My First 3 Days at our Bulacan Duty

Finally, nandito na rin ako sa Manila! Medyo pagod pero okey naman kasi naging masaya ang duty namin kahit na maraming hindi magagandang nangyari.

Nagtaka lang ako pagdating ko sa amin sa Mandaluyong kasi baha ang dinaanan ko ay baha at talagang ang lakas ng hangin. Wala pang kuryente at talagang feeling ko ay bumalik si Melenyo.

Isa sa mga hindi ko malilimutang duty ay ang duty ko sa Santos General Hospital for N102 sa Malolos, Bulacan. Dito kasi ay nag-stay kami ng mga kagroupmates ko sa isang bahay with the 2 groups of our class. As usual, kagulo na naman at laging parang may fiesta sa 3 days of stay namin sa Guiginto, Bulacan.
Fit na fit naman kami sa aming tulugan at masaya naman kahit na medyo siksikan. Buti nga ganun para feel mo ang bonding namin. Lolz!
Isa sa mga kinahiligan ko ay ang pagpunta sa market kahit na talagang malayo na almost 10km daw ang layo from the house na tinutulugan namin. Talagang kapag sa group namin ay recomended ko na magluluto kami para naman gusto namin talaga ang pagkain at fell ko talaga ang fiesta kapag ganun.
As you can see, umarkila pa sila ng videoke para naman may mapaglibangan. 3pm pa kasi ang duty namin to 11pm at 'yung mga remaining time naman kailangan namin ng mapaglilibangan.
Hehe! Fiesta 'di ba? Kahit na piritong itlog at tocino lang ang ulan ay ayos na kami. Ganyan ang group namin, hindi masyadong maraming kaartehan.
Dito ang duty namin sa Santos General Hospital. Hindi siya ganoong kalakihan pero for sure marami naman kayong matututunan at the most important of all ay mababait ang mga staff dito.
As usual, the best part of our duty here ay ang mag-v/s. May mga pasyenteng different talaga ang ugali pero syempre, cool lang lagi at smile, best attitude of all. Hehe! Buti naman at lagi akong cool ngayon at inspirado kasi ako ngayon. Hehe! Ganun talaga ang buhay... Kailangan talaga laging magmove-on sa mga hindi magagandang nangyayari sa buhay.
Isa, me and JR at Station 1 habang gumagawa ng Case Presentation for our last week sa Santos General Hospital.
After syempre ng nakakapagod na duty ay kakain kami sa restaurant malapit sa Santos Gen. Hayz! Sige, subo pa... Kakagutom talaga lagi. Ito naman ang problema ko ngayon kasi gusto kong magbawas ng timbang pero wala kong magawa kundi kumain ng kumain kasi talagang lagi akong gutom na gutom dahil sa dami ng ginagawa at pantanggal stress na rin.
O 'di ba? Ang saya namin? Katatapos lang iyang kumain sa The Terrace malapit sa Santos Gen. Masarap ang chicken barbeque nila kaya nagextra rice pa ako kahit na nagdidiet.

Nice naman 'di ba? Jessie, FM, Ruah and me sa may fountain. Wala lang... Trip lang magpicture-picture kahit 'yung iba pa naming kasamahan ay nasa loob pa at kumakain.
Kami pa rin (from left is FM, me, Ruah and JR). Sweet no?! Kakakilig to the bones.


(From left is me, JR, Jacque, Mitch, Jen, Ruah and Isa) Hayz! Hopefully next week ay okey pa rin hanggang sa mag-end ang Semester na ito. Maraming kakulitan ang section na ito but I definitely love it for the reason that eventhough that I'm a newbie at this section, I can feel na tanggap na tanggap nila ako at ginawa pang leader sa Group C. So flattering!

5 comments:

hehe. buti tag-ulan na, medyo malamig kaya ok lang magsiksikan sa room...

Ely
June 23, 2008 at 9:28 AM comment-delete

daming salo salo dyan ah! parang walang epek ang bagyo. hehehe... ayos may videoke pa.

June 23, 2008 at 10:02 AM comment-delete

buti pa dyan umuulan...

sarap ng kainan ah, parang fiesta....'kaw magbabawas ng timbang... sa dami ng pagkain na yan, at ang daming kasalong sobra sarap din kumain, kalimutan muna ang diet.. he he he..

me
June 23, 2008 at 11:27 PM comment-delete

Hello im interested in link exchange with your blog..
My blog:http://www.pcgameslinks.blogspot.com/

Pleaseeeee atleast reply…… :)

June 24, 2008 at 9:23 AM comment-delete

@ Ely : Actually airconditioned room po ang tulugan namin.. Lalong malamig. Hehe!

@ Dong : Hehe! Hindi nga namin halos namalayan na may bagyo e. May TV pero hindi kami nanunuod at puro kentuhan at videoke lang ang inaatupag namin doon. Hehe!

@ Me : Haha! Wala bang ulan diyan sa Dubai?

@ Nithin : I am so sorry. I just link bloggers supporting my mangyan blogger badge. But don't worry, I'm always visiting your blog.

June 25, 2008 at 2:26 AM comment-delete