Who wants a "black sheep"?

My groupmates sa Festival Mall sa Alabang (daanan namin to R.I.T.M. duty namin)

Hindi naging maganda ang panahon sa akin sa pagpasok ng January. Akala ko pa naman Year 2009 : New Year. New Life. New Me. New People. New Inspirations. New Adventures! pero hindi pala! 2008 for me is such a very crucial year for me - sa mga naramdaman ko, sa mga pinagdaanan kong pagsubok at sa mga problemang hanggang ngayon ay dala-dala ko pa.

Hindi ako ganun kasi kagaling magdala ng problema. Very emotional kasi ako kasi wala naman talaga akong makakapitan e! I don't know I just feel I am all alone inspite sa mga suporta sa akin ng mga friends ko. Isa raw kasi akong pasaway at "black sheep" sa family ko. Pagdating kasi sa mga feelings ko, hindi ako ganun ka-open sa family ko kaya most of the times ay mga kaibigan ko ang mga kasama ko.

Nagtry ako na sumali sa The Magdalo (Official Student Publication of Emilio Aguinaldo College) para naman may magawa akong maganda last December at natanggap naman ako with all my effort sa interview pati ang on the spot exams sa pagsulat. Nervous pero masaya naman kasi part na ako ng student publication namin.

The Magdalo room

Alam ko na hindi ako ganun kagaling magsulat especially ng news but with the help of my new friends sa The Magdalo, nagagawa ko naman ang mga pinacocover sa aking mga news. Problema ko lang talaga ang mga kinocover kong sports kasi talaga 'bano' ako 'dun!

Last 2008, mga 10 beses lang akong nakapag-inom sa buong taon na iyon but now, parang napapadalas. Sobrang laki kasi talaga ng problem na naiishare ko lang sa mga friends ko kapag nakainom na ako. I learn how to cry in front of my friends kapag nakakainom ako unlike dati na talagang hindi ako nagpapakita na naiiyak ako.

This year ko lang nadiscover ang Beer Garden sa loob ng Intramuros. Marami pala doong mga studyante na nag-iinuman at nagkakasayahan. Sa isip-isip ko lang, "Pare-parehas kaya kami ng saloobin?" Okey naman ang place at mukang hindi naman magulo. Mga estudyante rin kasi mga andun at walang mga tambay.

Me with my Lunod Friends

Isa pang bisyo ko na hinding-hindi ko matanggal ay ang pagkain. Kaya nga hirap na hirap akong magpapayat. I tried na mag-gym pero namisinterpret ito ng mga parents ko dahil sa sulsol ng isang kinamumuhian kong tao sa balat ng lupa. Marami sa aking nagsasabi na wala raw akong karapatan na mamuhi sa taong iyon dahil marami naman siyang naga sa aking nagawa. For me, ano ba talaga ang nagawa niya sa akin? Wala naman e! Siya nga ang dahilan ng scar sa noo ko (happened on November 3, 2000 at 1:25pm) at hindi ko pa nakakalimutan ang saktong petsa at oras na nangyari 'yun sa akin. Ganun kasi talaga ako, mahirap makalimot sa mga kawalang hiyaan na ginawa sa akin ng taong iyon.

Nagbablog ako kasi dito ko lang naeexpress ang mga frustrations at feelings ko sa buhay. Bakit? Wala kasi talaga akong mapagsabihan e! Since highschool, nagbablog na ako pero ito lang blog na ito ang talagang naging pinakamatagal ko nang tahanan. Napunta na ako sa Xanga, Wordpress, Bravenet, Livejournal at pati Friendster ay pinatulan ko na para makapaglabas lamang ng saloobin. Ito lang talagang blog na ito ang nagstay talaga ako.

My groupmates sa bahay ng isang ka-group namin

Hindi ako masyadong nagsasalita sa bahay kasi ang mga kasama ko doon ay mga pinsan ko. Wala naman akong mapagkatiwalaan sa mga kapitbahay ko kasi itsitismis lang ako ng mga iyon. Buti pa rito... Kaya lang naman minsan hindi nagiging maganda ang pagbablog ko kapag dumalaw na ang
kinamumuhian kong tao sa balat ng lupa kasi wala talaga siyang gagawing maganda. Like now, galit sa akin family ko kaya wala akong allowance ngayon. Okey lang naman, sanay naman ako e! Basta hindi ako galit sa kanila, galit ako sa taong nagkakalat ng kung ano-ano sa akin.

