Abot-abot na kamalasan!

"Bakit kaya ganun? Kung kailan ka nag-iipon ay saka naman hindi ka nakakaipin at kung kelan ka naman may pinaglalaanan ay lalo ka namang nawawalan..."

Hanggang ngayon kasi ay hindi pa ako nakakarecover sa pagkawala ng P2,000 ko last Friday which is kahuli-hulihan kong pera.

Nagduty ako ng OsMun (Ospital ng Muntinlupa) from 6am to 2pm. Mga 10am nung nasa OsMun kami huling nakita ko ang P2,000 ko sa bulsa ng bag ko at iniwan ko ito sa lagayan ng mga bag. Break kasi namin ang 10am at tamang kailangan na naming kumain 'yun kasi talagang nakakapagod ang duty namin dito. Bumalik kami ng duty namin sa E.R. after naming kumain para bumalik sa mga assignments namin.

After ng duty namin ay dumerecho kami sa bahay ng friend namin at nanuod ng isang horror film ang buong group namin. Kumain kami dun ng kanilang mga handa ay nag-enjoy naman sa panunuod ng movie. Before kami umalis ng bahay ng kagroupmate naming iyon ay nasira 'yung white shoes ko so hindi na ako sumabay sa mga kaklase ko at dumerecho ako ng Megamall to buy new shite shoes kasi worth P175 lang naman 'yun.

Nakabili naman ako sa Megamall ng white shoes na planet kasi mura lang. Pagdating ko ng bahay ay nagpahinga muna ako for 10 minutes tapos chineck ko ang gamit ko kasi balak ko nang bumili ng pagkain.

Talagang nagulat ako nung hindi ko makita 'yung P2,000 ko sa bag ko. Napaiyak na lang ako sa kaba at asar sa pagkawala n'un. Tinawagan ko ang Mommy ko at inexpect ko na magagalit talaga siya. Wala naman akong magagawa kasi mahirap naman talaga ang buhay ngayon.

Nangutang muna ako ng P200 sa pinsan kong kasama sa bahay ng pera kasi wala talaga ako ni piso sa bulsa. Grabe as in Grabe ang kamalasang ito. 'Yung P200 na 'yun ang binaon ko para sa Saturday duty ko. Tahimik ako at parang nakalutang ang utak habang kumikorot ang pakiramdam ko kahapon sa duty ko.

Talagang nakakaasar lang kasi 'yun na rin ang naipon ko for my birthday. Hindi ko malaman ngayon kung ano na ako sa birthday ko. Last year kasi ay napakahirap ng kalooban ko for what happened to me last year tapos ngayon...

I am hoping na maging maganda naman ang birthday ko. Kaya nga ako nag-ipon e! Kaya nga ako nagpakabait para maganda ang birthday ko. Tapos ngayon, ganito na naman ang mga nagiging signs. 'Wag naman sana.

3 comments:

naku naman...

November 16, 2008 at 4:40 AM comment-delete

hirap nga ng ganun. sana makaipon ka kaagad. anong horror film pinanood nyo? paborito ko kasi mga horror movies.

November 16, 2008 at 6:55 AM comment-delete

Hay naku! Biktima ka rin pala ng mga taong walang ginawa kung hindi manlinlang ng kapwa. Hindi ba man lang pumasok sa utak mo na baka kasama mo ang kumuha ng gamit mo? I just want you to think about it... Ingat ka na lang friend.

November 17, 2008 at 1:33 AM comment-delete