Tibaw - Pababang Luksa

Ricardo De Lara Paglicawan
June 5, 1940 - March 23, 2009

Ngayon ang TIBAW o ang sinasabi nilang Pababang-luksa sa kamatayan ng Daddy ko. Inatake siya sa puso last year and sobrang kinagulat namin 'yun. Nung gabi kasi bago mangyari 'yun ay tinatawagan ko siya pero hindi ko siya nakausap dahil nagagala raw sabi ng Mommy ko at hindi ko ineexpect na 'yun na ang huling beses na matatawagan ko siya (pero hindi ko pa nakausap). At saka katatapos lang ng operasyon ng Mommy ko kaya talaga namang nakakagulat ang mga pangyayari.

Katabi niya sa libingan ang Nanay at Tatay niya...

Akala ko ang Death Anniversary at parehas lang ng Tibaw or ng Babang-luksa. Magkaiba pala ang dalawa kasi 11 months lang ang bilang ng Pababang-luksa. Kaya naman ngayong araw na ito (February 23, 2010) ang Pababang-luksa.

May mga nagtatanong kung nakamove-on na raw ba ako sa pagkamatay ng Daddy ko at ito naman ang sagot ko sa kanila:

Ang hirap magsabi na nakamove on na ako sa mga nangyari,
kasi knowing na habangbuhay na wala na ang Daddy ko,
habangbuhay din akong magmomove on. But I have
to be okey for my Family....

Mahal na mahal ko ang Daddy ko at ang dami naming pangarap kasama ng Mommy ko. Dumating ang birthday niya (June 5, 2009), hanggang sa pinakaaasam niyang graduation ko (October 30, 2009), pati kasal ng Ate ko (December 26, 2009), pati na rin ang Pasko at Bagong Taon na wala siya - Mga espesyal na okasyon sa pamilya na ang sarap-sarap iimagine na andiyan siya.

For now, andito ako sa Manila (hindi kasi ako nakauwi ng Mindoro due to some reasons) at magpapamisa na lang ako mamayang 6pm mass sa may simbahan malapit sa amin at ang Mommy ko naman ay naghanda doon sa Mindoro at may padasal din for nine days at pamisa.

Paborito niya mga fresh flowers...

Maraming bagay sa mundo na parang ang hirap unawain at intindihin pero ganun talaga e. Kailangang tanggapin ang lahat kasi sa huli, ikaw rin ang mahihirapan.

Ang dami kong tanong nung namatay ang Daddy ko, ang dami kong gustong sisihin at ang dami ko ring gustong saktan. Pero dahil na rin sa Daddy na sana ay masaya na siya sa kinaroroonan, at sana rin masaya naman siya kung ano na ang kalagayan namin ngayon.

Kung makakausap ko lang ang Daddy ko, ito ang mga sasabihin ko sa kanya:

I love you Daddy!
I miss you so much!
Miss ko na lahat ng asaran natin!
Miss ko kung paano ka magalit.
Miss na miss ko ang paghagulhol mo habang tinatawagan kita.
Miss ko na ang tagapagtanggol ko...
Miss ko ang mga luto mo...
Miss na miss na kita, sobra!

Habang sinusulat ko ito ay pinakikinggan ko ang song na ito
This is the video courtesy by martaclaga

Barbra Streisand - Evergreen (BARBRA The Concert, Live at the MGM Grand - December 31, 1993/ January 1, 1994) 

Ang song na ito ang Wedding song ng Mommy at Daddy ko... 


post signature
Share

29 comments:

sorry to hear that. at least nakasama mo dad mo di ba :)
marami jan they never had the chance to live with their dad.

www.monzavenue.com

February 23, 2010 at 12:28 AM comment-delete

Malapit na nga pala ang death anniv ng tatay mo!

Alam kong masaya na sya kapiling ng Lumikha!

Ingat bro

February 23, 2010 at 12:29 AM comment-delete

My condolences to you and your family. I can imagine how heartbreaking this must be. But hopefully you are comforted by the fact that he is now with God.

Sa tingin ko nakakabuti sa iyo ang pagsulat about it. Nakakatuwa mabasa na naaalala mo ang mga gusto nya. :)

February 23, 2010 at 12:37 AM comment-delete

@ Mon : Salamat... Iniisip ko na lang good memories with my Daddy...

@ Drake : I hope so... :) I am praying...

@ ReyJr : Salamat Friend... I will!

February 23, 2010 at 12:56 AM comment-delete

I know whenever he may be, he will always be there to guide you and your family..

February 23, 2010 at 2:01 AM comment-delete

life is life... mahirap man tangapin ang mga masakit na nangyayarisa buahy, pero masarap malaman kung ang tao na yun ay masaya na.

February 23, 2010 at 5:13 AM comment-delete

aww... parekoy. So sorry to hear about your dad.

