis
Maging Sino Ka Man (2006)

"Sa mundong ito, kapag hindi ka natuto lumaro, mamamatay kang mahirap! Kuha mo?" - Xyriel Manabat
100 Days To Heaven (2011)

"Sa ayaw at gusto mo, aangkinin kita!" - Jhong Hilario
Mara Clara (2011)

"Like ko po 'yung gold, pero mas gusto ko red. Kaya hindi ako gold digger, red digger ako. Yes, I dig red" - Angelica Pangaliban
Rubi (2010)

"Namatay ako, para mabuhay ka" - Kim Chiu
Tayong Dalawa (2009)

"You are fired! Kuha mo?!" - ConeyReyes
100 Days To Heaven (2011)

“Hindi sa Tala sa Langit, kundi sa Buwang nakasilip, ibigay ang hiling ng matang nakapikit” - Angel Locsin
Lobo (2008)

"Kung ngugutom ka, nagugutom na rin ako. pero nakita mo ba akong sumuko, hindi di ba?" -AJ Perez
MMK (2011)

"Sana kasi hintayin mo na lang na ikaw ang lapitan. Kitang-kita ang pagka-desperada mo" - Diego Loyzaga
Mara Clara (2011)

"Ang respect hindi 'yan ini-impose, ine-earn 'yan. Act your age!" - Beatriz Saw
Pinoy Big Brother Season 2 (2007)

"Pagod na pagod na ako na wala akong nagagawa para sa mahal ko sa buhay" - Kathryn Bernardo
Mara Clara (2011)

"Go to hell... Go to hell! GO TO HELL!" - Claudine Baretto
"I'll see you there!" - Angelica Panganiban
Iisa Pa Lamang (2008)

"Once a slut, always a slut!" - Angelica Panganiban
Iisa Pa Lamang (2008)

Marami pa siguro ang makakapagdagdag ng mga memorable lines na alam nila dahil hindi naman lahat ay napapanood ko at naririnig ko. Ito ay base lamang sa mga patuloy kong naririnig at mga nababasa na mga statuses na isang magiging patunay na hanggang ngayon, kahit ilang taon na ang nakalilipas, ay hindi pa rin nakakalimutan


Hanggang sa usaping pulitikal, damang-dama mo ang drama. May tawanan, iyakan, patawaran at minsan may suspense! 'Corona' serye ang itinawag sa ilang araw ding balitaktakan ng mga salitaan sa senado. Nakita rin ng marami na umiyak ang akusadong si CJ Corona tapos kung ano-ano pang nangyari. Tapos may nangyari pang akala nila ay nawawala si Corona. Suspense nga naman!


Buti naman ay tapos na ito... Buong Pilipinas at buong mundo ay nasaksihan ang makasaysayang kaganapang ito. At tulad sa mga teleserye, meron din itong mga memorable lines, 'eto ang ilan sa kanila:

“Ang yayabang na magsabi ng ganyan, mga g*go naman! Whaaa!” - Senador Miriam Defensor Santiago bilang reaksiyon sa pag-drop ng prosekusyon sa lima sa walong Articles of Impeachment.

“Masama po pagkagawa ng complaint.” - Ilocos Norte Rep. Rudy Fariñas sa tanong ni Sen. Jinggoy Estrada kung bakit hindi ito lumagda sa impeachment complaint.

“Ano po ang difference ng cash advance sa loan o utang? O, bakit tumatawa na naman kayo diyan?” - Sen. Lito Lapid sa miyembro ng prosecution team.

“I could recall a small lady but I couldn’t remember at all who this person was.” - Rep. Reynaldo Umali ng prosecution nang tanungin kung sino ang source ng mga bank documents ni Corona na pinadala niya sa tanggapan ni Enrile.

“Do you want me to lecture you more?” - Senate Presiding Officer Juan Ponce Enrile kay lead prosecutor Rep. Niel Tupas Jr., tungkol sa kung anong ebidensiya ang pwedeng tanggapin sa Article 3.

