Toxic and Busy Days....

Actually, ilang araw na akong hindi nakakatulog since nag Midterm Exams kami last week dahil sa mga requirements namin sa Metro Lemery Medical Center duty namin. Tapos na kaming magpresent ng Case Presentation na kahit marami ang butas at kamalasan ay napresent pa rin namin hanggang sa huli. Worst thing lang sa re-editing ng Case Study namin ay wala akong mahugot sa mga classmates ko kasi may mga sari-sariling lakad sila.
Medyo nakakaasar pero ganun talaga. Wala rin naman akong aasahan kapag pinaubaya ko sa kanila ang editing. For sure ay ieedit ko pa rin ang gawa nila. Hindi naman ako sa mayabang pero ganun talaga.
Tingnan na lang ninyo ang ginawa kong presentation, medyo kulang-kulang pa iyan kasi hindi ko talaga natapos:
Isa pa sa problema ko ang commitments ko sa beloved school peper namin na The Magdalo. Para po sa kaalaman ng lahat ako ay writer po noon. Sad to say, english ang mga sulat ko doon at napaka-formal unlike dito sa blog ko. Marami pa akong hindi naiipasa na beat assignments especially sa News at Sports. Mahirap kasi talagang maging versatile writer! Hehe!
Tapos na kami sa Metro Lemery Medical Center at ngayon naman ay sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Alabang naman ang duty namin. As usual ay ako ang leader at isa na naman itong katoxikan. Hayz! Animal bites at mga infectious disease naman ang maeencounter namin dito. Hopefully ay makilala ko ang blogger na andito (raw) na for sure ay magiging reason para magbago ako...

Nagpalit na nga pala ako ng lay-out para naman maiba. I hope maganda ang kinalabasan. Hehe!
See my other pictures : Metro Lemery Medical Center
14 comments:
1. Gaining weight ka Lionheart!
2. Ayos ang presentation slides na ginawa mo. Ang haba ah. Hydatidiform mole pa, galing! Kapag nursing student sanay na talaga sa mga ganyang bagay.
3. Nakaka-miss ang surgery! Nakita ko kasi ang picture nu'ng mga naghuhugas ng surgical instruments. o",)
4. Mag-enjoy kayo sa RITM! Parang interesting ang duty nyo dyan ah.
Hindi man nursing yung course ko nung college, aware ako kung gano ka-toxic ang buhay nursing. have loooots of friends who took up nursing. I even used to live with 2 nursing students and they were busy bees!
Good luck with the duty and presentation!
Just dropping by!
mukhang bz nz bz ang dating ng post mo a...lolz..
ayos sa olrayt bagong bahay mo dre!
malufeet!..
ganyan din ako noong studyante ako nakakapag hugas ng instruments. Pag nasa abroad ka na -hind ka na maghuhugas ng instrumwent hahaha. dito lang sa pinas naman yan LOL
@ RJ :
1. Parang hindi effective ang paggygym ko....
2. Salamat naman kahit kulang kulang pa ay maayos naman.
3. Yeah, OR kasi ang duty namin sa Lemery Hospital.
4. Sana nga. Mahigpit nga lang mga tao dun.
@ Ishna : Salamat sa pagdalaw. Hehe! Hirap nga akong makatulog e...
@ Pajay : Hinabol ko lang new lay-out para masaya!
@ Nanay Belen : Talaga? Buti naman pagdating abroad ay hindi na ako maghuhugas. Hayz! Kakatamad kasi talaga.
ayos! kahit saan may picture.
mas ok nga itong bago mong blog theme.
hello..salamat sa comment :)
hmmm,ang hirap talaga ng buhay estudyante ano?pero im wishing for your success!!
happy weekend!!
nursing student ka pala... i see :) nakakamiss tuloy maging estudyante. one thing i miss about college are the case presentations...seriously! hehe!
You're still a student pa pala? :)
Toxic nga talaga ang buhay ng isang nursing student. Balita ko enjoy naman kahit ganun. Have fun in everything that you do. Don't think about the stress. :)
buti ka pa maluwag na ang sked mo. ako busy pa rin till april.
nice photos you got here. you gained weight a little from the last time i visited your blog. nakalink ka sa ako lionheart.
your blog theme for me is good. as a matter of fact getting even better.
@ Kuya Dong : Salamat naman maganda raw...
@ Ghee : Sana nga mangyari 'yan.
@ Lucas : Hehe :) Opo medyo overdue na nga sa pagiging studyante kasi nagstop na ako ng ilang beses.
@ Mel : Naiinip na ako sa pagiging buhay estudyante.
@ Red : 3 weeks lang maluwag ang schedule ko.
@ Olan : I think, hindi talaga nagwowork ang paggygym ko... Huhu!
bakit ka naman naiinip! ang wish naman naming mga nagwowork na eh sana maging estudyante ulit kami!!!!
hehehe
may kapatid akong nurse :)
nakakamiss gumawa ng case pres
Pero ayaw ko ng balikan yan. lol!
Post a Comment