Unpublished

Naka fifteen (15) drafts ako last 2009 na hindi ko man lang napublish. Ewan ko ban a kahit alam ko na tama na ipost ko na ay saka naman nagbabago ang isip ko para ipublish ito.

Ilan sa mga unpublished posts ko dito sa blog ko ay:


I am missing my classmates so so much!


Life After Graduation – Mga naramdaman ko after ng graduation. Kasi parang sobrang nag-iba ‘yung way of life ko after that. Hindi lang sa walang baon or anything, pero ‘yung madalas kong nakakasama ang namiss ko ng sobra.

Incomplete – Para sa November post ko about sa paggunita ng araw ng mga patay. Syempre, hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na namatay ang Daddy ko last March at sobrang apektado ako doon kasi it will take a lifetime for moving on.

My Christmas Wish – List ng mga wish ko kay Santa for Christmas pati mga kwentong Santa Claus ko noong bata pa ako.


Bogs and my Ate

My Sister’s Wedding – Yes! Ikinasal na ang Ate ko last December 26, 2009 at Manila Cathedral. Tinype ko ang supposed to be na ipopost ko sa Manila Hotel ung saan kami nagstay for 3 days. Sa Illustrado ang kanilang reception. It was great at sobrang solemn ng wedding since close family members ang talagang mga invited.

The Racist – 3 times encounter ko sa 3 iba’t ibang tao from a phone caller, a message from facebook at pati na ang unfair treatment na ginawa sa amin ng isang bell boy sa Manila Hotel bago pa kami lumabas ng hotel.


Me and the Wheel of Fate at Enchanted Kingdom

Bonding with the New Family at Enchanted Kingdom – Family bonding namin with the Family of my sister’s husband at Enchanted Kingdom na sobrang daming tao nung time na ‘yun. 4 hours ang itinatagal namin para lang makasakay lang sa isang ride. Ang dami kasing tao!

New Year. New Me. New Plans – ‘Yan ang supposed to be title ng New Year post ko pero nagbago ako ng isip at pinalitan ang title to New Year. New Outlook in Life at pati na rin ang natype kong dapat ay ipopost.

Back to Dubai – Ang pagbabalik ng Ate at Kuya ko sa Dubai and their promise na dadalhin nila ako after the Nursing Licensure Examinations.

Ilan lang iyan sa mga naging post ko last 2009 na hindi ko napublish kasi hindi ako nasatisfied sa post ko or talagang hesitant ako na ipublish. December 2006 ako ng magstart sa blogosphere; 3 years na ako sa blog kong ito at sana ma maintain ko pa. I really love my blog kasi malaki naitutulong nito sa pagkatao ko – nagiging open ako at gumagana ang utak ko sa pagpopost dito sa blog na ito.

This 2010, I hope ay mas marami pa akong mapublish na mga nangyari sa buhay ko. Lahat po ng unpublished articles ng 2009 ko ay nadelete na lahat kasi hindi ko na talaga iyon mapapublish pa. Hehe :)


post signature
Share

NhamNgaHanh is the founder and editor in chief of SimplexDesign blog ,a blog on Blogger tips ,tricks ,designer resources and many premium Blogger templates for free use.