“Mea culpa (It’s my fault).” - Ombudsman Conchita Carpio-Morales bilang paghingi ng paumanhin kay Sen. Miriam Defensor-Santiago dahil sa pagsabat nito kahit nagsasalita pa ang senador sa impeachment trial.

“Talaga naman pong shrill ang voice at nasasaktan tenga ko eh.” - Private prosecutor Atty. Vitaliano Aguirre sa ginawang panenermon sa kanya ni Sen. Miriam Defensor-Santiago dahil sa pagtatakip nito ng tenga habang kinakastigo ang prosekusyon.

“Pagod ka na ba? Noong una kasing umupo ka diyan, tawa ka nang tawa, ang ganda-ganda mo. Ngayon parang haggard na haggard ka na... Baka maiyak ka, sige, salamat.” - Sen. Lito Lapid kay PSBank Katipunan Manager Anabelle Tiongson, witness ng prosekusyon.

“Counsel, do you still recognize me? I’ll give you a grade of 3. I passed you, but I warn you.” - Sen. Miriam Defensor-Santiago bago tanungin si lead prosecutor Niel Tupas, Jr.

“Kindly articulate your vowels and your consonants.” - Senator Juan Ponce Enrile kay Megaworld finance director Giovanni Ng, witness ng prosekusyon, dahil sa hindi maintindihang pagsasalita nito.

“Nanganak na raw. Wala akong kinalaman d’yan ha.” - Lead defense counsel Serafin Cuevas nang tanungin hinggil sa witness nilang si BPI Bank Manager Leonora Dizon.

Pero ang tanong, tulad sa isang teleserye, may natutunan ba tayong aral dito? O tulad din ng isang teleserye, alam lang natin ang mga nangyari, naging memorable ang mga sandali ng impeachment trial, pero aabangan pa rin natin ang mga susunod na panibagong serye, iba lang ang tauhan pero iisa lang naman ang kwento?

Share

6 comments:

Kilalanin si "Super Sawsaw"



Nakaencounter na ba kayo ng taong sa lahat ng umpukan at mga usapin ay may alam siya? Ang tawag diyan, 'sawsawero' o 'sawsawera' naman sa mga babae. Nakakainis sila 'di ba? Pero paano pa kaya 'yung "Super Sawsaw?" Kung ang normal na 'sawsawero' at 'sawsawera' ay matotolerate mo pa, ito naman ay hindi na... Para sa akin, sila ang mga taong, nakikisali na nga lang, sila pa ang nagpapabida!

Kahit saan naman meron niyan... Normal na nakakasalamuha natin madalas ang mga taong ganyan. Ang iba nakakaharap natin saan mang lugar tayo magpunta o dili kaya'y sa internet kung saan ang daming mga kakaibang mga ugali. Ang iba nga, makapagpost lang sa mga social networking sites tulad ng Facebook at Twitter masabi lang na tumetrending sila. Umiisteytment ng hindi naman kailangan ang kanilang mga kuro-kuro at kung makaisteytment naman ay para namang alam nila ang lahat...

May ilan namang halos mangaral sa mga isyung pumapaloob sa lipunan o 'di kaya'y isyu sa mga kapwa bloggers. Nakakatawa lang, kung kilala mo ang taong 'yun, masasabihan mo siyang "practice what you preach" dahil may mga tao talagang hanggang salita lamang... Ang galing mangaral sa kapwa kahit na alam naman sa sariling hindi rin naman niya ginagawa ang mga ganun.

Kahit anong antas ng lipunan ka nabibilang, merong "Super Sawsaw." May mga obvious at mayroon din namang kailangan mo pang kilatisin para malaman ang totoo.

Protesta rito. Rally doon. 'Yan ang balitang nasasagap ko sa mga news dito sa Dubai galing sa Pilipinas. Mula sa mga demolisyon sa mga illegal settlers, ang pag-angkin ng China sa Scarborough Shoal at ang pinakalatest, ang rally ng iba't-ibang grupo sa 2-night-concert ni Lady Gaga sa bubuksang SM Arena. Sa Pilipinas lang talaga ako nakabalita na halos-araw-araw ay may balitang protesta o 'di kaya'y rally. Lalo na't sikat ang topic, mas maraming 'sawsaw.' Kabi-kabila ang mga pictures, kodakan dito, kodakan diyan... May masabi lang na kasama sila.

Hayyyy.... ang iba, alam na nilang "Super Sawsaw" sila, ang iba manhid ang iba sanay na. Hayyy buhay!

Share

14 comments:

Isang araw na puno ng kumustahan at hagikhikan sa "Haguhan sa Dubai"


Hindi engrande ang preparasyon pero naging masaya ang kauna-unahan kong pagdalo ng "Haguhan sa Dubai" ng mga Mangyan (collective term para sa aming ga taga-Mindoro, particularly ng mga taga-Paluan).


Ginanap ito sa Al Mamzar Beach sa Dubai kung saan halos umabot sa tatlumpu ang bilang ng mga dumalong Mangyan. Nagkulitan, nagkamustahan, ang naging paksa ay halos tungkol sa aming bayan ng Paluan. May magandang balita at meron din namang hindi.


Pagkatapos ng kainan at kumustan, naglaro naman ang dumalo ala-Pinoy Henyo (ng "Eat Bulaga") na tinawag na "Paluan Henyo." Ang mga huhulaang mga bagay, lugar, pagkain, pangyayari o kaya tao ay may kinalaman sa aming bayan ng Paluan.


Isang hindi malilimutang araw sa lahat. Isang araw na puno ng kumustahan at hagikhikan. Isang araw na siguradong mauulit!

Share

3 comments:

Ilaw...

Madilim ang mundo kung walang ilaw. Hindi mo makikita kung gaano kaganda ang mundo sa madilim. Ang ilaw ang nagsisilbing gabay para makita natin ang totoong mundo. Ang ilaw na parang ating mga ina, na s'yang tanglaw sa bawat tahanan simula pa noong sumilang tayo sa mundo hanggang ngayon...


Ngayong darating na Linggo, magdiriwang ang buong mundo ng Mother's Day. Araw kung kailan ginugunita natin ang kadakilaan ng ating mga ina at pagpupugay sa walang katumbas na pagmamahal na ibinigay nila simula pa noong nagdalang tao sila hanggang sa tayo ay lumaki.

Ang ating mga ina ang sinasabing "ilaw ng tahanan," kaya hangga’t may natitira pang liwanag, kahit na kakaunting sinag, patuloy silang magsisilbing liwanag. Ang ating mga ina ay sumasagisag rin ng pag-aaruga, pagmamahal na walang maliw at pag-gabay tungo sa liwanag ng buhay. Bilang "ilaw ng tahanan", ang ina ang gumagabay sa anak para maging matuwid ang landas.

Para maiba naman ang Mother's Day entry ko ngayong, nagtanong ako sa ilang kilalang celebrities at mga bloggers tungkol sa kung gaano nila kamahal ang kanilang mga ina at ano-ano ang mga bagay na nagawa or gagawin nila nang sa gayon ay matumbasan kahit paano ang pagmamahal na walang pag-iimbot na ibinigay sa kanila.

