You Eat Calamares?

Naalarma ako sa itinext na ito ng textmate ko na matagal na palang nagsicirculate sa lahat ng cellphone users dito sa Pilipinas.


WARNING: You must read this...

Hindi ba kayo nagtataka kung bakit ang calamares na tinitinda ay napakamura at malaki pa? Eh samantalang nasa 250Php ang kilo nito sa mga palengke. Eto 'yun, dinedeliver ito galing China dito sa bansa ng sako-sako at ibinebenta ng 1800Php lang kada sako. Mura 'di ba? Hindi ba dapat nasisira na ito kapag nasa biyahe pa lang? Ang sikreto.... Ang mga pusit na ito ay sagana sa formalin. Sarap 'di ba? Sige ha?! Enjoy Eating!
-A forwarded text message


Siguro nakatanggap na rin kayo ng ganitong mga text form your textmates din.
Kilala ako ng mga friends ko na mahilig magfoodtrip kaya nga kapag may mga sakit na naglipana dahil sa mga maruruming preparations ng mga pagkain especially sa mga kalsada, ako raw ang unang magkakasakit.

Isa ang Calamares sa mga kinahihiligan kong kainin ngayon. Kahit saang kanto na 'ata ng Metro Manila ay may mga nagtitinda nito. Ilan sa mga tinatambayan ko para magfood trip ay ang R. Papa St. malapit sa FEU at ang Teresa St. na daan naman to PUP.






Hmm... Ang sarap pa rin naman e! Sana naman ay hindi totoo ang mga text na ganyan at kung totoo man, sana ay mainform agad ang mga taong mahihilig sa ganyan. Sana ay hindi lang nakikisawsaw ang mga taong nagkalat ng text na iyan sa issue about sa mga products galing ng China.
Hayyy... Sa ngayon, stop muna ako sa pagkain nito hangga't walang confirmation. Prevention is better than cure pa rin 'di ba?

4 comments:

look yummy to me..thanks for the tag back and glad to see you back on the blog world. TC always.

October 9, 2007 at 11:22 AM comment-delete

ive read this msg sa friendster. how true dis is?

October 10, 2007 at 2:06 AM comment-delete

take care dear! aalis muna po me for 5 days. bakasyon grande muna sa riyadh at bahrain. babalikan ko kayo with good news from the places na pupuntahan ko po:D bye!

October 10, 2007 at 11:18 PM comment-delete

oh my gosh.. i haven't received any text about this. thanks for sharing it, graaabe naman kaya pala suuuper mura and masarap sya ;p sana hindi sya totoo dahil trip na trip ko pa naman ito sa flea market sa ortigas every saturday morning.

October 18, 2007 at 7:44 AM comment-delete