Subic Madness

Kilala ba ninyo siya?

Nasa Subic kami sa isang resort doon, (bandang North) nang makita ko siya at talagang nagmarka sa isip ko na isang Reporter ang isang ito. Matagal naming tinitigan ng mabuti ng mga kasama ko just to make sure na siya nga iyon.

Pero matagal na siya sa harapan namin ay wala man lang nagpapakuha ng picture o kahit ano man. So, inisip na lang namin na kamukha lang. Hehe....

Until, nang humapon na, may mga nagpapakuha ng picture sa taong ito. So lumakas ang kutob ko na siya nga ay isang reporter (sa GMA7). Then nagpakuha kami ng pictures ng mga kasama ko at game naman siyang nagpakuha.

Alam ninyo ba ang dahilan bakit ako nakasimangot sa picture? Kasi nahihiya ako.

Kasi I called him Howie Severino, (name ng isang reporter din) at talagang malakas pa yun pero hindi pala siya 'yun. Siya pala si Raffy Tima. Kakahiya no?? Mabuti na lang, nakangiti pa rin siya kahit papaano. Hehe....

Pero okey lang, may iba pa kaming nakitang mga starlets at mga artistahin dun, pero ayoko nang pumatol pa... hehe :) Baka mapahiya pa e!

3 comments:

Yes... nice place subic....your great person... even though we didn't meet each other... anyhow.. you are an adventurer....I really like that... because of so many works that I had... I think I need to rest for awhile and revised all the memories that I have done good. Thank you so much and I have a hint from you.... continue of you have started... I will pray for you and the rest of your family... abi your friend here in parañaque....hope to meet you someday... and be with you somewhere....God Blessed...

abi
July 7, 2007 at 8:17 AM comment-delete

hindi na subic yan.. san antonio, zambales po yan known for its beaches. pundakit to be exact.

Anonymous
May 19, 2008 at 1:41 AM comment-delete

Thanks anonymous! At least alam ko na ngayon... hehe :) Alam ko na pundakit ang place na ito pero hindi ko talaga sure kung anong bayan sumasakop dito. Thanks ulit :)

May 26, 2008 at 12:47 AM comment-delete