Naririto ang mga sagot nila:




Rocco Nacino
Actor - Dancer
(http://twitter.com/nacinorocco)

Gaano mo kamahal ang iyong ina?
- A lot of course, isa siya sa mga inspirasyon ko kaya lahat gagawin ko para sa kanya. At sa kanya ko nakukuha ung drive ko at determination.. Idol ko yan... :)

Anong kaya mong gawin para ipakita mong mahal mo siya?
- Pagiging isang mabuting anak sa kanya, masaya na sya dun.. At tumutulong ako sa education ng kapatid ko... Kahit papano nakakatulong ako sa kanila. Naaappreciate nya ung ganong bagay. Tsaka 'di ako ngbabago. 'Yun lang bilin n'ya sakin lagi. :)

Julian Trono
Actor - Dancer
(http://twitter.com/IamJulianT)

Gaano mo kamahal ang iyong ina?
- I love my mom so much... I think i love her more than my life. :)

Anong kaya mong gawin para ipakita mong mahal mo siya?
- Simplest: I do household chores 'pag walang taping and take care of my 2 li'l sis... Hardest: When I stop courting someone for her.. :) Hahah!

Joyce Ching
Actress
(http://twitter.com/ChingJoyce)

Gaano mo kamahal ang iyong ina?
- Super super super love as in sagad na sagad. Unexplainable and indescribable ang love ko po kay mommy. :)

Anong kaya mong gawin para ipakita mong mahal mo siya?
- Simplest and hardest po yung pagsunod sa mga rules and mga gusto niya po. :)

Ella Cruz
Actress
(http://twitter.com/ItsEllaCruz)

Gaano mo kamahal ang iyong ina?
- Mahal na mahal ko po ang mommy ko dahil s'ya po ang tumulong sa pag-abot ng mga pangarap ko po at hindi n'ya po kami pinabayaan.

Anong kaya mong gawin para ipakita mong mahal mo siya?
- Ginagawa ko po ang lahat ng bagay para maging proud po s'ya sa akin at para rin po maipakita ko sa kanya ang pagmamahal ko po sa kanya, nag-aaral po ako ng mabuti at nagtatrabaho.

Miguel Escueta
Singer/Composer - Endorser
(http://twitter.com/MiguelEscueta)

Gaano mo kamahal ang iyong ina?
- I love my mom with every ounce of my being. All that she has done for me, my siblings, my dad, our family.. Can never be repaid in full.

Anong kaya mong gawin para ipakita mong mahal mo siya?
- I just try to show her how much I appreciate her by making her "lambing" often and spending as much quality time with her as I can. I also try to have sincere conversations wth her & make an effort to always make her a part of the things I go through and what I aspire for

John Michael Bueno
Blogger
(http://kumagcow.com)

Gaano mo kamahal ang iyong ina?
- More than my life.

Anong kaya mong gawin para ipakita mong mahal mo siya?
- I'd kill for her


Rod Magaru
Blogger
(http://rodmagaru.com)

Gaano mo kamahal ang iyong ina?
- I may not do the same sacrifices she did to me, but I promise to serve, respect and love her until the rest of our lives.

Anong kaya mong gawin para ipakita mong mahal mo siya?
- I won't give him reason to be sad or dissapointed. And will continue to be as living proof of her motherhood. Will give her all her wishes on her birthday, no matter what that is.

Richard Mamuyac
Blogger
(www.mapanghingikaba.blogspot.com)

Gaano mo kamahal ang iyong ina?
- Mahal na mahal ko si NANAY... Noon At Ngayon At Years to come!

Anong kaya mong gawin para ipakita mong mahal mo siya?
- Para sa akin ay imposibleng matumbasan ang mga ginawa sa akin ni nanay. Ang pinakamaganda sigurong magagawa ko para maipakita sa kanya na nagbunga ang maayos na pagpapalaki niya sa akin ay ang maging mabuting magulang din sa aking anak. happy mothers day sa mga nanay natin tukayo!

Flow Galindez
Blogger
(http://angsawariko.com)

Gaano mo kamahal ang iyong ina?
- In terms of loving my move, Indi mo sya maeexplain and ma-measure dahil it's more that your life kasi tulad ng pagbigay niya ng buhay sa iyo

Anong kaya mong gawin para ipakita mong mahal mo siya?
- It's not about how simple or big in showing your love but it's more on how we appreciate and respect her that's the only thing you can give to your mother aside from material things.


