Hugot Movie : Wala Talaga akong Mahugot! Promise!

Actually, I have no idea about this film HUGOT at talagang nagulat pa ako sa itinext ng friend ko na ililibre raw niya ako sa panonood nito. Dahil sa talagang walang pasok at Manila Day, sumama na ako kasi ayaw ko siyang manood ng mag-isa. Sa Cinema 8 of Robinsons Movieworld - Galleria kami nanood. Pagpasok ko ng cinehan, akala ko ay premiere dahil standing ovation talaga sa entrance pa lang ng Cinema hanggang sa likod ng mga upuan ng cinehan. Nang malampasan ko sila, nakita ko na wala naman pala halos na nakaupo sa mga upuan. Hindi ko lang maintindihan kung ano ang mga pinaggagagawa nila at lahat sila ay nakatayo. Lolz! Parang hindi ko pa alam ang lahat... Hehe! :)

ABOUT THE MOVIE :

Actually, magulo ang story. Sorry sa mga nakapanood at nagustuhan ang story nito pero talagang nawindang ako sa storyline. Naintindihan ko lang ang story nang magbrowse ako ng internet. Hayz! Naiintindihan ko na common talaga ang mga nangyaring iyon na ipinalabas sa movie pero hindi ko pa rin maintindihan ang lahat-lahat.

Sayang pa si Ana Capri na talagang napahanga ako sa maraming movies na nagawa na niya.

Naaasar nga 'yung friend ko kasi 1st time niya this year manood ng movie na ito kasi hectic ang schedule ng isang boss ng isang oil company tapos ganito pa ang mapapanood niya. Ang nasabi lang niya sa akin, "Sana natulog na lang ako sa bahay!"

I understand na low ludgeted movie lang ito pero hindi reason para makagawa ng ganito kacrappy na Idie Film. Marami na akong napanood na Indie Films na mura rin lang ang production budget pero worth it naman ang pagpunta sa mga Robinsons Malls (kasi wala namang ganito sa SM e!) pati ang time na supposed to be ay natutulog ka or nag-eenjoy ay maaasar ka lang dahil nag-aksaya ka pa ng panahaon. Hayz! Pwede naman sana

Pasalamat na lang kayo kasi may isang line akong nagustuhan sa movie at talagang natuwa ako: "Wala kang karapatang bumili kung hindi ka naman marunong gumamit." 'Yun lang! Hindi ko pa natandaan kung sino ang nagsabi at kung anong part kasi inis ang nangibabaw sa akin.

Hindi lang ako ang nagcomment ng mga ganito: (marami sila sa Youtube.com)

jaeWALK : maybe stop making "indie films" and just make hardcore porn.
mervdmer : After MORENO...and DAY BREAK........all i can say is...Fool me one shame on youFool me twice shame on meWatching this crappy movie says it all...Third time is a charm.
darrk77 : anong climax ang pinagsasabi mo? wala namang direksyon yung trailer... montage lang naman 'to.
lukalyks : Nakakalurky!!!!!! Nagkatulo ang isa sa mga yan!! Mag-ingat ang mga taong nabigyan ng cell no nya na nakasulat sa isang maliit na papel na ipinamimigay nya sa mga bars! CS
ferdiemac : -anong istorya nyan? - ang pangit ng setting. low budget.-ang lalaki ng bilbil.-ang pok pok ni ana capri.- pero gusto ko mapanood

See other comments here
These are some of the scenes from the movie.




Hugot Movie Trailer : Thanks to indieskarte

Written and Directed by: Jonison FontanosCasts: Ms. Ana Capri, Jerome Ebreo, Christopher Canizares, Cris Castillo, and Alvin Espinosa

Itaas natin ang QUALITY ng mga INDIE FILMS!

8 comments:

never pa akong nakapanood ng ganitong film.. (..at walang balak. hehe!)

ano kayang ibig sabihin nito: "Wala kang karapatang bumili kung hindi ka naman marunong gumamit." ?

June 25, 2008 at 7:53 AM comment-delete

kurek. porn n lng sna ginawa nila, marami pa nasiyahan. never liked these indie films craze. i downloaded lihim ni antonio and it was a very, very boring movie to watch. so are the others. parang ito ung pumalit sa mga bomba films in the 90s and early 2000s.

June 25, 2008 at 3:05 PM comment-delete

Haha. Amp. Marami namang indie na kung titingnan mo minsan ay bastos pero may sense. Pero mukhang sa description mo ng movie na 'yan, hindi siya ganung type. LOL

June 25, 2008 at 11:02 PM comment-delete

sayang ang pera.

June 26, 2008 at 1:41 AM comment-delete

@ Arnie: Marami na akong napanood na movie na Idie Films at talagang may magaganda naman talaga... Ito lang talaga ang sobrang crap.

@ Reyville: May tama ka Kuya Rey! Haha! Pero talaga namang may magagandang Indie films na worth it talaga...

@Gerome : Tama ka! Ito ang movie puro kabastusan lang. Opinion ko 'yun!

@ Niel : Sayang talaga. Pero okey lang. As usual, inilibre lang ako ng friend ko. Hehe!

June 28, 2008 at 8:18 PM comment-delete

Judging from what you wrote, it seems that they are just labeling the film as 'indie' to make it more accepted by the public.

June 28, 2008 at 10:07 PM comment-delete

agree this is one of the lousiest film (i mean indie-film), i have to say tama ang frienda mo, sayang ang pera.

July 2, 2008 at 2:38 AM comment-delete

Grabe! Pinanood mo pala ang walang kwentang Indie Film na ito?

Lahat na siguro ng pinakakalait-lait na comment for this movie na talaga!

Maraming magagandang Indie Film... Ito ang pinakapangit. (SOrry for my term... Applicable talaga lang)

July 17, 2008 at 9:45 PM comment-delete