Me and a "Blogger"


Today, nakipagmeet na naman ako with a "blogger". You know what, 1 week pa lang talaga kaming magkakilala tapos niyaya ko agad siyang magala. Nagmeet kami sa Robinson's Galleria at syempre as usual, todo-adventure kahit papaano.

At first kasi, mukhang mahiyain ako pero sa pagtagal naman ng usapan ay makikilala mo na rin ako as kalog at talagang may sayad. Hehe! Taga-Mandaluyong 'ata ito... Naks! Well, sobrang nice kasi nitong "blogger" na ito na pwede nating tawaging J - KO or Jeez - Knock Out ka sa kabaitan ng taong ito.

Simple lang naman ang naging trip naming dalawa. Nanuod lang kami ng movie na QuickTrip sa Robinson's Movieworld - Galleria at Cinema 8. As usual ay nagkasundo kami na manuod ng Indie Film which both of us naman nakakarelate sa story.

After ng movie ay syempe nag-goodbye na muna kami at next time naman ay magagala ulit. He's a nice friend of mine now at talagang nagkakatext talaga kami. It's a nice experiance for me ulit kasi matagal na akong hindi nakakagala with a total stranger. At least may nadagdag na naman ako sa listahan ng mga bankable friends ko. Hehe!
Tuloy, nainspire akong gumawa ng poem para sa kanya. See it in my Literary Blog.

NhamNgaHanh is the founder and editor in chief of SimplexDesign blog ,a blog on Blogger tips ,tricks ,designer resources and many premium Blogger templates for free use.