Sino nga naman sa atin ang hindi nakakaalam ng kadakilaan ng isang ina?
Mula pagkabata ay damang-dama na natin ang pag-aaruga at pagbibigay-halaga sa natatanging regalo ng Diyos sa anila - tayong mga anak.

At para sa kanilang kaarawan ngayong ikalawang Linggo ng Mayo, Happy Mother's Day sa lahat ng mga ina! Kayo ang bayani ng bawat pamilya!

Share

1 comments:

Mainit, Malaki at Nakakagalit talaga!

Wala ako sa Pilipinas (nasa Dubai po ako) pero ramdam na ramdam ko ang init sa dami ng balitang nasasagap ko dito. Ang dami ng gulong kalat na kalat sa social networking sites. Share dito, retweet diyan, reblog dito, at kung anu-ano pa diyan... Minsan nga, naguguluhan na ako sa mga nangyayari, at dahil sa walang magawa, pinapanood ko na ang mga news ng lahat ng channel sa Pilipinas unlike noong nasa Pinas pa ako na kahit sulyap sa TV ay hindi ko magawa.

Buti na lang at may TV rito at internet at kahit papaano ay updated pa rin ako sa mga latest happenings diyan.


Mainit.

Una na ang nangyaring gulo sa muling pagtatagpo nina Albie Casino at Andi Eigenmann. Muling nagpang-abot daw ang ex-lovers sa isang bar sa Makati at nabugbog pagkatapos noon si Albie dahilan para magkaroon siya ng galos at pasa sa katawan.


Isa pa, ang nangyaring gulo sa NAIA Terminal 3 kung saan sangkot ang mag-asawang Claudine Barreto at Raymart Santiago laban kay Ramon "Mon" Tulfo. Pinagmulan ng away diumano ang pagkuha ng video ni Mon Tulfo sa tumatangging mag-asawa dahilan para magkasapakan sila sa airport.

Pangatlo, ang mga nakikisabay sa init ng awayan sina, Amalia Fuentes na finally ay nagsampa na ng kaso kaban kay Ruffa Gutierrez. Pati na rin ang sapakan ng mga karakter nina Joem Bascon at Coco Martin sa "Walang Hanggan." Sumasabay pa ang mga teen housemates ni Big Brother! Ang init nga sa Pinas! Kaya naman ang iinit ng ulo ng tao diyan!

Malaki.


Masyado raw napakalapit talaga ng moon sa earth noong sabado (May 6) kaya naman malaki ang tanaw nito sa mundo kaya tinawag itong "Supermoon." Paniwala ng ibang matatanda, malaki ang epekto nito sa pag-uugali at temper ng mga tao kaya may ibang nag-uugnay nito sa kaliwa't kanang insidente ng pag-aamok o pakikipag-away.

Malaki rin ang epekto nito sa karagatan. Inaasahang tumaas din ng isa o dalawang sentimetro ang tubig sa dagat dahil sa supermoon pero kayang-kaya ng gravity ng earth na balansehin ito kaya halos hindi rin ito mapapansin. At mukhang hindi rin ito napansin dahil karamihan a nakatingin sa taas at nagmamasid ng "Supermoon."

Nakakagalit talaga!

Ang sa madaling sabi, si "Supermoon" ang sinisi ng ilan kung bakit ang iinit ng ulo ngayon ng mga tao. Dagdag pa ang lalong umiiinit na temperatura sa bansa. Pero kung tutuusin, mas mainit pa rin dito sa Middle East na umaabot na (ngayon pa lang nagsisimula ang Summer) sa halos 40 °C at tataas pa 'yan sa mga susunod na buwan.

At dahil dumating si "Supermoon" sa eksena, siya na ang nasisi! Si "Supermoon!" Si "Supermoon!" Si "Supermoon!" Si "Supermoon"na walang malay! Si "Supermoon" walang ginawa kundi magshow-off sa kalangitan... 