Akalain ba ninyong naging bisyo ang paggygym ko? At siya pa ang nagkakalat na kaya nauubos ang pera ko ay dahil lagi akong nagpapaspa... Para sa kaalaman ng lahat, ang last ko po ay noong August 13, 2007 pa at hindi pa nasusundan 'yun. Ewan ko ba? Bakit walang ginawa 'yung hayup na 'yun kundi siraan ako!

Foods namin sa last day sa Batanggas Duty namin... Ako ang nagprepare ng baked mussels

Kasali pala ang section namin sa Graduation Ball kahit Octoberian pa kami... Akalain mo 'yun? Gagraduate na rin pala ako? Kailangan ko rin um-attend sa February 13, 2009 na play ng buhay ni Nightingale sa AFP Theatre pero wala pa akong pera at hindi na ako umaasam na makakapunta 'dun dahil sa perwisyong ginawa ng walang hiyang taong iyon! Pambawi ko pa naman sana sa mga make-up duties ko!

Isa lang naman ang gusto ko e! Sana pakinggan muna ako e. 'Yun lang! Kasi sumosobra na talaga. This week, kapag nagkapera ako ay uuwi ako sa province namin. I'll talk to may parents since hindi ako pumapasok ng almost 3 days sa duty at sa school kasi walang-wala na talaga ako.

I blog this because this is my last resort. Graduating na ako, saka pa nangyayari ito.

Pasensya na, ginagawa ko ito habang may amats ako at medyo nag-iiyak *hehe*

post signature

20 comments:

sa festival? tga san ka ba? lagi akong tambay dyan eh! hehe! lalo na sa videokehan..hehehe!

February 7, 2009 at 4:52 AM comment-delete

ako din jan lagi nagde date sa festival mall!

naku lionheart wag mo nalng mastado dibdibin,at tama yan kausapin mo parents mo bakit agd agd sila naniniwala sa taong yun

you should convinced ur parents na mag trust sila sau

February 7, 2009 at 7:25 AM comment-delete

ang sarap naman ng baked mussels!
yhum yhum!

February 8, 2009 at 12:39 AM comment-delete

Ang sarap nu'ng inihanda mong baked mussel ah!

Uwi ka kaya muna ngayon, para naman maipaliwanang mo sa mga magulang mo ang side mo.

Regarding the maninira... Huhmn.. MAy kontrabida pala bro sa buhay mo, ibig sabihin nyan ikaw ang bida!

Ayusin mo ang lahat para tuluy-tuloy na ang graduation mo. o",)

RJ
February 8, 2009 at 12:53 AM comment-delete

uy, huwag masyadong dibdibin. yung mga naninira hindi yun nagtatagumpay. trials lang yan sa malapit mong tagumpay. alam ko kung sino yan. hehehe. no comment lang.

Basta go lang ng go. kausapin mo ang parents mo. Malapit na ang tagumpay mo.

February 8, 2009 at 4:16 AM comment-delete

Hi, Just wanna let you know, I was here and I read your post. heheh..

Wag mo isipin na black sheep. Mahal ka ng parents mo. I'm sure about that. Seguro hindi lang sila masyadong expressive. Just think positive. =)

Mon
February 8, 2009 at 4:47 AM comment-delete

@ Lucas : Ganun ba? We can meet some time... Hehe :) Nagvivideoke kami lagi dun after ng duty...

@ Mac : Siguro nagkita-kita na tayo doon.. Sad to say, hindi pa kasi tayo magkakakilala ng personal.

@ Vanny : I love baked mussels talaga!

@ RJ : Lagi namang may kontrabida e! Sad to say, talagang asar na asar ako sa kontrabida ng buhay ko..

@ Salamat Kuya Red! Sana nga matapos na ako..

@ Mon, mahal naman talaga ako ng parents ko... 'Yun nga lang, emo raw talaga ako.

February 8, 2009 at 5:47 AM comment-delete

bakit ganun no? kung sino pa ung inaasahan mong iintindi sayo un pa mismo ang magpapasama ng kalooban mo...

