Si Kaibigang Putik

(Picture! Picture!)



At last, nagkausap na rin ng kami ng huling karelasyon ko (I Already Had 2 Failed Relationships!?). Yeah, masakit pa rin pero at least kahit papaano ay nabawasan na ng tinik ang puso ko at ang mga tanong sa isip ko ay nasagot na rin kahit papaano.

Ngayon ay friends na lang kami. Sabi ng ibang mga nakakakilala sa akin ay ang tanga raw ako to accpet that at nagmumukhang naghahabol pa ako despite ng mga ginawa niya sa akin. Maybe parang ganun na nga. Pwede naman siguro 'yun na mahal ko pa rin siya kahit na magkaibigan na lang kami. Ang gulo ko 'no?

Actually, sa Sunday pa dapat kami magkikita kasi iyon ang free day niya kasi wala siyang work kaso nagkataon na ngayon (Thursday) na nangyari sa Megamall kami nagkita before siya pumasok sa work niya sa Makati.

Naging okey naman ang usapan namin at nalinaw na lahat ang mga problema.

Dahil nga nalaman na namin ang mga reasons why kami nagkalabuan ay dahil sa friend ko na anay pala ng buhay ko. While I was in Mindoro, tinetext pala siya ng friend ko ng mga kung ano-ano about me habang ako naman ay itinetext ako ng hudas kong friend about my ex (na ngayon) ng mga ginagawa dito sa Manila.

Pinakita ko pa 'yung mga naging text sa akin ng kaibigang putik ko sa kanya at ganun din ang sinabi niya sa akin. My friend likes my ex (na ngayon) kaya pala ganun. Ang dami pang mga kasinungalingan na ginawa ang kaibigang putik ko na iyon pero hanggang ganun na talaga. Isa pa sa mga reasons ng ex ko ay ang infatuation. Ewan ko kung bakit infatuated lang siya samantalang nahulog na ako ng sobra. Unfair 'di ba pero kailangang tanggapin.

I already texted my kaibigang putik ng lahat ng saloobin ko sa kanya pero hanggang ganun na rin lang talaga 'yun. Basta ipinapangako ko sa sarili ko ay hindi na ako babalik kailanman at makikipagkaibigan sa kanya. For almost 2 years kasi ay ipinagkatiwala ko lahat sa kanya at ngayon ko rin lang naisip na siya rin ang dahilan ng break-up namin ng nauna kong relasyon. Masakit pero kailangang tanggapin.

Now, wala muna akong kinikilalang kaibigan except 'yung ex ko na ngayon kasi nagkakaintindihan na kami at 'yung mga barkada ko from FEU at mga classmates sa school ko ngayon.

Sana kahit friend na lang kami ngayon ay magwork naman kahit papaano. Tanga ako, oo kasi mahal ko pa siya. Hayz! Ano ba ito Richard?

Promise ko sa sarili na kung magmamahal ako ay sa sigurado na at hindi lang basta infatuation. Masyadong naging masakit for ang una at pangalawa kong relasyon. Sana naman ay natuto na ako kahit papaano. Help me guys. Please pray for me. Salamat!

13 comments:

wow! same here.. parehong pareho tayo ah.. pero di ko na sya tinitx..

brycebugz.com
June 6, 2008 at 1:26 AM comment-delete

hahayyy pag-ibig!hehe! ok lang yan..gwapo ka naman marami pang babae ma-lab-at-pirst-sayt sa'yo...hehe

wag ka mag-alala isama kita sa dasal ko bago ako matulog tonight.;0)

ok 'tong site mo ah!cheer up!

June 6, 2008 at 6:16 AM comment-delete

baka type ka ng kaibigan mo?

or ex-kaibigan pala...

anyway, now that ur ex and u know the reasons behind ur break-up, why not patch things up and get back together?

June 6, 2008 at 8:20 AM comment-delete

that's good. ako din na maintain ko ang good friendship sa dati kong GF. masaya pa rin kaming nag uusap.

June 6, 2008 at 6:49 PM comment-delete

its a good thing nakapagusap na kayo.. teka.. so nasa mandaluyong ka ngaun???

rara
June 7, 2008 at 12:59 AM comment-delete

baka nga kaw ang type ng kaibigan mong putik. joke lang. hindi siya tunay na kaibigan kasi naninira siya. tinanong mo ba kung ano ang reason niya?

Kapag nasaktan ka, nagmahal ka.

goodluck sa lovelife.

June 7, 2008 at 3:48 AM comment-delete

@ Brycebugz : Hehe :) Masyado bang nakarelate?

@ Points of View : Nice :) Salamat naman at may nakakapansin pala nun...

@ Kris Jasper : Yeah... Nagtatry ako na ibalik 'yung dati namin pero para sa kanya, infatuation lang ang lahat. Sigh!

@ Dong : Friends na lang talaga siguro kami.

@ Rara : Yeah, nasa Mandaluyong na ulit ako kaya nga nakapag-usap na kami e. Yun!

@ Red : Salamat! Sobra lang kasi talaga akong nasaktan. Hayz!

June 8, 2008 at 2:09 AM comment-delete

parang kilala ko na si kaibigang putik mO.. maputi ba sya..? singkit ang mata..? nakatira sa apartment..? dalawa lang sila..? kasama natin noOn sa subiC..? am i aright or right..?

eman
June 8, 2008 at 6:33 AM comment-delete

@ Eman : Yeah... Siya ang kasama natin sa Subic na maputi ay medyo singkit... Huhu :( Di ko na alam Eman ang gagawin ko promise kasi long friend ko na talaga siya... Ngayon ko lang narealize ang mga ginawa niyang kahayupan sa akin. Salamat Eman!

June 8, 2008 at 6:45 AM comment-delete

hi lionheart!

salamat pla sa pag daan sa blog ko, but my blog was down for days, kaya balnko ang page ko. but i made another blog, add my new blog sa links mo.. thnx!

ill be continuing my bloglife in my new blog, check it out! http://veradik.blogspot.com/

see yah!

June 8, 2008 at 6:22 PM comment-delete

good luck mr. richard!

lahat naman tayo dumadaan sa ganyan!

yung naninira mong friend, galitin mo na!

hehehe

yung ex-mo pagdasal mo na mauwi sa bungi! hehehhe (joke)

just move on po! TC

Bry
June 8, 2008 at 9:14 PM comment-delete

time to move on na. ayos lang yan.

June 9, 2008 at 9:56 PM comment-delete

Rich...just what I texted you...when you fall in love dont give your 100%....at least leave something 40% for yourself...and when you fell in love use your head to decide not just leave everything to your heart....

June 14, 2008 at 6:00 AM comment-delete