We all know na may reason si Bro. kung bakit nangyayari ang lahat ng ito sa ating mga buhay... yeah, tama ka na you have to be strong dahil anjan pa naman sina mama mo at mga kapatid mo... di pa naman katapusan ng lahat. Be strong and always pray to Him.

Narinig ko na rin yang term na "Tibaw" dito sa amin... yung friend ko na may-ari ng internet shop dito sa amin, taga Lubang Island sa Mindoro sila ^_^

God bless!

February 23, 2010 at 5:27 AM comment-delete

tama si Mon kuya lionheart.
at tama ka din na mas dapat mo isipin yung mga good memories. :)

February 23, 2010 at 8:10 AM comment-delete

Condolences po and kaya mo yan!

February 23, 2010 at 1:41 PM comment-delete

So sorry about it but I know ur a one brave man....

Pag nabasa ng dad mo ang blog na to I know He is so proud of you to have such a loving son...

God Bless!

Jag
February 23, 2010 at 6:13 PM comment-delete

my heart goes to your family bro.

alam ko pakiramdam nyang biglaang pagkawala ng ama. 14 years na, pero kahit anu mang mangyari, di mawawala sa alaala ng lahat yun.

makakamove on ang lahat, pero ang maganda, matitira sa isipan ang mga magagandang alaala, at may guardian na kayo kahit ano mangyari.

God bless. ^^

February 23, 2010 at 7:04 PM comment-delete

my sincerest condolence lionheart..

Anonymous
February 23, 2010 at 9:22 PM comment-delete

I'm really sorry to hear that.
He is surely with you forever.
My heartfelt condolences.

February 23, 2010 at 10:01 PM comment-delete

Hi richard,

ang bilis ng panahon noh. You have to be okay para maging okay na rin ang daddy mo with God. :D

TC

Anonymous
February 24, 2010 at 5:25 PM comment-delete

hi chard. longtime! txs for keeping me posted.. di nake ko nakkpgsulat ngayon eh..

hope u would finally move on..kaya mo yan. your one strong person naman e :)

AJ
February 24, 2010 at 9:31 PM comment-delete

Do things na ikaka-proud niya. Sa pamamagitan nito, magiging masaya siya.

RJ
February 24, 2010 at 10:02 PM comment-delete

my warm condolonce to your family... it really hurts when someone you love dies.

February 25, 2010 at 12:03 AM comment-delete

naalala ko to dahil nagtext ka sa akin. dadaan lang naman yan at siguradong masaya na siya ngayon.

February 25, 2010 at 6:07 AM comment-delete

you've been through a very hard year pala last 2009. Im very sorry. Bilid ako sayo at tuloy parin ang buhay and despite the painful events sa buhay mo you still make the most of what you have....keep walking.

February 26, 2010 at 8:14 PM comment-delete

I know how it feels to lose a dad.

I also lost my father almost ten years ago but he still appears in my dreams from time to time.

Just remember, we are all mortals and that death is not the end but the beginning of another life.

February 28, 2010 at 2:34 PM comment-delete

Pareho pala tayong ulila na sa Ama. Pero bata pa ako nung namatay ang Ama ko, back nung Valentine's Day nung 4th year high school ako. Imagine, nasa JS Prom ako habang nasa hospital siya.

Tama, mahirap sagutin ang tanong kung nakamove on ka na. I am in tears kapag iniisip ko palang na come the day na ikakasal na ako, there won't be a father by my side para ihatid ako sa dambana.

Ako naman, ang kanta ko para sa kanya noon, Don't Fade Away. Ngayon, Dance With My Father :)

March 1, 2010 at 1:17 AM comment-delete

my dad went six feet under, too. actually, having people asked you if youve already moved on can be very insulting.. inevitably, you tell them everythings ok, pero ok nga lang ba?

N.
March 1, 2010 at 2:36 AM comment-delete

your dad was blessed to have had you

March 1, 2010 at 7:58 AM comment-delete

you are a sweet son. i guess kahit matagal na the pain still lives?

Anonymous
March 2, 2010 at 8:41 PM comment-delete

This comment has been removed by the author.

March 7, 2010 at 12:44 AM comment-delete

hi! na curious lng ako sa surname mo Paglicawan din kc ung hubby ko they're fr Batangas and Mindoro.

Na sad nmn ako sa blog mo ive lost my dad when I was 7 so ive never had the chance to bond with him..

March 7, 2010 at 1:33 AM comment-delete

I agree with Jag. Your father will be proud of you when he can read this blog.

I lost my father when I was only 15 years old (I am the eldest) and it was very difficult. But life must go on and we had to strive hard to cope to loose of our father...

March 9, 2010 at 9:59 AM comment-delete

I always love online games and I'm thankful to chardy because he even consider to blog about it....

thanks a lot chard....

ah... more power to all your blog..
keep on posting everything ^^

Jenilyn Mercado
March 29, 2010 at 3:59 AM comment-delete

my sincerest condolence lionheart..

November 30, 2012 at 4:26 AM comment-delete