Bakit Hindi Dapat Maligo sa Dagat kapag Semana Santa?

Bakit nga raw ba hindi pwedeng maligo sa dagat kapag "Mahal na Araw"? Ito pa naman ang panahon ng bakasyon kung saan marami ang mga bakasyunistang gustong maligo sa dagat.

Isa ‘yan sa mga katanungan noong bata pa ako. Hindi kasi kami pinapayagan ng aming mga magulang lalo na ‘yung mga matatanda na maligo sa dagat kapag panahon ng "Semana Santa" lalo na kapag may mga pangalan na ang araw magmula sa Lunes Santo.

Sa init ng panahon ngayon, hinahanap talaga ng mga tao ang mga beach, pool at ilog para makapaligo. Summer na summer at maeenjoy lang ito sa paliligo!




Karamihan kasi ng mga nagpepenitensya especially sa amin sa buong bayan ng Paluan ay naliligo sa dagat pagkatapos nilang umikot sa bayan. Ang mga dugo nila ay nahahalo sa tubig dagat dahil doon sila nagbabanlaw.




Kaya kadalasan ay walang naliligo sa dagat namin kapag ganitong panahon. Alam mo na?


post signature
Share

3 comments:

alam na! kaya pala di pwedeng maligo sa dagat sa panahon ng semana santa :D

April 19, 2011 at 6:34 AM comment-delete

naglipat bahay na ako sa tumblr lionhrt -francoman http://francodominico.tumblr.com/

April 20, 2011 at 8:32 AM comment-delete

Itong kaugaling ito ay nag-ugat pa bago dumating ang Kristyanismo sa Pilipinas.

Anonymous
March 28, 2013 at 9:33 PM comment-delete