Sa mga nangyaring gulo ngayong weekend, hindi nakakatuwang si "Supermoon" ang sisihin o 'di kaya'y ang mainit na panahon. Nangyari ang mga 'yun dahil ginusto nilang magkagulo-gulo ang mga buhay nila. Oo, nakakadagdag ng init ng ulo at nakakadala talaga ang init ng panahon.

Sa panahon ngayong kahit na sino ay pwedeng kumuha ng litrato at video lalo na sa kanilang mga kinikilala sa lipunan lalung-lalo na sa isang pampublikong lugar, umasta ng ayon sa nararapat. Hindi naman ako PRO ni Mon Tulfo o Claudine dahil hindi naman ako masyadong fanatic ng dalawa, pero kung sana'y inuna ang magandang pakiusapan, hindi mangyayari ang ganito.

Isa pang nakakagalit, ang isama ang isyu na ito sa network war. Unang-una, wala sa network ang pag-uugali ng tao, nasa tao mismo ito. At para naman sa nagmamalinis, lahat tayo ay may kanya-kanyang kagaspangan. At normal ang pagrereklamo lalo na 'yung tungkol sa maduduming serbisyo na nakukuha mo.

Nakakagalit nga talaga! Trending topic pa! Hayyy!

0 comments:

Blogging is where my heart is...

Dati, inaakala ng marami na ang mga artista o sa mga kilalang tao lang ang nagbablog. Sila kasi ang may huge followers na talaga namang kahit na hindi ganun kainteresanteng topic, siguradong uulanin ng comments ng mga fans. Lahat tayo ay pwedeng mag blog, hindi naman kailangang magaling kang mag ingles o magaling kang magsalita o magkwento.


E bakit ba talaga ako nagsstay ng ganito na katagal sa blogging world? Ano bang meron at hindi ko ito maiwan? Dalawa sa mga malalaking dahilan kung bakit ako nag-eenjoy sa blogging world : Dito ko naeexpress ang mga gusto kong sabihin nang walang nasasaktang tao, at dito ko rin nakilala ang mga totoong naging kaibigan ko at ang iba, nagpatibok ng puso ko.
  1. Wala lang, trip ko lang...
  2. Wala akong masabihan ng feelings ko... I-blog na lang, may nakakabasa pa (at possible may makarelate)
  3. Another way of socializing with other people in this planet.
  4. I think keeping a blog is a hundred times fun than keeping a manual diary (tamad kasi akong magsulat)
Muli akong nagblog-hopping noong isang araw, marami akong napansin. Dumadot-com na sila... At nag-increase ang mga PRs nila samantalang sa akin ay nabawasan. Nainggit mode lang. Haha!

Hindi baleng sabihin nila na ang konri naman nito at parang nobela naman sulat ko, ang mahalaga ay ako ito at buhay at mga kwento ko ang mga isinusulat ko, first hand, at hindi sabi-sabi lang. Para sa akin ang blog ko ang pinaka magandang taguan ng nilalaman ng aking utak at puso. Ito ang pwede kong paglagakan ng mga masasaya at malulungkot na nagyari sa aking araw -araw na pamumuhay.

Dadating ang panahon at maaaring hindi na ako makapag sulat, tatanda na ako at lilipas ang mga alaala ko. Pero ang blog ko ay mananatili...

Share

2 comments:

I am Mangyan Blogger, and I'm proud to be PROMDI!


I am Manyan Blogger and 100% PROMDI. I was born and raised in the Province of Occidental Mindoro, in the quiet town of Paluan. Before coming over to Manila to experience living in this concrete jungle, I was a naive probinsiyano, devoid of influence from the mostly materialistic and stressful urban lifestyle.

I went to Manila when I was 13 and studied high school at Rizal Technological University - Laboratory High School (RTU - LHS) and studied college in Far Eastern University (FEU) and Emilio Aguinaldo College (EAC). In every start of classes, you need to introduce yourself to new classmates. When people hear those places they quickly ask me if I'm a Muslim. Though I look like one, no... Mindoro is still in Luzon, not in Mindanao. Check geography people!

