Finally...


"Last month, nanaginip si Mommy ko.
She saw me with my Lolo (he's holding my hand
and we're walking at the bridge)."


Kinwento sa akin ng Mommy ko 'yan a week before my board exam. Syempre, as usual, pinakinggan ko lang pero hindi ko ninamnam kung anong ibig sabihin noon dahil masyado akong kabado dahil nga board exams na in a week.

Aminado naman ako na tamad talaga ako especially pumasok sa review. Kung hindi masakit ang ulo, nilalagnat ang reasons ko para hindi pumasok. Wala lang, just an excuse kasi nag-eenjoy akong matulog. Gusto ko kasing itulog ang pressure at ang kaba na nararamdaman ko.

Nakapag-exam naman ako at syempre, ang pinakamahirap sa lahat ay ang halos 1 month na paghihintay sa results. Mas kabado ako since alam ko na hindi ako ganun kaconfident with myself. I know I have the knowledge pero syempre, sa katamaran ko at mga pinaggagawa kong kalokohan, hindi ako sigurado.

Nangyari pa na pauwi pa ako ng Mindoro ng date kung kailan lalabas ang results ng Nurse Licensure Examinations. Mas lalo akong kinabahan kasi, alam ninyo na, probinsya ito, kapag nalamang bumagsak ka or pumasa ka, balitang-balita ako sa buong kanayunan.

Kumakain ako with my Mommy at Ate ko nang biglang magring ang phone ni Ate ko. I know na lumabas na ang board exam results kaya tahimik na tahimik ako kasi hindi ko naman alam kung pumasa ako. Wala rin kasing internet dito sa amin sa Mindoro kundi sa bayan pa. At nang tinanong ako ng Ate ko kung alam ko raw kung kelan ang labas ng results ng board exams, syempre ang sagot ko ay hindi ko alam. Mas mabuti na 'yun kesa sabihin kong alam ko kasi mas lalo akong kakabahan.

Natuwa lang ako nang finally binati ako ni Ate ko at pinakita sa akin na nakapasa ako. At first, sobrang doubtful pa ako kasi ang hirap talagang maniwala. Baka kasi joke lang 'yung ipinakita niya sa phone niya. Sobrang saya ko to finally confirmed na pasado na ako sa Nursing Licensure Examinations! RN na ako! Woot! Woot!

It happened pa na nasa Mindoro ako nung lumabas ang results ng board exams. Walang internet at talagang wala pa akong alam kung kelan talaga lalabas ang results ng board exams. Maraming salamat na lang sa mga taong nag-aabang ng results for me kasi sila 'yung nagbalita sa amin.


Thanks to all those people na bumati sa akin thru Facebook and Twitter at pati na rin sa text.

Finally, I am now Mc Richard Viana Paglicawan, RN!

After naming kumain, napagkwentuhan namin ang panaginip ng Mommy ko. Nagkaroon na ng meaning ang naging panaginip niya. Just like the bridge... It shows new life, new hope and new beginnings! Congratulations to all those new RNs na kasabayan ko. Go Pinoy Nurses! Mabuhay!

Share

7 comments:

congratulations RN Richard!!! You made it! ayos :D

August 20, 2011 at 3:09 PM comment-delete

Congratulations!

You're Making great things possible!

Roy
August 20, 2011 at 6:34 PM comment-delete

ayun oh! congrats pre :)

sali ka dito http://www.pinoyblogawards.com/2011/04/criteria-guidelines-2011.html :D

August 21, 2011 at 10:34 PM comment-delete

congratulations Richard. magandang simula. good luck sa bagong simula.

August 22, 2011 at 7:06 AM comment-delete

congratulations!!!professional nurse kana.although sinabi mo sakin na parang ayaw mo ipractice. sana i-try mo parin. you never know kung maeenjoy mo.malay mo dyan mo mahahanap fullfillment mo sa life .:D

August 29, 2011 at 7:43 AM comment-delete

Congrats! :D

August 31, 2011 at 12:43 AM comment-delete

congratulations RN Richard!!! You made it! ayos :D

December 6, 2012 at 10:22 PM comment-delete