Penitensya 101 : Kudlit
Mahal na araw na naman! Marami na naman ang naglipanang mga nagpepenitensya. Iba’t-ibang mga pagpapahirap sa sarili bilang paraan nila upang magsisi, magbago o dili kaya’y gunitain ang pagpapahirap kay Hesukristo.
Dito sa amin, mula sa edad na kinse (15) ay nagpepenitensya na sa paraan ng pagpapakudlit sa likod. May kanya-kanya silang kadahilanan kung bakit nila ginagawa ito:
- Tipo
- Korona
- Palawit
Para naman mas maganda ang kanilang panata ay may mga sumasabay sa kanilang mga nagbabasa ng pasyon. Binabasahan sila ng ilang pahina ng pasyon hanggang sa umiikot sila sa buong baranggay.
Ang tipo rin ay binabanlawan sa dagat para naman sa mga susunod na gagamit nito.
Ano man ang mga dahilan sa pagpepenitensya, mababaw man o hindi, ito ay isa nang tradisyon nhindi lang dito sa amin sa Paluan, kundi sa iba pang panig ng Pilipinas.

Share
Dito sa amin, mula sa edad na kinse (15) ay nagpepenitensya na sa paraan ng pagpapakudlit sa likod. May kanya-kanya silang kadahilanan kung bakit nila ginagawa ito:
- Gusto nilang baguhin ang sarili nila at nangangakong hindi na nila uulitin ang nakagawian nilang mali.
- Nagsisisi sila sa isang kamalian at nangangakong hindi na ito mauulit.
- Meron naming nakapasa na siya sa Elementary or High School kaya nagpapakudlit.
- Gusto niyang magbago ang tatay or nanay niya kaya niya iyon ginagawa.
Ang mga nagpapakudlit ay naghahanda ng mga sumusunod:
- Tipo
- Korona
- Palawit
Pagkatapos naman ay bubugbugin ang likod nila gamit ang tipo hanggang sa ito ay mamula.
Kapag mapula na ang likod ay saka na pagpapakudlit ng pwedeng 9:9 o kaya’y 12:12 depende sa tantiya ng nagkukudlit gamit ang isang labaha.
Pagkatapos noong ay hahampasin na ito gamit ang tipo hanggang sa magtuloy-tuloy ang dugo at hindi ito mag-ampat. Habang nagdudugo ito ay iikutin mo ang buong baranggay at dadaan sa may simbahan para magdasal.Para naman mas maganda ang kanilang panata ay may mga sumasabay sa kanilang mga nagbabasa ng pasyon. Binabasahan sila ng ilang pahina ng pasyon hanggang sa umiikot sila sa buong baranggay.
Ang ilan sa mga nagpapakudlit na ito ay umiinom ng beer para daw pampadugo at para naman mapakaunti ang sakit na nararamdaman nila dahil sa kudlit. Ang ilan naman ay pinaiinom ng malasadong itlog para raw hindi masyadong manghina.
Kapag less na ang dugo ay patitigilin na ito sa pag-ikot sa baranggay para magbanlaw na sa dagat. Naliligo muna ang mga penitensya sa dagat at saka naghihilod ng likod para mawala ang dugo at saka pinipisil nila ang mga kudlit para naman mawala rin ang mga mga namuong dugo. Mainam din ang tubig dagat para hindi makadagdag ng impeksyon.
Ang tipo rin ay binabanlawan sa dagat para naman sa mga susunod na gagamit nito.
Ano man ang mga dahilan sa pagpepenitensya, mababaw man o hindi, ito ay isa nang tradisyon nhindi lang dito sa amin sa Paluan, kundi sa iba pang panig ng Pilipinas.

Share
25 comments:
Aw ang hirap di ko ata kaya yun hehe.
Ni hindi ko kayang manood ng ganyan...
Sabi nga ng isang ka-blog natin... hinditayo maliligtas ng ating mga tradisyon...
Ganunpaman, hanga ako sa mga taong ito dahil kinakaya nila ito kapalit ang kaptawaran ng Panginoon.
Maganda ang blog mo, brod... ipagpatuloy mo...
Scary!!! kapag may napapanood akong ganyan sa TV nanghihina ang tuhod ko at hindi ako makahinga nang maigi... sa personal pa kaya? Ouch...
anu ba yan--- sorry to say but i dont think its proper to hurt ourselves in order to remember Jesus' sacrifice for us.
ay grbi... sakit nmn sa katawan nyan... pero ito lng e kht nmn sktn natin ang mga katawan natin hangat di natin binabgo ang ugali natin useless din... its a good tradition, pero sna isa puso hndi ung puro sa gwaw lng.... salmat
syaks..
kinilabutan ako sa ibang pics...
haaaayst.
nice!
aww shemay! ang saket!
Waah! masakit yun ah... sabay babasain sa tubig dagat? hapdi >_<
happy easter parekoy!
dito din samin may ganiyan. my friends did it tapos nakalimutan ko nahampas ko yung isa sa likod kahapon LOL
care to exchange links to our other blog www.mondenero.com??
siguradong ang hapdi ng mga yan lalo na pag lumangoy sa dagat na parang isang agua oksinada.
havent tried featuring those doing that. nice that you were able to converse with them.
grabe---first time kong nakakita ng ganito na pinapalo ang sarili nila sa likod hanggang puro na dugo...ako ang nasasaktan. grabeng sakripisyo talaga.
Mukhang masakit... @ mahapdi. pray lang yata ang kaya kong gawin, di physical pain.
:( hindi naman nila kailangang gawin yan diba? awww..
hala... karayom nga lang, masakit na. yan pa... hehe
bilib ako sa mga nagawa ng ganyan!madugo!
ouch. ;(
Haha, kanya kanyang paniniwala lang yan... Though yun pinaka importante is yun pag sisisi nga nila sa mga nagawa nila na mali. Pero hindi naman tama na pwede silang bumalik sa pag gagawa ng mali dahil may ideya naman sila kung pano ulit mag sisi.
Awww! That hurts!
Napadalaw uli pre...
Try this templates...
Better for your blog:
http://www.cahayabiru.com/
http://www.web2feel.com/browse-themes/
Excellent pictures man
Hi, Richard. Good day...
Nice feature. I don't think I'll be able to endure this...
oh...!
Hello. Often the Internet can see links like [url=http://www.whitehutchinson.com/aboutus/]Buy cialis without prescription[/url] or [url=http://www.rc.umd.edu/bibliographies/]Buy cialis without prescription[/url]. Is it safe to buy in pharmacies such goods?
Post a Comment