There are so many things I enjoy doing back in my province. That I can't do here. I am now here in Dubai and I realized that, in the province, you don't need to spend a lot of money to enjoy. Seeing beautiful scenery is just around in the province...  I always enjoy going around the town kasi because I love nature and trees!

Through all these, after living in Manila for almost a decade, and now I'm n Dubai, I still loudly proclaim my promdi-ness. And why shouldn't I?

I am Mangyan Blogger and a proud product of the PROMDI Educational System. PROMDI we may be called but I believe we did receive world-class, quality education! I am also proud of PROMDI expeeriences... coz there's still a lot that only in the province you can see, feel and experience!

Share

2 comments:

Know when to start ignoring people...


Lots of people feel bad when someone ignores them because they gain their self esteem from the approval of others. I know how it feels because it already happened to me. But there are some circumstances where you can't stand anymore the things that are happening.

The main reason why people feel bad when someone ignores them is that they think that they were ignored because something was wrong with them.

To ignore someone takes a lot of effort but I know when to ignore them just because:
  • I can't stand someone anymore. I think, annoying people don't deserve my attention.
  • If I know that this person will never do good to me, I will start to ignore.
  • I simply can't look at them. That's how I think. They're so disgusting, I can't look at them. I've done it long enough that it's how I work now.
  • If you get that disgusted with someone's pig-like manners, it's hard to look at them anymore and give them your time.
  • When this person hurt me so much....
  • I hate that person! That's it!
If I can approach the person directly with the problems first, then turn to ignoring them if they still won't solve them. During a confrontation I always feel so bad when people talk to me in a rough manner, although I know I am right in the matter. I feel hurt so easily and it lasts so long. I try my best to be pleasant to everyone, but not everyone returns the favor. I think that I need to ignore them but I don't know how to. Well, there's also a lot of person you can never

I always remember that people make mistakes. If I feel I've come into contact with someone toxic, or have run out of ways to solve the problems, I need to get myself out of the situation or relationship. Unfortunately, most people are weak and a simple apology will bring them back.

If you ignore me, I won’t wait around you.
I won’t bug you, I just won’t talk to you.

Simple as that. It’s going be hard. Yes, it hurts. But it won’t hurt as much as being ignored, because I deserve better than that. I’ll move on and find someone who actually really cares about me, since obviously you don’t. If you continually treat me like a crap, what reason do I have to stay?

1 comments:

Just visiting Sheikh Zayed Mosque, the largest mosque in the United Arab Emirates


I'm not a Muslim but I tried visiting Sheikh Zayed Grand Mosque when we visited our cousin in Abu Dhabi. I think this Mosque is open to all...


The Sheikh Zayed Grand Mosque is quite possibly the must do visit in the UAE. It certainly is for Abu Dhabi, and has a certain aura not matched by any of the other landmarks across the whole of the UAE. The Mosque’s beauty captures the hearts and the spirits of its visitors who are entranced by its splendid architecture.  The thousands of daily visitors are captivated by feelings of serenity.


The architecture is great, the white color all over the place gives you a sense of ease and relaxation. they offer Abayas & Shellas for women to cover up as well as deshdasha for men if wearing shorts. shoes is required to be off when in the prayer areas. tours are available however not during prayers. make sure you see the biggest carpet in the world and the chandelier best timing to go is right before it gets dark or very early in the morning to avoid the hot sun.


Sheikh Zayed Grand Mosque in Abu Dhabi is the largest mosque in the United Arab Emirates and the eighth largest mosque in the world. It is named after Sheikh Zayed bin Sultan Al Nahyan, the founder and the first President of the United Arab Emirates, who is also buried there. The mosque was officially opened in the Islamic  month of Ramadan in 2007.

Want to visit? Just go there, walk in the outside hall and hear the peaceful sounds inside you. You'll not regret it.

Share

1 comments: