Ramdam Ko na ang Pasko!
Paskong Pasko na sa Mandaluyong!
Kahit saan ako mapadpad tuwing gabi ay may makikita kang mga nagsabit na parol at mga dekorasyong pang-Pasko. Parang kailan lang ay nasa Mindoro ako na nagcecelebrate ng Pasko kasama ang Daddy at Mommy ko. Ngayon naman ay magcecelebrate kami ng Mommy ko, Kuya ko (uuwi sa December 23 from Abu Dhabi) at ang Ate ko (kadarating lang from Dubai nung makalawa). This is the first time na magcecelberate ang family namin na walang Daddy (he passed away last March) at first time din na magcecelebrate kami sa Manila. Dito kami sa Manila magpaPasko dahil ikakasal ang Ate ko naman sa December 26. Hayz!
Sa panahong ito uso ang mga Christmas Party sa mga office or sa mga school. Sa ganitong panahon din last year, ako ang nag-aasikaso ng mga Christmas decorations namin sa Mindoro kasama ko ang Daddy ko pagkakabit ng mga Chritsmas lights. This time, ako na lang ang nag-aayos sa may halamanan namin.
Noong isang araw ay lumuwas ng Manila ang Mommy ko para sunduin ang Ate ko at ang mapapangasawa niya sa airport. Hindi naman nakaabot pero at least napunta dito ang Mommy ko para sumundo.
2 days lang ang Mommy ko dito sa Manila muna kasi may pasok pa sila sa school sa Mindoro kaya kailangan niya agad umuwi. Pero bago siya umuwi ay ipinasyal ko muna siya sa Munisipyo ng Mandaluyong kasi may mga Christmas display doon apara naman may masabing napuntahan siya bago siya umuwi.
Naglibot-libot kami sa buong munisipyo at kahit papaano naman ay natutuwa kami sa mga nakita namin. Lalo na nung napunta kami sa mga Christmas decoration booth kami ng Mommy ko.
Ilan lang ito sa mga booth na nakadisplay sa may munisipyo ng Mandaluyong. Karamihan ng mga ginamit na materials sa mga booth na ito ay mga recycled materials. Nagkaroon naman kami ng Mommy ko ng idea. Gawin daw namin sa bahay namin sa Mindoro. Syempre naman, try namin kung makakagawa kami pag-uwi ko.
Kahit diyan ko lang naipasyal ang Mommy ko nung araw na iyon ay masaya na siya. Syempre naman... Kasama niya ako. :)
Uuwi ako this week sa Mindoro para ayusin ang decoration namin sa bahay namin doon kahit hindi kami magpaPasko doon. Para naman maganda pa ring tingnan ang bahay namin kahit na wala kami doon. Babalik din naman kami ng Mommy ko baka sa December 20 or 22 sa Manila dahil nga dito kami magpaPasko at para na rin sa kasal ng Ate ko.
For this year, sisiguraduhin kong makukumpleto ko ang Simbang gabi kasi magiging panata ko ito. Nung mga previous years, ang Panuluyan ang naging panata ko kasi nakakapagturo ako ng Panuluyan sa Mindoro. Pero ngayong hindi ako doon magpaPasko, kahit ang pagsimba na lang... Okey na 'yun!
Para naman sa mga inaanak ko (Christian 10 yrs. old, Joshua 9 years old at Gabo 2 years old - mga bata pa 'yan), may gift na ako sa inyo. Haha! Wala pa akong work. Next year sana magkameron na!
********

Thanks to Fiel-kun for this award!

Share
31 comments:
Post a Comment