Saddest news report today...

Maraming buhay ang nawala, nawasak na mga kabahayan at kabuhayan, marami pa rin ang nawawala... Pero kahit ganun, kailangan pa ring ipagpasalamat ang mga buhay na naligtas sa pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan.

'Mag-anak, kinailangang maghiwalay para lang mabuhay' report by Jun Veneracion for "24 Oras."

Ito na siguro ang isa sa pinakamasakit at pinakamalungkot na nangyari sa isang pamilya dahil sa Bagyong Yolanda na tumama sa Pilipinas, pitong araw na ang nakalilipas.

Napakasakit sa isang magulang na mawalay sa anak at ganun din sa anak sa magulang. Hindi ko lang mabatid kung papaano masikmura sa report na ito na iwan ng anak ang kanyang edad 78 na ina.

Hindi ko 'ata masisikmurang iwanan ang magulang ko lalo na sa ganyang sitwasyon... kahit pa may pamilya na ako.. Hindi ko naman masisi 'yung anak kasi I think she's between keeping the family together or risking the health of their children.... hard pick either way...

Ang magagawa ko na lamang ngayon ay lalo pang magdasal na magbago ang isip ng anak at wala nang iba pang katulad nilang pamilya ang kailangang maghiwalay dahil lang para mabuhay.

Share

0 comments: