Our Tondo Medical Center Experience!

Matagal na rin akong hindi nakakahawak ulit ng PC para magpost dito sa beloved blog ko dahil talagang pamatay ang mga ginagawa ko ngayon. First, pinagkakaabalahan ko ngayon ang Thesis na talagang nagsimula sa "Personality Types and Intellectual Capacity and Efficiency of 3rd Year Irregular Nursing Students of Emilio Aguinaldo College" na title na after na magawa ang Chapters 1 to 3 ay saka naman nadisqualify kasi nga more on Psychology ang topic. Hayz! Ngayon naman ay "Factors Affecting the Anxiety of 3rd Year Irregular Nursing Students of Emilio Aguinaldo College on Operating Room" na nabago sa title na "Level of Anxiety of 3rd Year Irregular Nursing Students on Operating Room".

Four weeks dapat ang duty namin sa Tondo Medical Center kaso talagang ewan ko ba kung may malas talaga o talagang ayaw lang sa amin kaya hindi halos kami nakapagduty sa tondo Med. Every Wednesday night at 10:00pm to 6:00am ang duty namin for 3 days a week. Actually, dapat noong August 6, 2008 (Wednesday) at 10pm ang start namin ng duty sa Tondo Medical Center kaso hindi natuloy kasi hindi pa kami nakakapag-orientation dito. Noong August 7 naman ay hindi available ang CI namin kaya talagang wala na hanggang sa mag-8.

From August 14-16, 2008 naman ay Midterm examinations naman namin kaya wala talaga kaming duty. Last August 20, 2008 naman ay suspended ang class at duty kaya hindi kami nakapagduty. Kagabi lang kami nakapagduty at nalaman namin na 1st at last duty namin iyon sa Tondo Medical Center kasi talagang minalas kami. Kaasar talaga! Ang dami pa naman sana naming mga magagawa at matututunan kasi talagang hands-on lahat dito sa Tondo Med. May next week pa sana kami kaso ang C.I. namin ay hindi available dahil may seminar at sa Saturday naman ay may Skills Lab kami.

Well, para naman hindi nakakapanghinayang ang rotation namin dito sa Tondo Med ay sinulit namin ang gabi at wala talagang natulog. Buti naman at maraming pasyente at binuhos namin sa mga patient namin ang kagustuhan naming magstay sa Tondo.

TOdo ako sa charting ko at as much as possible ay talagang pinahahaba ko para masaya! Lahat na lang ng pwedeng sabihin ay sinabi na mapahaba lang. Well, para sa akin, isa ito sa best part ng nursing. Lalo na kapag may kasama kang ibang school sa shift kasi talagang mukhang may kumpetensya.

Nagfeeling RN na talaga para naman sulit talaga. Hehe! Tingin-tingin sa charts at saka konting kwentuhan at tawanan para naman malibang kasi talagang nakakaantok.

At before kami umalis.... Nag time-out sa Tondo kami. At least nagamit na namin ang DTR namin for the first time na hawak namin ito. Buong araw akong natulog kaya ngayon lang ako nakapa-update ng blog ko! Hehe!

Para naman sa mga nursing students, may blog po akong bago na ginawa, The Nursing Department (TMD). Hopefully ay may maitulong sa inyo!

17 comments:

OJT ba kayo? Mukhang exciting yan kaso mukha ngang mahirap na mag-OJT sa mga public hospitals. Parang macuculture shock ka. Not that I experienced it kaso graduate ako ng education and in our case, laki ng kaibahan pag practice ka sa private schools at sa public schools. I think you situation is the same.....
tama ba? Anyways, what is important parin is na-eenjoy mo ginagawa mo and I think you do. Good luck

August 23, 2008 at 2:00 AM comment-delete

Talagang mahirap magduty sa mga public hospitals kasi unang una na diyan ang environment. Airconditioned halos lahat ng private hospitals compared sa public.

