Of Blog Break.... Case Presentations... and Seminar in Nursing!

Mahirap talaga ang buhay lalo na’t graduating ka na. This October ako gagraduate at sana lang ay makapag-apply na ako for the board exam at magkaroon talaga ng magandang review. Hindi na nga ako halos nakakapag-update at nakakapag blog walking dito sa Blogosphere dahil sa sobrang dami ng ginagawa. Kung free man ako, sa Facebook naman ako nagbababad sa sobrang pagkaaddict ko sa Restaurant City.

This past few weeks ay naging busy ako sa preparations sa aming Case Presentation at V. Luna Medical Center pati na rin sa Seminar in Nursing. Nagkasabay-sabay ang mga gawang ‘yun in almost a week kaya naman isang linggo rin akong walang tulugan like my other group mates.

Cystolithiasis; Neurogenic Bladder secondary to Spinal Cord Injury T11, T12, L2 secondary to fall ang aming ike-case presentation sa hanap ng aming mga panel. Diagnosis pa lang ng patient naming ay epistaxis (nosebleed) na! Kailangan talaga naming mag-aral for this one kasi nakakahiya naman kapag pumalpak pa kami since last case presentation naming ito dahil gagraduate na kami this October.

Kung effort lang ang pag-uusapan ay papasa na kami dahil sa mga sacrifices na ginawa naming for this case presentations. Mga walang tulugan nights pati na ang magrent ng 2 malaking rooms sa isang hotel at San Andres, Manila para magkasama-sama kaming group sa isang gabi para aralin namin ang case presentation namin.

Good to say na naipasa namin ang aming case presentation (September 12, 2009 : Saturday) with flying colors pa! Syempre, tuwang tuwa ang Clinical Instructor namin at halos paulitin niya ulit kami sa pagpepresent ng case namin. Talagang mahirap ang case presentation pero sa group effort na rin namin ay nalampasan namin ito.

Next naman ay ang aming Seminar in Nursing entitled “Empowering the Mind, Improving Quality of Life Through Spreading Awareness on Colon Cancer”. This time, ako ang head ng Technical Committee pati sa stage design and this time sasayaw ako for the intermission number. Lagare ako sa seminar naming ito.

Syempre, last performance ko na ito with my classmates dahil last semester na namin ito together kaya lahat-lahat na ay gagawin ko. Katuwaan lang naman ito para hindi nila ako makalimutan lalo na sa kakulitan ko.


Our section with Dean Talag, Our adviser - Aaron Teofilo and the speaker Nelda Escueta.


Si Mrs. Nelda A. Escueta RN, ET, MAN ang speaker namin from Philippine General Hospital last September 15, 2009 (Tuesday) from 1:00pm to 4:00pm.

For the program proper - lighting, stage design, mga music at videos na ipeplay ay ako ang naka assign since ako ang head ng Technical Committee naman. Naging okey naman ang program from invocation na ginawa ko ‘yung video slides for Lead Me Lord na kinanta naman ni Federico Magat.


The technical team


Almost 2 hours and a half ang naging time ng speaker para sa Colon Cancer topic and after that ay ipinlay naman ang interview namin sa Dean ng Family Clinic College na si Ma’am Villalon na pinagbigyan kami for the interview despite sa mga busy schedules niya as a dean ng college nila.




The dancers....

At pagkatapos noon ay ang pinakaaabangang intermission number namin na dance na remix ng Love Game, Nobody but you pati na ang Fire. Korean music invasion nga ang aming seminar intermission e! Syempre ang sinayaw namin ay ang Nobody but you ng Wondergirls pati ang Fire. Ala-Wondergirls kami sa intermission na ito with Rupert Arciaga, Marion Tarnate, Jimuel Gomez, Nikki Capili at saka syempre ako. Hehe :)
At the dressing room....Sige... pakapalan na ng mukha!


Nobody, nobody batchu!


Nagtatago ako... sa kahihiyan!



Konting dignidad lang for the day... Hahaha!

Naging maayos naman ang flow ng program hanggang sa matapos. ‘Yung food for the speaker pati na ang mga faculty na umattend ay courtesy by Golden Success Review Center kung saan nagrereview ako ngayon.
‘Yung food naman for our section naman ay kasama sa ambagan namin na niluto ng food committee headed by Anna Riza Magtira. Since hindi pwede sa Paco Park nung time na ‘yun kasi sarado na ay sa labas na lang ng Paco Park kami. Wala nang arte-arte since magkakaklase naman kami at sayang din ang food na hinanda ng food committee.
Mukha raw akong manager ng Yellow Cab dito!

post signature

10 comments:

hey hey hey :P

September 20, 2009 at 7:55 PM comment-delete

Busy ka pala sa school presenttion and more. Sabi ko na nga ba NOBODY ang sinayaw nyo. lol. Take your time and goodluck

September 21, 2009 at 12:06 AM comment-delete

nyahahahhaha sigurado ako di kayo nagprepare sa intermission... pati damit di talaga pinaghandaan... jijijijijijiji...

September 21, 2009 at 3:30 AM comment-delete

Nash: Yes??

Redlan: Masyado bang predictable? Uso pala talaga?

Xprosaic: Hahaha! Ganun ba? Laking kahihiyan nga after e... Parang ayaw ko nang pumasok.. Nagkalat pa sa FB and pics ko...

September 21, 2009 at 6:27 AM comment-delete

sarap balikan ng buhay student nurse talaga, gudlakgudlak!
lalong lalo na sa career as kpop performers, good job!hehe

September 21, 2009 at 8:57 AM comment-delete

lapit na talaga. konting tiyaga na lang. masaya na talaga pag malapit nang matapos.

good good luck. sumayaw pa. hehehe...

September 22, 2009 at 6:26 AM comment-delete

Haha! Please don't tell me isa ka sa mga sumayaw!

Wahahahahahaha! Great job!

September 22, 2009 at 6:15 PM comment-delete

ang saya nyo naman..ang lupit ng production number nyo ah. naku, mamimis mo yang mga kalokohan nyo dyan for sure..buti na lang naidiary mo ano.

AJ
September 24, 2009 at 2:56 AM comment-delete

Prioritize mo yung board exam Richie..... Yan lang ang ma-e-aadvice ko 4 U....

October 3, 2009 at 8:56 AM comment-delete

EAC ka ba graduate boy, dun din kapatid ko, kakagraduate lang niya this year, pero hindi this oct.

November 27, 2009 at 9:56 PM comment-delete