My Matabungkay Beach Experience!

Biglaan ang pagpunta ko with friends - Cam and Jesse sa Calatagan, Batanggas! Wala man lang preparations since kagagaling lang namin last night at Trinoma sa Red Box at nagkantahan kaming tatlo for bonding ng magkakaibigan kasi bithday ni Cam.

Taga-Calatagan, Batanggas si Cam kaya anytime na gusto niyang umuwi ay makakapunta siya doon samantalang kami ay hindi pa naman nakakarating doon. Umaga na ng tinext kami ni Cam kung tutuloy kami ng Calatagan kasi uuwi rin siya doon at nagreply naman ako ng OO kahit alam ko na kapos ako.

Nagkita-kita na lang kasi sa bahay nina Jesse sa Alabang tapos sumabay kami sa sasakyan nila papuntang Batanggas. Ang balak sana ay sa Golden Sunset Resort ni Mr. Ricky Reyes pero since pool lang siya at hindi pwede that time na paliguan ang dagat ay nagpasya na lang kami na mag-Matabungkay. Nice 'di ba?


Ang entrance ng Golden Sunset Resort! Ang layo pala!

First naming hinanap doon ay ang pwede naming cottage na matutuluyan since sa gabi ay uuwi kami sa bahay nina Cam at dun kami matutulog. Kainitan ng hapon pero hindi kami agad naligo kasi gusto naming magala kahit papaano.

Nag-arkila ng boat pati na rin ng videoke para naman maaliw-aliw kahit paaano. Though, paliligo sa dagat ang ipinunta namin doon, kailangan pa rin ng ibang libangan - may food trip din, nagpahenne tattoo rin at kung ano-ano pa para masulit naman ang pagpunta doon.

View ng Matabungkay mula sa bangka na sinakyan namin.

Suntukan tayo! Laro-laro lang iyan ha!?

May jetski rin kaso 'di namin afford.

Ang mahabang dalampasigan ng Matabungkay..

Pwede nang maligo, palubog na ang araw!

Ang floating cottage...

Ang aming bangkang sinakyan...

Palubog na ang araw kaya maganda nang time para magswimming! Maitim na kasi ako kaya mas masagwa kung iitim pa ako kaya night swimming nag gusto namin. Yahoo!

Malalakas ang alon nung pumunta kami at 'yun ang ang the best dun! Gabi kaya hindi namin alam ang mga nilalanguyan namin. Nung medyo mapagod na kami sa paglalangoy ay naglakad lakad kami sa mapalit sa mga cottages and guess anong mga nakita namin - mga dumi at mga seaweeds!

Okey lang, gabi naman e! Hehe :)

Ang mga seaweeds kasama ang mga dumi...

That's me!

Well, nice adventure naman kahit biglaan at kapos kami sa allowance! Sana marami pang mag-invite ng adventure para naman marami pa akong magalaan. Natawa nga ako sa text ng isa kong textmate, pwede raw niya akong lagyan ng tag as in, "Lionheart, ang galang nurse!" Haha!
post signature

19 comments:

ay chubby pla si lion heart..heheheehe

May 22, 2009 at 6:56 PM comment-delete

haha supposed to be may gimik diyan tonight sa redbox with...

May 23, 2009 at 3:28 AM comment-delete

tama yan chard magstomach in ka, pag picture taking, hehe..

ang ibig ko sabihin tama iyong nite swiming kase, baka di na kita makilala pag nagkita tayo ulit..

kaingit ka naman..naala ko iyong mga ganyang adventure.

ingats lagi.

May 23, 2009 at 7:21 AM comment-delete

saya ah. naririnig ko na tong lugar pero hindi ko pa napupuntahan. saya naman basta saya din ng mga kasama.

May 23, 2009 at 10:43 AM comment-delete

katukayo, salamat..

btw, certififed lakwatsero ka na ah.. kahit sa'n napapapadpad.. heheh..

sana sa sususnod, kasama na ako.. lol

May 24, 2009 at 4:12 AM comment-delete

@ Yatot : Sa dami ng pictures ko na ipinost... Pic ko lang ang nakita mo~! Hehe :)

@ RAra : Ganun ba? Yayain mo naman ako minsan... Lalo na kapag kasama si ****** Alam mo na iyan!

@ AJ : Kailangan e! Pero sa totoo, pumayat na po ako since nung nagkita tayo noong January... Medyo malaki na ang pinayat ko...

@ Dong : Hehe! Maganda naman ang lugar at nakakatuwa! OO nga pala... Kelan adventure natin?

@ Katukayo : Sure, why not!? Hehe :) Goodluck sa exams... Happy Birthday my friend!

May 24, 2009 at 4:31 AM comment-delete

wow! nakakainggit naman! ako kahgapon lang nag start ang bakasyon ko kahapon lang kasi natapos ang summer class ko tsk tsk.,. hayz! sana may mapuntahan pa akong mga beaches hehehe

nyways, bro, can you support me here: pls pls!!

http://fjordz-hiraya.blogspot.com/2009/05/am-i-user-friendly.html

super thanks!

May 24, 2009 at 5:47 AM comment-delete

buti ka pa nakapagbakasyon. inggit na naman ako. tsk tsk

May 24, 2009 at 5:56 AM comment-delete

RICHARD!

Na remember ko bigla yung nyt swimming namin ng grupo. sigh.... those were the days.

May 25, 2009 at 12:50 AM comment-delete

wow! matabungkay! talagang sinusulit mo ang bakasyon ah? hehe!

parang ginabi na ang picture-picture! hehe!

---
epistaxis ba? squeeze the nares and lean forward. GO! hehe! thanks, chard.

May 25, 2009 at 3:16 AM comment-delete

Nice adventures dito sa blog mo... Magkahawig ang theme natin... Will always visit...

Thanks for dropping by my site....

May 25, 2009 at 4:09 AM comment-delete

nakakatakot naman yugn suntukan. kahit laro laro yun, masakit pa rin yun db? haha

btw, hello from achi V's blog.
-shobe

May 25, 2009 at 5:01 AM comment-delete

@ Fjordan Allego : Actually, may Summer class pa ako hanggang May 30... Talagang humahanap lang ako ng time para makapagsaya!

@ Allen Yuarata : Saan ka ba naglalagi tuwing vacation? Tsk! Tsk!

@ KRIS JASPER : Remembering HS days pala ha... Hehe :) Well, ngayon lang ako nag-eenjoy ngayong college. Highschool ko kasi ay mahigpit e... Walang gala...

May 25, 2009 at 6:51 AM comment-delete

@ lucas : Syempre namn... Minsan na lang ito... Gagraduate na ako this October kaya sinusulit na... Wala na kasing hihingan ng allowance e!

@ coolwaterworks : Thanks din... PArehas pala!? Hindi ko napansin! Hehe :)

@ Shobe : Thanks Shobe for dropping by! Well, laro-laro lang naman... Hehe :) Katuwaan lang naman. Alam na nila ang mga ginagawa nila... Matatanda na iyan! Hehe :)

May 25, 2009 at 6:53 AM comment-delete

Nakarating na rin ako sa Matabingkay last Summer 2006 dahil sa company outing namin noon. Maganda ang tanawin doon, lalo na approaching...

Natawa ako sa 'tag' na ididikit ng textmate mo. Hahaha! o",)

RJ
May 25, 2009 at 4:17 PM comment-delete

aba naka toplesssssssssssssss!!!!

June 13, 2009 at 2:08 PM comment-delete

wow ang ganda naman dun...

natawa ako dun sa mga ngsusuntukan,haha

June 20, 2009 at 8:29 PM comment-delete

wow! i wish i can go that place also...

July 4, 2009 at 5:53 AM comment-delete

hi ask ko lang,,, magkano kaya yung pinaka murang room rates dun sa matanungkay..?

vanessa caraballlo
December 17, 2012 at 11:59 AM comment-delete