Toxicated Life : The Beginning

Marami ang nagsasabing mahirap mag nursing! Totoo naman. Mahirap talaga lalo na kung wala ka naman talagang hilig.

This past 3 weeks, talagang halos hindi na ako nakakapag update ng mga blog ko. Talagang ang daming kailangang ipasa kasi Finals na rin at kailangang tapusin lalo na ang duty namin sa Guadalupe Lying-In Clinic .

Isa pa naming problema 'yung duty namin sa Pasay last August kasi hindi kami naka comply ng mga requirements sa kanila tulad ng CDX at ang mga individual requirements tulad ng Nurse's notes, Family Nursing Care Plan (FNCP), Initial Data Base (IDB) at iba pa.




Hayyy! Sana matapos na itong lahat para naman maging masaya na ulit at makabalik ako ng normal sa Blogosphere!

Pero kahit papaano ay may mga maliliit na Adventures pa rin akong nagawa like 'yung first na pagpunta ko sa Malabon last Wednesday para makipag adventure at ang pakikipag meet ko kay Bert Baltazar na isa sa pasok sa Top 10 sa Community clicks ng Community ko sa Mybloglog.com Para sa kaalaman ng marami, friendly meeting lang po ito at walang kung ano pa kahit alam ko na marami sa inyo ang nakakakilala kay Bert Baltazar at sa blog niya. We're just friends you know?!

So far ay hindi pa naman ako sumusuko sa mga ginagawang ito kasi happy ako at alam ko na start pa lang talaga ito.


Hehe :) Wala lang! Namimiss ko na ang mga friends ko dito sa blogosphere. Basta promise pagkatapos ng mga nakakapagod na gawain na ito, may pahinga naman. Last day na namin bukas sa Guadalupe Lying-In Clinic at may farewell party kami sa mga nanganak doon at sa ward at ang next rotation naman namin ay ang Manila Naval Hospital. Goodluck na lang talaga kasi mga army ang aming aalagaan this time. Huh!

6 comments:

take ur time richard. focus on ur studies. that's the one of the top priorities in ur life.

September 21, 2007 at 9:54 PM comment-delete

we missed u more.

September 21, 2007 at 11:23 PM comment-delete

hindi ko alam number mo paano kita itetext? he he..

naku isa ka pala sa league of nurse wannabe ng pinas.. napaka patok na career yan ngayon.. at pansin ko lang lahat ng kumukuha niyan eh nagrereklamo..

take it easy... langhap lang ng mabuting hangin, peace of mind chake sex, mawawala ang stress mo.. ;)

September 22, 2007 at 5:30 AM comment-delete

hi...

just blog hopping...

naku mahirap tlga ang nursing course ako man din na hirapan...pro kaya mo yan! do with ur heart!

keep posting! lagi na akong dadaan d2...feel free to visit again my site www.pinoynetwork.org/vera/
see u there -lionheart-

happy weekend!
cheers from Canada!

vera

September 22, 2007 at 7:14 AM comment-delete

Good luck on your TOXIC adventures!

September 22, 2007 at 12:18 PM comment-delete

Cute nung picture sa ibaba :)

September 23, 2007 at 1:21 AM comment-delete