Usapang Undas...

November 1 & 2, All Saints' Day and All Souls' Day, walang pasok.

Usapang Undas, uso na naman ang takutan. As in! Lumalabas ang mga horror stories hindi lang sa TV at movies pati na rin sa usapan sa kanto at mga magkakaibigan. Hanggang sa mga text messages ay hindi ka rin makakatakas lalo na kung matatakutin ka.


At since matatakutin ako, I hate hearing ghost stories lalo na 'yung manood. Kaya naman no time akong manood ng TV ngayon kahit na TV specials pa 'yan.

Anyways, ever since naman na pumapatak ang panahon ng Undas, hindi ako nakakalimot umuwi sa bayan namin sa Paluan, Occidental Mindoro. Lalo na nung nawala si Daddy ko, pinromise ko sa sarili ko na 'di ako aabsent every year na dumalaw sa puntod niya tuwing Undas.

As of writing, I'm still in Manila, just waiting for the van (door-to-door) pauwi ng Mindoro. Usually, nagcocommute lang ako pauwi para hindi hassle pero this time, magdodooor-to-door van ako kasi ang dami kong dala. Every-Undas kasi ay bumibili ako ng fresh flowers sa Dangwa para iuwi sa Mindoro. Talagang ginagastusan at pinag-eeffortan ko ang pagdadala nito sa amin. Ako rin ang mag-aarrange nito para dalhin sa mga puntod ni Daddy ko at mga yumao naming mga mahal sa buhay.


Ang Undas din ang panahon para magkasama-sama kaming magtitiyahin at magpipinsan at makakilala pa ng ibang kamag-anak. Honestly, hindi ako ganoong sociable sa mga kamag-anak namin. Medyo may katamaran din kasi ako lalo na 'yung ako pa ang mag-eefort magpakilala. May konting attitude kasi ako. Haha!

Anyways, I'll be in Mindoro for at least 4days and I'll be back on November 3. I'll spend most of my time syempre with my Mom and my pets specially since ang tagal ko nang 'di nakikita ang mga alaga ko. I am planning to expand 'yung kulungan ng mga spanish doves ko kasi dumarami na sila. Sa susunod na balik ko rin, mag-aalaga na ulit ako ng lovebirds ulit at sana, hindi na makawala pa ang mga ito at para hindi naman sayang.

Share

1 comments:

which reminds me, that I got to visit my dad one of these days :D

October 30, 2012 at 6:21 AM comment-delete