Di ba nila naisip un brod, gagraduate ka, di gaya ng iba na nakatambay lang o kaya nman pinag aaral tapos lakwatsa lang ang alam..

taena buti pa ang alak, nakikinig lang lagi ni hindi man lang kumokontra

February 8, 2009 at 8:47 PM comment-delete

sarap ng fuds ah!

February 9, 2009 at 12:26 AM comment-delete

richard, bigla akong naging busy. abangan mo na lang ang libro.

saya naman lagi ng lakad kasi saya ng mga kasama.

February 10, 2009 at 9:06 PM comment-delete

nagutom ako bigla dun sa bake tahong! waaaaahhhhhhhhhh. paluto naman lion heart!!!!!!!

February 11, 2009 at 2:18 AM comment-delete

basta go lang lagi, wag mo silang intindihin kase wala lang magawa yan mga yan...kaya mo yan

February 12, 2009 at 12:57 AM comment-delete

Ay bakit ganun? Kung kelan na malapit ka na gumraduate saka sila naghihigpit sayo at naniniwala sa mga kwento ng iba. Hiram ka muna sa iba at umuwi ka. Sabihin mo ang totoo na ikaw ang nahihirapan dito. aka kasi maging mitsa pa yun ng di mo pag-graduate ng maayos diba?

MeL
February 12, 2009 at 11:58 PM comment-delete

oh my gosh! those food, aaahhh! i love food, hehe.. thanks for posting that, now i'm hungry... haha

have a great weekend!

ViN

February 14, 2009 at 6:19 PM comment-delete

@ Lord CM : Salamat Lord Cm... Ganun talaga....

Napapansan ko lang talaga... Napapadalas na ang pag-inom ko.

@ rara : Hehe! Kaya nga lalo akong tumataba e!

@ Kuya donG : Sure! Basta inform na lang kita kapag may dumating na... I'll wait for that...

@ olan : Sure why not! Gawa tayo ng cooking showdown kung may hahamon sa akin... Lolz!

@ payatot : Sana nga ganun lang...

@ MeL : Kasama raw sa pagsubok 'yun... Hehe! Busy ako ngayon... Salamat naman at medyo nakakawala ng problema pagiging busy..

@ StarFish : Thanks Starfish... Nice name... Hehe!

February 14, 2009 at 7:32 PM comment-delete

Sa EAC ka pala..

Anu na nga bang sasabihin ko,...? AH! Eh mahirap magpapayat kung ganyan kasarap mga pagkain, you should've warned me pagkain na naman pala nasa post mo! Hayz.

Ang sarap naman ng hitsura ng baked mussel na yun, panu gumawa nun?!!! Gusto ko yun!

Di ko problema (pa) ang maraming kain dahil di naman ako tabain, mabilis metabolism ko, sa ngayon. hehehe..

Anyways, you don't look like a blacksheep.. mukha ka namang mabait and responsible.. You've just got to believe it yourself first...Okie?!

cheers!

February 15, 2009 at 6:17 AM comment-delete

Ei invite kita sa $200 and 108K EC blog contest ko. I hope maka join ka at readers mo. Visit http://www.makoyskie.com/2009/02/join-big-mak-blog-contest.html for more details. thanks!

February 16, 2009 at 7:17 PM comment-delete

ey..i have been to barasoain before..around 1996 yata..diba dito nag oath si emilio aguinaldo?

btw, thanks for dropping by our site and commenting..we appreciate it much..

god bless!

February 17, 2009 at 7:33 AM comment-delete

Hello. How are you my friend this is natalie your friend. I visit your blog it is very beautiful and nice. Try also visit my Blog below:

< a href="http://movieswatcher0113.blogspot.com/"> Hot Movies Collection < la >
< a href="http://nbawallpapers0113.blogspot.com/"> NBA Photos and Wallpapers < la >
< a href="http://innovation4wallpaper.blogspot.com/"> Sexy Celebrities wallpapers < la>
< a href="http://charlestechno.blogspot.com/"> Dream Catcher of destination < la >
< a href="http://wonderdestination.blogspot.com/"> HOt Wallpapers of Celebrities < la >

March 1, 2009 at 6:00 AM comment-delete

nice one, i just added lots of different emo backgrounds in my blog
http://www.emo-backgrounds.info

Anonymous
February 8, 2010 at 11:32 AM comment-delete