I'll Be Going to Mindoro for a Break

This coming October 17-20, 2008 (Friday to Monday) ay nasa Paluan, Occidental Mindoro para dalawin ang mga parents ko at syempre ang mga alaga kong manok at ang nag-iisa kong pinakamamahal na asong si spot. Hehe! Simula noong ipinanganak ako at hanggang sa magtapos ako ng Elementary ay sa Mindoro talaga ako lumaki. Syempre, kahit sa lahat ng semestral break ay umuuwi ako, marami pa rin akong namimiss.

Iba pa rin kasi ang Paluan for me. Ika nga, "Home is where your heart is..." Well, hindi na naman siguro kailangan pang pialiwanag iyan. Syempre pagdating ko doon ay walang sawang picture-picturan ala-artistahing timawa na dumating. Hehe!

This time, may kasama ako na friend pag-uwi ko ng Mindoro. Syempre nagyaya ako sa last blog entry ko dito na We Are at Bulacan Again kung saan ay nagyaya ako ng mga gustong sumama sa akin para naman maexperience nila ang bayan namin which is talagang probinsyang probinsya ang dating. Kung gusto ninyong sumama, you still can contact me para naman masaya.

Ilan sa mga namimiss ko sa bayan namin ay ang......

Syempre unang-una ay ang Mangyan kung saan talagang kilala ang Mindoro maliban sa Tamaraw... at isa pala raw akong Mangyan.. hehe!

Ang UOK na ipinagmamalaki ng Paluan. SO yummy, slimmy looking thing pero masarap daw na uod na dala ng mga Mangyan.

Tree Houses na talaga namang ala-resort sa mga taga-Paluan.


Namimiss ko na ring magmeditate. Hehe! Sarap kasi ng magfeeling na ikaw lang ang tao sa mundo sa sobrang tahimik ng lugar at ang maririnig mo lang ay ang mga huni ng ibon at lasagas ng tubig.

Mamasyal sa "Wawa" na nakatapak lamang. Ang sarap maglakad sa buhanginan.

Syempre, maligo sa ipinagmamalaking Calawagan River Resort hindi lang ng buong Mindoro kundi ng buong Pilipinas sa pagkakaroon ng pinakamalinis... Take note : PINAKAMALINIS na tubig sa buong Mundo.

Matanawan ang Mount Calavite na pinangangambahan ngayong maging bulkan (haka-haka lamang) dahil sa ilan linggong pagkakaroon ng earthquake sa Mindoro.

Syempre ang bonding sa mga kaibigan at kabarkada... Hehe! Iba pa rin ang samahan ng mga Sandugo!

Sa mga interesdao, you can post here kung gusto ninyong sumama. Well, kung may mahahanap naman akong maipagmamalaking pasalubong like UOK, why not? 4 days vacation lamang naman ito. Maigsi pero I'll make it sure na magiging memorable ang adventure na ito.

10 comments:

wow! taga mindoro ka pala...:)

October 4, 2008 at 5:44 AM comment-delete

best place kung kelangan mo talaga mag relax.. perO mas masarap pmunta dun kung kasama mO ang taOng mahal mO.. sabay kayO maligO sa ilog ng hubot hubad total wala nman taO masyado sa ilog.. hehehe..!

jhay
October 4, 2008 at 7:04 PM comment-delete

Naalala kong tumira kami noon sa Puerto Galera kung saan nakatira ang ate ng nanay ko. Nakakamiss din ang mindoro at ang maganda nito dagat.

I hope you enjoy. Nakakamiss nga naman talaga.

October 4, 2008 at 7:08 PM comment-delete

tama ka dun jhay hahaha

pero alam mo talaga pareng richard, enjoy ka sa Mindoro. hehehe

October 5, 2008 at 1:58 AM comment-delete

buti ka pa sandugo, mauwi na.. ako sa pasko pa, ganunpaman, musta nalang sa buong tribo dyan, sa kabilang bundok ka lang pala... xx xx xx..

nakakamiss talga 'yong mga bundok at dalampasigan dyan sa'tin...

at 'yong UOK, hhmm.. medyo di ko sya na-miss, di pa ako nakakatikim nyan.. xx xx xx..

enjoy the vacation!!!

me
October 6, 2008 at 12:31 AM comment-delete

wahhh!! pareho tayo!! ako naman uuwi ng leyte hahhaahha para magbakasyon!! woohooo! enjoy!!

http://fjordz-hiraya.blogspot.com

October 6, 2008 at 7:21 PM comment-delete

sama ako! hahaha. pero ayaw kong kumain ng uok. please? hahaha

haayz. dahil dyan, naisipan ko na namang puntahan ang cebupacific at magpabook ng flyt. hahaha.

goodluck sa akin sa office.. sa binabalak kong unofficial leave. hehe

October 7, 2008 at 8:51 AM comment-delete

astig! nandito ka pa pero parang pinasyal mo na kami sa paluan. hehehe... gusto ko mang sumama pero may nakapila ng schedule.

enjoy! abangan namin ang mga bago mong kuha sa lugar ninyo.

October 7, 2008 at 8:16 PM comment-delete

watta unique adventure. i wanna xprience this.

October 8, 2008 at 5:25 AM comment-delete

i would love to visit here!

December 21, 2010 at 7:55 AM comment-delete