EAC Capping/Pinning Ceremony 2007

Ang aga kong nagising ngayon (June 04, 2007 at 4:00 am) para sa capping/pinning ceremony sa PICC ngayon. Ang kasama ko bale ngayon ay ang Mommy ko at ang Tita Ita ko.

Nakaalis kami ng bahay nang 5:15am para hindi ako malate sa venue. Bawal raw kasing malate dun! Well, nakarating naman kami sa oras kahit na kabado kasi matagal kumilos ang mga kasama ko.

Nasa labas pa lahat ng mga classmates ko nang dumating ako. Hehe, nagkakaipon ipon na rin pala. Pagkatapos noon ay nag umpisa nang pumasok ang mga BSN level 3 kasabay ng kanilang mga parents. Hayy! Akala ko pa naman kakapaan kami kaya hindi talaga ako nagdala ng cellphone sa loob, meron palang dala 'yung iba.

At nag start na nga at kami ay pumasok sa red carpeted floor ng PICC Plenary Hall. Nyaha! Buti naman at wala nang nag grand entrance sa pagkakataong ito.

Mass ang nauna at talagang alive pa kahit papaano dahil na rin suguro sa choir at pati na rin tumatayo kami everytime may natatapos masalita. Hehe! After noon ay ang ek-ek na pananalita ng mga kagalang-galang na nasa stage. Medyo inaantok ako sa mga makabagbag damdaming pinagsasabi ng mga taga stage. Hehe.. Nahuli pa nga akong natutulog kasi itinuro ako ni Michael (Paras)! Grrr...

At pagkatapos ng mga pananalitang 'yun ay ang capping/pinning ceremony. Sobrang dami kasing mga sections kaya nagtagal kami ng sobra. Ang natatandaan ko lang ay sinabitan na ako ng pin sa damit ko at nagsindi ako ng kandila kasama si Florence Nightingale. Nyaha! Nabubuhay palang mag-uli si Florence Nightingale sa mga pagkakataong ito. Hehe!

Ang pinakapinapalakpakang Section 23 ay ang nagpabuhay ng laman ng mga inaantok na dahil ito ang hudyat na tapos na ang program. Nyaha! At after noon ay ang Nightingale's pledge sa pangunguna ng nagkatawang taong si Nightingale.

Nightingale's Pledge
I, Mcrichard V. Paglicawan,
solemnly pledge myself before God
and in the presence of this assembly
to pass my life in purity
and to practice my profession faithfully.
I will abstain from whatever is deleterious and mischievous,
and will not take or knowingly administer
any harmful drug.
I will do all i my power
to maintain and elevate the standard of my profession
and will hold in confidence
all personal matters commited to my keeping
and all family affairs coming to my knowledge
in the practice of my calling.
With loyalty will I endeavor
to aid the physician in his work
and devote myself to the welfare
of those committed to my care.
So help me God.

After ng capping/pinning ay kanya-kanya nang uwian kasi may mga handa naman siguro sila sa kani-kanilang bahay.

Well, nagtagal pa ako sa PICC kasi hindi makita ang dalawa kong kasama dun. Hehe... nadiscover namin na ang dala ng Mommy ko na camera ay walang battery. Kakaasar naman. Walang kwentang camera! 'Di tuloy kami nakapagpapicture pa.

Nagpunta muna kaming Mall of Asia at ipinasyal ko muna ang Mommy ko at Tita ko bago kami umuwi. Kakapagod talaga! Huh! Ia-update ko na lang ang mga pictures jito later kapag nakuha ko na ang ibang mga pictures pa.

3 comments:

Hmmm... capping rin ng kapatid ko kanina... malamang kilala mo sya... hehe.

June 4, 2007 at 10:46 AM comment-delete

Sino pong PEREZ? Ang dami po kasing perez akong naging classmate e... Lalaki po ba or babae?

May kilala akong perez pero lalaki... naging classmate ko sa Anatomy... Nyaha!

June 5, 2007 at 8:05 PM comment-delete

Sino pong PEREZ? Ang dami po kasing perez akong naging classmate e... Lalaki po ba or babae? May kilala akong perez pero lalaki... naging classmate ko sa Anatomy... Nyaha!

November 13, 2012 at 11:53 AM comment-delete