Best thing naman in public hospitals here in the Philippines kasi hands-on talaga kami sa mga ginagawa kaya marami kaming natututunan compared sa private na hanggang vitals signs lamang kami.

August 23, 2008 at 2:22 AM comment-delete

wow, ang sisipag naman ng mga interns na ito... kahanga hanag..and to think nsa isang public hospital kayo where everything is limited..astig! :)

August 23, 2008 at 7:46 AM comment-delete

Ganyan ng talaga ang buhay estudyante. Palaging busy lalo na sa duty. At least may-apply mo rin yan in the future kaya pagbutihan. goodluck

August 23, 2008 at 8:06 AM comment-delete

dami mo ng blog site ah... sana ma maintain mo lahat...

anw, alam mo bang d2,yung nsg notes eh short and complete.. kaya every after shift ko, ang laging nakasulat eh:

"No new concerns."

yun lang talaga.

August 23, 2008 at 9:10 AM comment-delete

@ Edel : Ganun talaga! Kaya nga nagtatagal ako sa Nursing kasi masaya naman ako kahit papaano :)

@ Red : Hehe! Thanks! Talagang tiyagaan lang.

@ Kris : Ganun ba? Ewan ko ba? Sabi kasi ng CI namin kailangan mahaba e! Lahat halos ng pwede kong ikwento na ginawa ko inilagay ko na. Hehe!

August 23, 2008 at 7:12 PM comment-delete

Nang dahil sa iyo, nagiging interesting ang buhay ng isang nurse. Congrats!

August 24, 2008 at 4:06 AM comment-delete

hindi ko ma isip ang sarili ko na maging nurse. pero kuya ko nurse sya at masaya nga naman daw talaga ang trabaho.

August 24, 2008 at 11:28 AM comment-delete

@ Joms at Kuya Dons: Salamat naman at napadaan kayo! Hehe! Kapag gusto mo talaga ang isang bagay, kahit na anong hirap nito ay magagawa mo!

August 24, 2008 at 8:35 PM comment-delete

mukhang masaya maging nurse ah...though siguro nga medyo kahirapan, but its a noble profession... u 3rd year? my sis also is on 3rd year now taking nursing...

good luck sa thesis mo.

me
August 26, 2008 at 5:52 AM comment-delete

nakakamiss maging estudyante. tagal ko nag-aral. 4 years for CPA, 4 years sa Law at 2 years sa masteral plus review pa. mahirap pero fulfilling diba? kaya mo yan. ikaw pa.

by the way, if it isn't too much to ask (kakapalan ko na mukha ko), i am nominated in this pinoyworld blog contest and i need votes. please check the poll in my blog and vote for LAWSTUDE. thanks bro.

August 26, 2008 at 10:05 PM comment-delete

masaya ang buhay estudyante. challenging at the same time worthwhile... although never kong nakaexperience mag OJT. pero mukhang sa shift at location niyo parang walang tulugan nga iyan...

August 27, 2008 at 6:56 AM comment-delete

ganyan talaga pag malapit na makatapos sa school, nagiging hectic at toxic ang skeds. ganyan din ako nung graduating pa lang ako, thesis pa lang pamatay na! pero as long you love what you do, lalo na kung para sa pagtulong sa kapwa, walang dapat pagsisihan, right?

August 27, 2008 at 5:22 PM comment-delete

noble. but i hate hospitals. i just hate hospitals. :)

August 31, 2008 at 2:11 AM comment-delete

mapanood nga...

September 2, 2008 at 2:10 AM comment-delete

akala ko taga tundo ka talaga nung nabasa ko yung title ng post :)..I am from Tondo, pero ngayon yung youngest sis ko na lang saka family nya ang andun....

salamat sa pagbisita :)

September 2, 2008 at 5:31 AM comment-delete

Thanks for sharing the good and useful information here on the blog for us.
obat aborsi
tanda tanda kehamilan
obat penggugur kandungan

November 12, 2016 at 6:00 AM comment-delete