Paluan Elementary Batch 2000 Reunion?


Seryoso ba sa pagpapacute?


Kahapon (June 03, 2007), kuhanan namin ng souvenir program para sa capping/pinning ceremony for Monday. Akala ko okey na kasi bagong pagupit ako pero hindi pa rin, kailangan ko pa raw magpabawas sa likod para makuha ko rin 'yung ticket sa PICC. Nyaha! Nagpagupit ulit ako worth Php 50.00 sa may Outlook.

After ng kuhanan, naisipan kong sumama sa mga batchmates (Paluan. Occidental Mindoro) ko na nagyayaya sa SM Manila para naman daw makapagala ang iba. At exactly 1:00 pm ay nasa SM Manila na ako kaya tinext ko sina Jaja if nasaan na sila kasi 12:00nn ang usapan na magkikita-kita at ako ay susunod na lang.

Akalain ba ninyong wala pa pala sila sa usapan? Nyaha! Akala ko ay ako ang susunod na alng... 'yun pala ay sila pa 'yun. Nyaha! Anyway... ang mga naabutan ko sa lugar ay sina Andres, Abegail, Arrianne at Tin-Tin. After ko ay sumunod na nagsidatingan ang iba pa.

Ang supposed to be usapan na 12:00nn ay umabot pa ng quarter to 3pm na dahil may mga dahilan ang mga na late. Hehe... as usual, Filipino time na naman.

Una kaming kumain sa may McDonalds sa ground floor ng SM Manila at pagkatapos noon ay nag Quantum kami. Sa kainipan ay naglaro muna kami ng Table hockey na talagang nalibang ako ng sobra. Syempre, ang mga kalaro ay mga friends ko and talagang special sa akin. Hehe :)

Umabot kami ng 15 na batchmates talaga at masaya naman kami to see each other at minsanan lang naman talaga ito. After ng paglalaro namin ay ang makabagbag damdaming videoke naman ng mga addict sa videoke. Hehe, as usual sila alang ang kumanta kasi hindi ko hilig 'yun e... Mahilig lang akong makinig ng mga music pero 'di kumanta. Nakakahiya e...

Dahil nga walang may dala sa amin ng camera at para naman may ipakita kami sa ibang hindi namin nakasama ngayon ay nagdecide kami na magpapicture sa Tronix para naman may souvenir kami. After ng picture taking ay nag decide na kaming umuwi kasi gabi na.


Wacky ang lahat maliban sa isa... Hanapin ang naiiba!

Pero paglabas namin ng SM Manila ay para kaming mga mangyan na nagtambay pa sa Bonifacio Shrine at nagkakwentuhan. May mga umeksena pa at nakigamit ng skateboard at nag try kahit hindi naman pala marunong. Sa lahat-lahat, naging masaya naman ang accidentally reunion pala namin... hindi kasi planado e pero masaya. Next time ulit

8 comments:

Wow! Reunion? Sana may reunion din kami... :D

June 3, 2007 at 6:35 PM comment-delete

.a nice one.

ang mangyan
June 3, 2007 at 8:46 PM comment-delete

saya nyo sa pics mo ah..
hehe..

nice one.

Just dropping by.. :D

June 5, 2007 at 7:53 PM comment-delete

kelan reunion

Anonymous
June 14, 2007 at 5:05 AM comment-delete

mga mangyan musta

June 14, 2007 at 5:13 AM comment-delete

....ang say naman ng batch nyo.. haha ikwenuwento nga sken ni kuya ung mga nangyari s n u eh... hahaha.. sana ganyan din ung batch namin...ang saya..

May 14, 2008 at 4:16 AM comment-delete

....nice..

May 14, 2008 at 4:18 AM comment-delete

mga mangyan musta

November 11, 2012 at 1:54 PM comment-delete