My New Pet

Kahapon after class ay nagpasama ako kay Jen at kay Jesse sa Cartimar kasi balak ko na bumili ng love birds para may mapaglibangan naman ako sa bahay. Hehe! Nakakatuwa kasi kahit papaano na mag-isa ka mna may mapaglilibangan kahit papaano. Naisip ko na bumili na ng love birs dahil may aalis din na door to door na van to Mindoro (sa amin) at ipadadala ko ito pa doon paramihin. Actually, may 2 pairs na ako na love birds sa Mindoro. Pandagdag lamang ang mga bibilhin ko...

Hindi ko akalain na ang daming mga pwedeng alagaan ang mga ipinagbibili sa Cartimar. Sobrang natuwa lang talaga ako sa mga aso at lalong lalo na sa mga aquariums lalo na 'yung salt water aquariums na ang daming sea anemone.

Palakihan talaga ng mga aquariums dun at pababaan ng presyo kaya naman talagang nakakahumaling pati na rin mga halaman lalo na 'yung may malalaking rose.
And there it goes.... Bumili ako ng 1 pair ng African Lovebirds (tropical) at 'yung usual na lovebirds lang plus 'yung kulungan ay P1,800 lahat. Hayz!
Masyadong nahihilig na ako sa lovebirds ngayon. Iba kasi ang aura kapag may naririnig kang huni ng ibon sa bahay. Parang nasa probinsya pa rin. Kahit papaano, narerelax ako kapag nakikita ko sila. Hayz!

Kagabi ay dumaan na 'yung door to door sa bahay. Goodbye lovebirds! Pinadala ko na sila sa probinsya para naman matuwa ang Daddy ko. At least may bago na namang aalagaan ang Daddy ko at mapaglilibangan.

5 comments:

ayos yan..kaso ang mahal pala nyan....flowerhorn ko na isda dati binili ko ng 500 sang linggo akong simangot...lolz...

November 30, 2008 at 9:19 AM comment-delete

Hangkyut naman ng lovebirds. Pero mas maganda sana kung ang pagbibigyan mo eh 'yung gelpren mo. = D

November 30, 2008 at 5:56 PM comment-delete

Mahal pala ng lovebirds! [Mag-ingat sa bird flu... (,"o Wala na bang avian influenza ngayon?] Pero kahit mahal bastat hilig mo talaga.

Teka sino bang mahilig sa love birds, ikaw o ang Daddy mo? O pareho kayo?

RJ
November 30, 2008 at 9:46 PM comment-delete

bait mo pala talaga. siguradong matutuwa nga sila dyan. dati nag alaga na rin kami nyan.

December 1, 2008 at 8:36 PM comment-delete

maghalikan daw ba ang mga lovebirds... haha. nice pet.

December 23, 2008 at 11:22 PM comment-delete