Busy Days! Ang Toxic talaga!

From Ospital ng Muntinlupa (OsMun) sa may Alabang na kalapit ng Asian Hospital na duty ko ay 4 weeks naman kami sa Metro Lemery Medical Center (MLMC) sa Lemery, Batanggas. Bale December 4, 2008 kami nagstart at ang last day namin ay sa January 10, 2009 every Thursdays to Saturdays ang duty namin diyan at 2:00pm to 10:00pm.

Sa may Taal kami tumutuloy dito na malapit lang sa hospital. Actually, wala akong problema sa bahay at sa C.I., talagang toxic lamang. Ang sakit lagi ng ulo ko sa dami ng requirements pati na rin ang pressure kasi O.R. ito at kailangan mabilis ang kilos.

Noong December 7, after ng duty sa Batanggas ay sa Mandaluyong house lang ako. Senti sa araw ng birthday ko na nagbabasa ng mga text messages of greetings pati na rin sa friendster. Dalawa lang tao ang nagbigay sa akin ng gift for my birthday, si Nadz iyon at ang Kuya ko. Syempre masaya ako na kahit papaano ay may nagregalo sa akin.

But as usual, senti pa rin ako. After kong magsimba noong birthday ko ay nagkulong ako sa kwarto ko at hindi ko pinapansin ang mga sinasabi sa akin ng mga kasamahan ko sa bahay na magpakain daw ako kasi birthday ko. Wala rin kasi akong pera at hindi ako sanay.

Almost every year naman kasi na nagsesenti ako tuwing birthday ko. Hindi ko alam! Nakasanayan ko na rin kasi. Buti nga ngayon kasi may regalo na kesa naman last year na wala nang gift, wala pa akong pera. Kung hindi ako nagsulat ng mga kung ano-ano sa notebooks ko, nilaro-laro ko ang ibon ko na alaga sa kwarto ko.

Hayz! Buhay nga naman. Bakit ganito kaboring kapag birthday ko.
Natapos na ang birthday ko na walang na feel na espesyal (as usual every year iyan). Pero still, kailangan mag move on kasi naman andami pang assignments at requirements na gagawin!

Nagapply ako sa Magdalo writer last month and now, thank God at Magdalo na rin ako! Sana naman ay magtagal ako kasi mukhang marami talagang gibagawa ang isang Magdalo writer.
Well, magpapasko na naman. As usual, sento mode na naman ako since single ako at talagang walang balak humanap ng problema. Hehe! Buti na lang at may project akong kakaiba sa bahay namin sa Mindoro na gagawa ako ng malaking hawla ng ibon para sa mga birds ko.

This week will be our last week this year sa Metro Lemery Medical Center at next year na ang last week namin. Hopefully ay maging maayos ang duty naman namin dun.

Emo mode or senti mode, still ako pa rin ito. Most of the times loner sa mga panahong ito. Magulo ang utak pero comedian in the making pa rin. Maybe ganito lang talaga utak ng isang toxicated na tao but I'm sure, hindi withdrawal syndrome ito na lagi nilang ijinojoke sa akin. Haha!

10 comments:

Belated happy birthday to you! :)

Galing ka pala syan sa OsMun, dapat dualaw ka sa blog ko ng mas maaga para naman nakamusta kita at di ka nag-senti mode dyan. Dito lang ako sa MBP banda (Madrgial Business Park).

MeL
December 16, 2008 at 4:20 AM comment-delete

sarap naman paduyan-duyan-----pero medyo parang toxic nga pag nurse ka ---minsan---kasi yung pinsan ko wl n nmng bakasyun this xmas-----naku---buti nalang poor kami at di ako napag-aral ng nursing ng mga parents ko---keke

December 16, 2008 at 4:51 AM comment-delete

pareho tayo malamig ang pasko. hehehe. sabi ng madre blessed single daw. kaya enjoy na lang muna natin. belated happy birthday!

December 16, 2008 at 5:22 AM comment-delete

Parang di ka naman toxicated. You looked very relaxed pa nga! ;)

December 16, 2008 at 8:09 AM comment-delete

haaaay

emo mga tao ngaun...

Bry
December 17, 2008 at 1:29 AM comment-delete

para naman relax na relax ka sa iyong duyan eh.

December 17, 2008 at 2:34 AM comment-delete

Advance for next year...

Hey! Thanks for your wishes yesterday!

I also hope you well today... and til forever.

KJ
(24 yo)

:)

December 17, 2008 at 6:08 AM comment-delete

Naku naleyt na pala ko...belated happy birthday na lang pare. Ang buhay nga naman sa ospital ano, minsan masaya, minsan malungkot at minsan puno ng katoxican. Ipagpatuloy mo lang, tyaga lang. Kamusta ang mga birds nga pala?

Napadaan lang...babalik ulit.

December 18, 2008 at 3:37 AM comment-delete

bakit naman senti lagi pag birthday! dami namang dahilan para maging masaya.

pero sige nasa sa yo naman yan kaya belated happy birthday!!! sana ay next year hindi na malungkot ang birthday mo.

December 18, 2008 at 4:05 AM comment-delete

belated hapi bday and meri xmas bro..uuy dec ka rin pala..sana maging hapi ang new year mo..

nand2 nga pala ako sa manila ngayon. i am meeting some bloggers..u may be free :) jst msg me :)

December 26, 2008 at 9:35 PM comment-delete